twisting and turning…

dalawang taon.kuntento ako sa bawat bahagi ng kulay mong nakaayos at magkakasalansan ang kulay.ang isang pagkakamali kong pihitin ka,ay nasundan pa ng napakaraming pagkakamali.sa bawat pihit ko at pag-ikot,hindi na ako sigurado kung ginugulo ko pa ba o binabalik sa dati ang lahat.hanggang sa tumigil ako’t hindi na kita kilala.hindi ka na katulad ng dati nang una kong napagmasdan.nabago kita sa ilang pihit at ikot na hindi ko man lang pinag-isipan.kulang ang aking kakayahan para ibalik ka pa sa dati.

kasalanan ko ang lahat.kung kaya’t nang may umagaw sa iyo,isinuko kita’t pinaubaya.ngayong katulad ka na ulit ng dati,wala na akong karapatang hawakan ka man lang.

marami akong hindi alam at isa na rito ang pagsasaayos ng nasisira kong bagay…

92 responses to “twisting and turning…

  1. whoah.. base. hmn.. ganun pala yun..
    uu nga mahirap ngang buuhin ulit yan..

    hmn, bawat ikot, iba na naman ichura niya..

    madalas.. nagpapakapagod ako ng buong mgahapon para lang buuhin yan..

    ayun, darating ang gabi.. hindi pa din siya buo.. bibitawan ko na lang.. tas pag iisipan ko kung paanu siya bubuuhin kinabukasan..πŸ˜€ ..

    ang ganda ng drowing.. kamukha ko.. hahah!!

  2. ang galing naman.. dumadami na ang mga kulay..

  3. isa ako sa mga nade-dehydrate sa pagaayos ng rubics.

    ‘lam mo tol, may philosophical aspects yung laruan nayan e, babalik ka sa nakaraan para maisaayos ang ngayon at bukas.

  4. pero maski ako hindi naniniwala sa mga sinabi koπŸ™‚

    • @vary and bert:
      kaya mas gusto ko ang yoyo…kahit ihagis mo’t itapon…bumabalik balik ulit.minsan nga lang,tatamaan ka sa mukha.nyahaha!

      pagnagkagayon naman…pwede mo na ring putulin ang hibla ng tali na nagdurugtong sa inyo.hehehe!

      • ayoko sa yoyo (bukod sa hindi ako marunong magyoyo) ayoko ung puntong nagkakabuhol buhol yung tali niya .. hmn.. para ulit ako naglaro ng puzzle habang tinatanggal ang pagkakabuhol nia..πŸ™‚

      • tanda ko dati,pakiramdam ko na ako ang panginoon ng mga yoyo dahil kaya ko ang ‘walking the dog’.salamat nga pala kay aling upeng dahil ang kawalan ko ng pambili ng coke,binigyan nya ako ng tansan na mayroong free yoyo.nagkayoyo tuloy ako nang hindi man lang nag sopdrinks!*ala-ala*

  5. you had your chance to fix it pero pinakawalan mo.
    siguro nga hindi para sa yo yung rubix na yon.
    ngayon natuto ka na sa nangyari.
    me darating pang bagong rubix na mas makulay, mas maganda.
    who knows yun na yung para sayo at di na kayang agawin ng iba.

    wag mo lang masyado pihitin gaya ng dati.
    yung tamang ayos lang.

    nice post, duking. pinahanga mo na naman ako. ingats!πŸ™‚

  6. pareho tayo.., kahit kelan di pa ako nakabuo ng ganyan.., kahit simpleng crossword puzzle o solitaire.., wala.., at katulad ng isang bagay.., kapag di ko na maayos.., hinahayaan ko na ring ganun..di ko na rin mababalik sa dati.., mas magugulo lang..,

    at lagi mo pa ring pinapabalik ang emosyon kong naramdaman noon…

    • na gi-guilty na ako.i know i post some heartaches stories and stuff and if it was the feeling that i make you feel each time i post,parang kailangan ko nang palitan ang mga subjects ko.

      next time pala…tungkol na lang sa paggawa ng lugaw ang ku kwento ko.o kaya tungkol sa pag gawa ng butong pakwan.sana,wala kang emosyon para sa ganung subject.

      biro lang.at least,those emotion makes us feel that we’re just humans after all.tama bi ba?tama di…tama di..tama di..*program error*

      • wag ka maguilty,.. if i know naiiyak ka rin sa post ko.. ahmmm.. hindi?,, okay… hindi pala..=/

        pwede pagkukulot naman minsan? o paghugis ng kilay with animation.. ahihih..
        kidding aside.. damo na ko d2 sa bahay mo.. halos d2 na nga ako nakatira eh.. dahil dito.. taong tao tayo..

      • welcome na welcome ka dito,lee mi.at maraming salamat.sa ngayon kase,gabi lang ang available kong pagkakataon para mag update ng blog(in my works expense pa).at least alam kong hindi babahayan ng agiw ang mga sulok nito dahil umaalingawngaw pa rin ang tinig ng inyong pagtangkilik.

        naks.salamat talaga.

  7. Hmn. Ouch. Mabigat sa luob. Speechless ako. May luha, may ngiti. May panghinayang… T.T

    • gasgas na istorya ng pag-ibig pero laging parang bago sa sariling pagkakatuklas.

      add ko kayo ng mga housemates mo sa encounters ko,pre.ang ganda kasi ng site nyo!

      salamat sa pagbisita!

  8. wow napakahanda nito! nagpapatunay na ikaw ay isang normal lamang na tao. pero kung bibigyan ka ulit ng pagkakataon gawin lahat na hindi maulit mga pagkakamali. matuto sa mga ito at kung hindi man mabigyan ng isang pagkakataon sa iisang tao, sa susunod mong paglalaanan ay mas maganda na ang patutunguan….

    ako nakabuo ako nyan! habang ako ay nagtuturo ay iniikot ikot ko yan tapos ng matapos ang isa kong lesson buo narin ang cubes. simula noon nagpaturu na mga estudyante ko. naging craze ito at naging sakit din ng ulo ko. bakit? kasi patago nilang iniikot-ikot ang mga cubes ng patago habang ako ay nagtuturo. masaya din kasi ang dami kong naconfiscate ahaha

  9. pambihira ang angkin mong galing sa pagsusulat at sa pagpapaisip sa aming mga kaisipan!

    saludo ako

    • mahusay,specially kapag nabuo mo sya na walang tutorial galing sa iba.yung tipong ikaw lang ang nakapag figure ng splusyon sa komplikado niyang istraktura.

      salamat ulit!

      • may pattern yun, self tutorial nung hayskul pa kasi mga kaklase ko ay naadik din, parang rubics cube craze, sumikat sya noong taong 2000 (hayskul ako) tapos nung nagtuturo na ako ay sumikat ulit 2008, ang galing diba nawawala at bumabalik

      • oo nga eh…meron talagang na re re-discover na mga bagay bagay.ako dati nung hi-skul,adik ako sa brik game.sa sobrang adik ko,nakalimutan kong hindi nga pala akin yung brik game na nilalaro ko.whahaha!!!

        pero bilib ako sa gulong…hindi nire-re-design,pero di nalalaos.nyahaha!!!

  10. gusto ko rin makabuo kahit isang side lang…

    drama naman ng explaination…

  11. naks, galeng. napag-ugnay ang rubiks at ang isang personalidad ng tao.

    may mga bagay na gusto mong baguhin kasi akala mo mas aayos, pero nung naiba na ang gusto mo lang mabalik sa dati, pero hindi na pwede.

  12. hmm, duking diba pwedeng maayos ang rubics cube pag may pattern kang sinususunod…. natutunan ko yan sa mga kapatid ko….at kelangan mong makabuo muna ng apat na krus bago mo sya mabuo ng tuluyan… ibig sabihin pag may bubuoin kang bagay kelangan mong pag-hirapan.

    lahat yan dadaanan ang sakit ng ulo minsan aayawan pa, pero paano bubuoin kung wala kang pasensya?

    hello again duking…

    • @miss broken-nahaluhan ng drama ang kahinaan ko sa pagbuo ng rubiks cube.hehehe!

      @nars-nawa’y napaghalu ko ng walang naguluhan.

      @aninipot-di ko alam yung pattern,eh.at sa katulad kong mahina sa pagsunod,pandagdag kaguluhan lang ang paghabol sa pattern.suko na talaga ako sa rubiks cube ko.

  13. Isang maling pihit, sira na ang lahat. Pero lagi naman tayong may pagkakataon na ibalik sa pagkakapihit ang maling pihit na nagawa. Nasatin nalang kung pipiliin nating balikan yon o dumeretso na para kalimutan yon at gumawa ng bagong solusyon para mabuo uli ang magkakaparehong kulay.

    Hindi ko kayang tapusin ang Rubik’s cube. Pero alam kong hindi ko gagawing tanga ang sarili ko sa pagsubok na gawin yon sa harap ng mga taong nagpipihit nyan kahit tulog.

    Affected? Haha.

    • well said vaj…

      hindi talaga dapat pinipilit pang ikulong sa hopeless case ang buhay.lalo pa ngang komplikado kapag may iba na nadadamay.know when to give up.it was not so bad to surrender from time to time.personal opinion ko lang din.

      at tama ka,meron ngang taong kaya yang buuin na parang nagungulangot lang.

  14. Ang pag-ibig ay parang isang sanggol, alagaan mong maigi para lumaking maayos at matino.

    Upang sa ganun, ibigin ka din nito ayon sa iyong kagustuhan.

  15. parang brokenhearted ka lang lagi hehe

  16. Rubiks Cube…
    Bubuuhin..
    Iikot ikutin..
    Kapag nagsawa: Iiwan..
    Kapag naalala: Babalikan..
    Kapag na adik…
    Hindi tinitigilan…
    Kapag napagod: Babaklasin at bubuuhing muli.
    Kapag nasunod ang pattern: Bubuuhin muli…

    Pero bakit ganun?..
    Kapag nabuo mo na ang Rubiks Cube?…

    Guguluhin mo ulit?…

    • hmmm, napaisip ako….
      hindi naman sa guguluhin kuya vary. tao tayo na nagsasawa sa paulit-ulit, nababagot kung minsan sa pare=parehong kulay, naaasiwa kapag hindi magkakakulay, bawat parisukat sa rubocs cube ay importante sa atin, mawala ang isa pangit na, hindi mabuo pangit din, iba-iba ang kulay pangit din, mabuo man magsasawa, mainis ay iiwan at babalikan. napaisp ulit ako, hindi kaya hinikayat lang tayo ng rubics cube na 1. maging kuntento at hindi mapaghanap 2. tinuturuan tayong ibalanse ang ating sarili sa kung anong kulay akma at hindi akma 3. na ang buhay ay maganada at makulay 4. at ang importante kung sino ang humawak ng cube (Panginoon) kung susunod ba tayo sa nais nya o magpupumiglas, kapag ba itinutuwid ay magpapabaklas ba tayo o magpupumiglas….. (Ang ganda palang maging Object Lesson sa Preaching ko ang rubics cube sa biyernes) salamat kuya duking at kuya vary!

      ito ang mga mumunting mga pirasong umiikot sa utak ko kasalukuyan

      • out of the blue,naisip ko lang.yung rubics kasing hawak hawak nung bata,wala na yung mga kulay dahil siguro sticker lang,naghulas na katagalan.mas masarap yatang pihitin yun.di ka mamamali dahil itim na lahat.hehehe.

  17. tsk tsk…. kc dpt habang nsa kamay ntin panghawakan ntin ang mahal ntin pra hnd mwala satin at makuha ng iba😦

    • hindi ko alam kayedee…paghindi na kasi magkaisang pintig ang tibok ng puso,nagsisimula na itong magpumiglas.kung mapapasakamay man ng iba,higit sanang isipin natin ang halaga ng pagpapalaya.

      *ginagawa ko ito minsan at talagang masakit din naman*

      • o wel ur ryt! anung mggwa kung ayw n nung isa?!!..
        korek! magpalaya! yan ang totoong ibig sbhn ng pagmamahal misan😦

        ang hirap kong gwin yan!! nkakamatay! but sumtyms we dont hve a choice ayytt ?!

    • right…but we also grow when we gave up.

      *i hope so*

  18. parang na-iimagine ko ngayon ang tingin ni rubics sa iyo. hays, kung bakit naman kasi,may mga iilang bagay sa mundo na kumplikado ang pagkagawa.

    mahilig ka din pala sa C.T na sapatos.
    haha natuwa ako sa pagkaayos ng sintas.
    (napatingin sa paa)

    • manalamin ka miss tutubi.ikaw,bilang babae,ay isa sa pinaka komplikadong bagay na nilikha.hehehe!

      madali kasing isuot yung ganyang pagkakasintas…madali ring hubarin.

  19. nakatingin ako sa rubics ko dito sa table ko after kong mabasa tong post mo ayaw ko syang galawin baka kasi diko mabalik sa dati…

    Ayaw ko sya itry o subukan man lng tulad mo marami akong hindi alam at isa na don ang pag ayos ng nasirang bagay…

    Isang pihit, Isang dsisyon, damay lahat…

    Nice one:-)

  20. aww. bigla kong namiss ang Rubiks Cube. mahilig ako dyan, at sa lahat ng klase ng puzzles. natatandaan ko, madalas kong ipagpilitan ang mga bagay-bagay. kahit hindi magpifit, pinipilit ko pa rin. ginugupit nag ibang pieces para ipalit sa iba. tsk.

    nagpaisip din tuloy ako kung asan na ang Rubiks Cube ko. bigla nalang nawala. hindi ko namalayan. o baka may nakakuha lang na iba.

    • keep up the things you love to do.isang araw,baka mabuo mong bigla ang watak watak na problema ng buhay.huwag mo nga lang ipagpipilitan pagdugsungin ang hindi magkakaugnay na tabas.hindi maganda ang kakalabasan nito…

      hanggat di mo isinusuko ang rubics cube mo,naririyan lang yan.baka natabunan lang ng mga libro’t manuskripto’t lapis sa ibabaw ng mesa mo.

  21. binalikan ko yung batang may hawak nung cibes, may mga kulay pa naman palagay ko nageenjoy pa sya, pinag-aaralan, minamaster, tinatandaan bawat pagkakamali at kapag maencounter ulit sigurado kaya na nya… hindi pa naman sila black kuya duking eh, pero kung black na lahat at wala ng sticker mas madali hindi na iikot pang muli ang kuwadradong gulong ng rubics cube… aywa ko ng ganun, stagnant, monotonous.

  22. astig, ang buhay at rubiks,
    pasasaan ba at mabubuo mo din, yan,πŸ˜›

    • di para sa akin ang rubics…babalik na lang ako sa brick game.o kaya sa snake sa nokia 3210.hehehe!

      • ayoko din ng rubix. nakakainip. pag di pa nabuo, nakakainis. ayoko mainip at mainis. kasi nakakainis. hehe. mas gusto ko boggle o word factory. mabilis, masaya, maingay. di nakakinip. di nakakainis.πŸ™‚

      • binibini…sa dami ng ‘inis’ ma sinabi mo,mukhang inis na inis ka nga.hehehe.

        magandang araw sa ‘yo.anu yung boggle?

        basta ko,masarap pa rin mag poker sa facebook…hahaha!!!

      • di naman inis. ayaw ko lang mainip.
        word game din yung boggle pareho ng word factory. cubes na me letters tapos me timerπŸ™‚ bubuo ka ng mga words. paborito ko yun kasi lagi ako nananalo dun eh.. hehe..

        nakita ko nga fb mo.. invite kita? wahaha..πŸ™‚

      • haha, okay lng yan, ako, hayskul ako nung perstaym kong nabuo ng walang kodigo ang rubiks, at hindi na sya naulit,

        ahm, magkakawai run na lang ako, umay na ako sa snake at brick game, haha:)

  23. ok lang.ikaw ang kauna-unahan kong wordpress friend sa facebook.hehehe!

    alam ko na.yan yung may transparent case na pagkakalugan nung letters.

    anung favorite word mo?sort of that describe you the most?

    • nyah saka na nga lang. nahiya naman ako. wala din ako matinong pics dun.. hehe..

      uu yun nga yung boggle. mas malaki yung word factory. pero pareho lang concept.

      favorite word ko “smile”. yun na din siguro nagdedescribe sa kin kasi lagi ako nakangiti. kahit mag-isa. haha.. baliw..

  24. nyahaha…biglang nag back out!

    buti na lang ‘smile’.yung huli kong tinanong ng same question na yan,’melancholy’ daw.ah,ok sabi ko sabay dukot sa bulsa ng panyo na pamahid sa ilong kong nagsimula nang dumugo.whahaha!!!

  25. nosebleed ba.. buti hindi mo pina-spell. baka biglang bawiin sabihin “sad” na nga lang… haha…

  26. hindi ko nagawang ipa-spell.alam kong matalino sya eh kaso nga lang,na over estimate nya ang kakayahan kong mag process ng salita.at least nalaman ko na may salita palang ganun.hehehe!

  27. parang tiwala lang yan, pag nasira na mahirap ng ibalik.

  28. ang kyut naman ng mga drawings dito, may buhay. namangha naman ako.

  29. “marami akong hindi alam at isa na rito ang pagsasaayos ng nasisira kong bagay…”>>>These words humbles you. At nakatutuwang isipin na sa iyong sarili ay alam mo ang iyong limitasyon. Para sa susunod na pagkakataon ay magawan mo ito ng paraan at balang-araw ay masabi mo nang marunong ka nang ayusin ang nasira mong bagay.

    Salamat sa pagbisita sa blog. Unang beses kong dalaw ito dito and I appreciate all the efforts you have put in your doodles. Ang galing. How I wish I am as talented.

    Sige, hanggang sa susunod….

  30. nung 6 years old ako, yan ang biniling laruan ng tatay ko sa akin. ginulo-gulo ko. hanggang sa hindi ko na maayos. pero gumawa ako ng paraan. ayun kinalas-kalas ko. tapos binalik ulit sa dati. pero hindi ko na nabalik. sira na eh.

    hakhak!
    pero ngayon natuto na ako.

    • ahahaha…

      ganyan din yung kasama ko…palihim nyang binabaklas tapos kunwari malapit na nya mabuo tuwing nagpapakita sa amin.

      kaso may nagbenta sa kanya.sinuplong ang hidden teknik.nyahaha!!!

  31. hmmm hindi ko maalala kung naka-solve ako ng ganyan. hirap na hirap ako e. alam ko lang puzzles.

    dun naman sa kabagayan – mahirap kapag hindi mo na kilala ang isang tao o bagay dahil sa iyong sarling kagagawan. pero masisi mo ba ng husto ag iyong sarili kong, ginawa mo lang ang alam mong maganda at tama?
    mabuhay!

    • tama…kapag ginawa mo na ang lahat lahat at wala pa din…wala kang kasalanan.pero you have to let go kung meron pang ibang mas makakagawa ng bagay na hindi mo pa pala kaya…

  32. @echosera,choknat…salamat sa pagbisita.

    @miss n:thank you so much sa napakagandang comment.

  33. ang galing talaga ng mga doodles mo duking…
    ang buhay kapareho halos ng paglalaro ng rubics, pihit ng pihit, pipiliting mabuo, minsan naka-concentrate lang tayo sa isang face ng cube para mabuo, di naten napapansin ung ibang side/face napapabayaan naman naten. sana katulad ng rubics pwedeng ulit ulitin, pag nagkamali ibalik sa dati, walang ibang napapagod tanging sarili mo lang, kaya lang malayo sa totoong buhay, sa bawat pag-ikot at pagpihit kasabay nun naaapektuhan din ung mga taong malapit sa atin.

  34. Nakaka impress talaga ang doodles mo na colored na.πŸ˜‰ And ang ganda ng shoes ha. Chucks ba yan? Hahah. :p

    Ang galing din ng analogy. Man, you’re a different thinker talaga Duking.πŸ™‚

  35. @beef and slaveboi:add ko kayo sa blogroll mga brad!it was the least i can do to thank you for all the appreciation and support.

    magagaling lahat naman ng nakilala ko dito sa wordpress.maraming style mag express.and for the people na nagsi-share ng personal glimpses sa buhay…ang dami kong natututunan.

  36. Isa ka talagang alamat duking…

    tanda ko pa nung nasa iisang institusyon tayo, may isang magaling bumuo ng rubics sa katauhan ni paulo na may kakambal na kapatid. sa sobrang husay nya, hindi ko mapigilang mamangha, hindi ko alam kung talagang isa sa mga talentong nakuha nya habang nagsasaboy ang langit o may sinusunod syang paterno. gayun pa man, hanga pa rin ako sa kanya. 2 taon ang nakakalipas ng nabuo ko rin sya sa tulong ng giya na nakalakip sa nabili kong rubics, pero kapag pala hindi mo sya madalas gawin, makakalimutan mo rin. parang buhay, kailangan sanayin mo ang sarili mo sa pagayos ng mga nasisira, dahil kapag tumigil ka, darating ang oras na hindi mo na ito kayang buuin pa…

    duking, ipagpatuloy mo lang ang pagbibigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng mga simpleng bagay na hindi natin kailanman naisip na kunektado sa kumplikado nating buhay…

    • taena ka vic!hindi ko akalain na marunong kang mag komento ng seryoso.gusto ko tuloy tampal tampalin ang pisngi ko para masiguradong di ako nananaginip.salamat tol.ikaw ang nag iisang idolo ko pagdating sa gitara at pang raraket…nyahaha!!!

      • hehehe sobra ka naman duking, may seryosong parte naman ako maliban sa mga kalokohan natin, ikaw ang idolo ko naman sa paggawa ng mga imaheng mas madalas ay karahasan ang tema… hindi ko alam kung ang pagiging sundalo o pulis ay isa sa mga pangarap mong hindi naabot nyahahaha kaya sa mga katha mo na lang idinadaan…

        pero saludo pa rin ako sayo… duking.

      • bad beat ang araw ko,pre.wala na akong chips sa poker!!!buset talaga!!!

  37. ayaw ko ng yoy dahil, hindi ako marunong…
    ayaw ko rin ng masayadong madaming kulay nalilito ako… naduduling ako ahihihihi

    • mag sungka ka na lang,yanah!hehehe!

      • marunong ka mag dama, vanah? dama na lang tayo. o gaya ng sabi ni duking, sungka. isa yan sa mga paborito ko dati.. buto pa ng sampaloc gamit namin nun..haha.. ayaw ko din ng mga kumplikadong laro. last year nag xmas party kami dito. grabe isa sa mga games eh sudoku. kakatuwa din kasi team work.. share ko lang.. gandang gabiπŸ™‚

      • mag poker na lang tayo miss!hehehe!!!

        parang sa tunay na buhay.’hold it or fold it’ yun ang secret ng laro.at marami ring ‘bad beat’ when the cards are dealt.di ba?parang totoong buhay lang?at ang nasa paligid….poker face lahat!nyahaha!!!

        *bigla tuloy akong nag ka ideya sa future entry ko*

      • wow galeng naman me bago ka naman idu-doodle nyan..πŸ™‚

        nyah.. di din ako marunong mag-poker..ang dami ko nman di alam gawin. nalungkot ako bigla..😦

      • bat ka naman malulungkot,mas marami ka namang kayang gawin na hindi kaya ng iba.ikaw kaya si dora the explorer!whahaha!!!

  38. haha.. si dora the explorer. gayahin ko ba hairstyle nya? hahaha.. ayan masaya na ulit ako..πŸ™‚

    • pwede akong pumapel na boots o kaya ‘the map’.hahaha!!!

      • ayaw ko kay dora…
        isa syang napakalinaw na example ng mga batang lagalag…
        lagi nakabag kala mo sa skul pupunta.. kung san-san lang naman lalaboy..
        nyahahaha

      • ‘say ‘leche!’…

        lawwwderrr…let’s say ‘leche!’

        tenks por yor help…wi drayb away swipper bikos yu yel ‘leche!”

        eto ang maganda sa dora…may bago laging spanish vocabulary.

    • Waaah! Leche?… hindi ba ang ibig sabihin ng Leche ay “gatas”?.. wahahaha!!!

      • ‘nagka’gatas-gatas’ na ang buhay ko mula ng dumating ka!!!’

        hindi to magandang gamitin sa away.anuman ang ibig sabihin,wala pa ring tatalo sa alaska…este sa ‘leche’ pala.

  39. perhas tayo ng talent! lahat ng hinahawakan ko, nasisira… pwede yata tayong i-identify as mutants eh…hehe

  40. hello, duking. ang galing ng animation. at may kulay pa!

    hmn… ang tingin ko dito sa kwento ay tila isang math equation na mukhang inosente pero dalawang blackboard pala ang haba ng solution. tapos sa dulo, ang sagot ay 0 or 1.

    pwede kong isiping tease ka or technically challenged. pero, parang hindi ang pangalawa, hi, hi…πŸ˜€ ba’t ka nangingialam ng di mo pala paninindigang tapusin o ibalik sa dati? di ‘yon ang itinuro ng magulang mo sa ‘yo. =}

    tapos, dito ka nag-nguyngoy… tapusin mo kaya?πŸ˜€ peace, duking!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s