putitat trobol…

lumayo ka na,pussycat…

hindi mo kailangan ang isang katulad ko.naaalala lamang kita kapag nagsasaklob sa akin ang kalungkutan at kalituhan.itatawid mo ako sa karimlan ng gabi pero ipagtatabuyan kita sa liwanag ng umaga.

kalimutan mo ako,pussycat…

bayaan mo nang iligaw kita sa katotohanang ayaw mong pakibagayan.huwag mo nang tuntunin pa at balikan ang landas pauwi sa aking kasinungalingan.

patawarin mo ako,pussycat…

marahil nga’y may siyam kang buhay kung kaya hindi man lang nanghihinayang na ihandog sa akin ng walang kapalit ang isa sa mga iyon.subali’t ilan na nga ba ang aking napatay kada sinasabi ko sa iyong hindi para sa’yo ang nag-iisa kong buhay?

LUMAYO KA,KALIMUTAN AKO’T PATAWARIN.



72 responses to “putitat trobol…

  1. Paano ka niya lalayuan kung sadyang sa’yo lamang inialay ang kanyang buhay? Kapalit man nito’y kasinungalingan at tanging mga gabing kapiling ka ay sapat na para sa kanya.

    • yan ang parte na ‘sya lang ang nakakaalam.pero hindi kaya’t mas masaya sana kung sa bawat himas sa pussycat eh may kalakip na tunay at wagas na pag-ibig?

      naks.

      nasasaktan din kasi tayo kaya ayaw din nating makasakit.tenk yu,men…sa pagbisita!

      • Ibig bang sabihin para hindi na mas makasakit kailanganng ipagtabuyan na ang isang bagay na may hatid pa ring saya?

      • tinitimbang natin ang lahat ng bagay,magalusan tayo ngayon o makasugat ng malalim sa iba bukas.kung may masasaktan sa bawat pagpipilian,dun sana sa madaling maghilom ang piliin natin.(yan ang payo kong di sincere,dahil di rin ako sigurado minsan)

  2. pussycat… pussycat….
    kelan ka magtatanda?
    si duking na minamahal mo ay isang pahirap…
    aakitin ka niya sa kanyang mga guhit..
    ngunit mga salita nya’y sumisibat din maging sa mi’ng dibdib…
    pussycat… pussycat….
    =)

    • nyahaha!
      pinaratangan ako ni lee mi…*ngiyaw*
      kalmutin mo s’ya!*ngiyaw*
      pero di ba,muning…lahat naman kami ay nagkakasala rin sa kasalanang gaya ng sa akin?
      *ngiyaw ng pagsang-ayon*

      • di kita pinaratangan mahal kong kaibigang magaling gumuhit
        kalmutin mo man kabila kong pisnging malapit nang numipis,
        sa mga salita mo pa ri’y mamumula lang sapagkat may kurot na hatid..
        dahil nagkasala rin ako ngunit di ko kakayaning hika ay bumalik..

        (hirap pala magisip ng pangkomento dito=)…

      • natututo rin ako sa mga komento nyo.nakikita nyo kasi yung ibang ‘di ko nakikita.pero sana,nakakapag pamulat din ako minsan.higit sa guhit at salita ko,kadalasan,ito rin ay kayo.nagkataon lang na ako ang nag kwento.

        salamat sa laging pagbibigay puna,lee mi.natutuwa akong malaman ang nasa isip mo ukol sa mga sinusulat ko.

  3. kawawa naman si muning.. mukha pa naman malambing. pa hard-to-get ka pa ha..🙂

    mahirap talaga turuan ang puso. minsan meron naman nandyan pero iba pa din ang inaantay mo. tapos yung inaantay mo me inaantay ding iba. hay ang saya. cycle of life.

    great work, duking..

    • meow!
      paano ba umiwas sa malambing na pusa?
      natatakot kasi ako na baka balang araw,hikain ako sa sobrang pagkasanay ko sa malambot niyang balahibo…

    • importante si muning dahil sa kanyang balahibo at dahil din sa balahibo ni muning kaya ako hinihika.

      pipiliin ko talagang lumayo si muning kasama ang napakaganda niyang balahibo…siguradong may hihimas sa kanya balang araw na hindi hikain.

      *ngiyawrgh!*

  4. ay sya iligaw mo na lang nga si muning kung di din maganda nadudulot ng balahibo nya sa yo🙂

  5. salamat sa pagdalaw… hintayin ko ang iyong mga post para sa abakada sabado.

  6. Aww nakakalungkot parang euthanasia lang… At ang galing ng doodle… Idol na kita you made a fan out of me…

  7. waa uunga wawa naman si meow meow. hehe. akin na lang…
    hmm..dian sa doodle na yan, mga ilang frames yan? hehe.

    • @glentot…thank you.drop by again sometimes.

      @charm…about 46 frames yata.di ko na matandaan pero i dont usually make gifs larger than 50 frames.masyado nang aksaya sa lapis.

      ingat lagi!

  8. o pussycat na nagigiliw kay duking
    kanyang pakiusap ay talimain
    sapagkat hindi niya masusuklian
    buti ng iyong puso kailanman
    at ayaw din niya naman
    na ikaw ay ituring na panakip butas lamang

    ngunit kung wagas ang iyong pag-ibig sa kanya
    pakiusap ko sa iyo’y alalayan siya
    hanggang makita nya ang tunay na pagsinta
    at manatili kayong magkaibigan pa…

    –maraming salamat po sa pagdaan sa aking munting tahanan!
    tamo po kayo nasa gitnang silangan ako
    kung inyo pong mamarapatin ay pwede ko po ba kayong mailagay sa aking mga link? sabihan nyo po ako kung pwede bilang respeto ko sa inyong karapatan, maraming salamat po!

    Ang pagpapala ng Maykapal
    Hindi masusukat o matitimbang
    Sapagkat siya’y hindi napapagal
    Ang kanyang pag-ibig ay laging naka-abang

  9. paano papalayuin ang taong sa iyo lang ibibigay ang buhay nito?

    kada pagtaboy ay pagpatay sa isang pagkatao…

    masokista ka!..haha

    • kawawa naman pala kung ganun, love covers a multitude of sins, yun nalang ang sagot ko, eheheheh

    • hehehe…’love covers a multitude of sins’

      may mga sangang-daan talaga ang buhay.ang hirap mamili kung minsan,pero anut anuman,kailangang pumili.makasakit o masaktan,panahon lang ang makakapag sabi kung tama ba o mali ang naging desisyon natin.

      • sumandali lamang baka ikaw naman ay isang beterinaryo kaya gustong gusto ka ni pussycat?

        pag-ibig: ang alam ko ang pag-ibig ay napakadakila at perpekto kung ang basehan natin ang dakilang libro. subalit dahil tayo ay nasa katawang tao, masaktan, mamili, manakit at iba pa ay bahagi nito.

  10. bakit sa nakikita ko sa dudel mo, hinahaplos mo si meow meow, tas kinuha mo ulit sya. ibig bang sabihin nun…. kung sakaling isang araw bumalik siya sau, tatanggapin mo siya ulit? [hala napatanong na.]

    • ang kapasyahankung darating ang araw na iyon ay nasa dakilang panahon.kaya’t hindi natin alam ang sagot sa ngayon para sa tanong bukas.

      ingat lagi.salamat sa muling pagdapo.

  11. ganyan naman ang mga pussycat dolls, lalapit lang kapag may kailangan… akala natin dahil sa paglalambing natin, nasa atin na ang loyalty ni miao ming, pero sa totoo, kaya nilang mabuhay na mag-isa…
    wait, tunay na pusa ba ang pinaguusapan natin?😀

  12. waha, napamura ako. hindi ako sigurado kung sayo o kay pussycat ako nakakarelate. parang mas naimagine ko ang sarili kong si pussycat habang sumasagot dito. tsk. pero ayun nga, madalas, kahit masakit, kailangang sabihin at gawin.😦

    • madalas din akong nagiging pusa.naranasan ko ring iligaw at pagtabuyan.at katulad ng lahat ng pusa,ingingiyaw ko na lang ang lahat,masaktan man at magpapatuloy sa paglalampong.

      hahaha!!!

  13. ang pusa,kahit ilang beses mo ipagtabuyan, babalik at babalik sa iyo yan. kahit ilang beses mo siyang sinaktan, kinaumagahan, babalik ang lambing niyan. wag mong sabihing hindi ka karapatdapat sa pagmamahal ng pusa. dahil kung hindi mo napapansin, pareho lang kayo ng iniisip.

  14. Akala ko nahihilo lang ako dahil gumagalaw ang mga picture mo, pero gumagalaw nga! Astig.

    Ang alam ko sa pusa, kapag hindi mo inaamo, kusa silang lalayo sa iyo. Huwag mong pakainin o kaya ihulog sa tulay. sabi mo nga 9 naman ang buhay nila, meron pa silang reserba.🙂

  15. nakakaaliw naman dito, at malalalim ang mga salita, taragis. nakikimuning lang po. pa-add naman sa link. salamat duking. pero astig ng doodle! WINNER.

  16. Kinilabutan naman ako sa post mo. Hindi ko kase alam kung ako lang ba ang nag iisip ng iba. Haha.

    Anyways, gusto ko talagang malaman kung san nagsimula ang paniniwala ng iba na syam ang buhay ng pusa. I mean, andami namang numbers, saka andami namang ibang hayop. Ano ang chance na ma match ang 9 saka pusa?

    Siguro may sagot si manong wikipedia. Kaso di ko lam itytype ko sa kanya.

    Kung makahaplos naman yang drawing mo sa pusa ang halay! Hahaha.

    • natawa ako sa comment mo vajarl, actually iniisip ko rin if dual meaning ba ang post na to…hehe… bakit kasi pussycat ang term na ginamit pwede namng pusa nalang…hahaha

      duking, sinadya ba to?..haha

      • Si Kuya V lagi na lang nag-iisip ng **** at ****. Sabagay berde kasi ang dugo ng mga insekto.

        Sigue na nga, ako rin yun ang nasa isip ko. LOL

    • hindi ako nagkamali ng paglipat sa publicblog.ang tagal kong kinasabikan na may makakwentuhang tumitingin ng higit pa sa nakikita ng mata.

      imbes na sagutin ko…tara…apir tayong lahat!

  17. Symbolic din ba ung pussycat? Parang isang bagay na mahirap iwasan?

    DB

  18. awttss! bt gnun?…. hmmmm…

    subali’t ilan na nga ba ang aking napatay kada sinasabi ko sa iyong hindi para sa’yo ang nag-iisa kong buhay? (hang sakit pkinggan)

    pero ngustuhan ko ang pgiging totoo u.. tama yan wag mag paasa!! panalo k jan duking..xoxo..

    • salamat ulit kaye.

      this is not just about me.it happens to everyone.personally,hindi ko kayang sabihin ng tuwiran ang ganitong bagay.good thing is i can write it.yet,she doesn’t know of what i do.

      magandang araw!

  19. Oo nga. May ibang meaning ba ang pussycat? O_O

  20. naks. kaka-touch naman.

    ang sakit naman nung pilit kang inililigaw at ipinamumukha sa iyo na ayaw sa iyo. wag ganun.hehe

    galing ng symbolic ah. nice.

    • @slaveboi and eli: salamat sa pagbisita.hahayaan ko ang lawak ng isip ng mga narito sa ating daigdig ang mag-isip (at umunawa) ng lahat ng bagay.

      magandang araw mga tol!

  21. mas gusto ko yung ganitong drawing mo, hindi masyadong dark tapos parang mas may hope siya kesa sa past entries mo, hehe. pussy cat ang tawagan niyo? myaw. hehe.

    • kailangan nyo ba nang’specimen’?.pwede kong ipagamit si muning.kung may pipirmahang waiver…just send me the paperworks.i’ll be happy to get rid of my putitat trobol!

      magandang araw at salamat sa pagdaan!

  22. lumayo kana pussycat! ^^ ANG GANDA!! hihi speechlet ako! haha

  23. yang pagsasako at pagliligaw sa pusa ay gawain naming magkakapatid noong bata pa kami. pero ngayon ay panakot na joke ko ito sa mga gusto kong asarin.

    “para kang pusa, masarap kang isako at iligaw kung saan” hehehe

  24. @bonistation: thank you ulit pre!

    @hoshi:panakot naman sa amin dati na kapag naging salbahe ka sa pusa mamalasin daw.pag binasa mo naman,uulan daw.kung totoo sana yung huli kong nabanggit,mas tipid na paraan ‘to sa raincloud seeding lalu ngayong el nino.hehehe!

    marami talagang kasabihan sa pusa.

  25. Uy,dami ng parokyano ni Duking Magaling.

    Iba ang naalala ko sa putitat.

    Iba, huwag gay-on

    • salamat sa inyong lahat.pero kulang pa rin ang pagpapasalamat para ihayag ang aking katuwaan na binabasa ninyo ang mga ligalig ng buhay kong dito ko pala sa blog mailalabas.

  26. Marami nito sa Pasay, sa Zapote at sa Malate.

    Kalaban namin sila…hahaha

  27. wag mong amuhin kusang lalayo yan😆

    i hate cats… especially the copy cats ahihi!

  28. lupet ng mga ibang nagkokoment a, konti na lng balagtasan na.🙂

    it reminds me the song “para sayo” hindi yung kay manny pacquiao a! yung sa parokya ni edgar..🙂

    …tingin ko may kinalaman yan sa “Looking Glass-self” ni C.H.Cooley.

    • tama kasi si j.kul,punong puno ng matatalinong tao ang nasa blogsphere.natutuwa naman akong makipag palitan ng pintig ng diwa sa lahat ng narito.

      salamat sa pagdalaw bert!

  29. basta ayaw ko sa pusa. hate na hate ko sila. kasi naman may klasmeyt ako dati kinalmot ang mukha niya kaya ayun, kahit kelan hindi na ako natuwa sa pusa. kinamumuhian ko na sila!

    tsuupiii!

  30. naku mahirap naman kung umulan ng pusa. wahhhh

    puro kalmot ang earth. ewan bat hindi nagustuhan ng mga kuya ko ang puso. galit na galit sila, lalo na yung nakainan ng kalapati.

    pero yung pusa namin ngayon na si kitkat, tirador talaga ng daga. iyon nga lang hilig lumandi. hehehe

  31. hello, duking.

    ba’t pag nababasa ko ang mga payo mo sa blogs ng iba, parang ang dunong at ang husay mong umintindi sa buhay doon? very articulate ka at saka, you take time na ipaliwanag ang mga bagay-bagay? ba’t pag dito sa blog mo, wari ko, bukod sa parang ayaw mong mag-edit, madalas ukol sa self-recrimination ang nababasa ko? ba’t ganoon? mahirap magpatawad, mahirap tumanggap? ba’t po?

    hmm… bata ka pa naman ‘ata. parang ang kuha ko, e, ayaw mong makasakit. hwag kang mag-alala, marami rin dyang may kakayahang saktan ka, haha. let them help themselves sa mga sakit at hang-ups na kaya mong i-serve, ahaha. saka, be consistent kaya, tsong? mahirap pag madalas tumalilis, magtago at magpasulput-sulpot. tumaya ka kasi, bok.

    hala ka, ganyan talaga akong magsalita. akala mo kung sinong maalam at magaling, haha. siyempre, sa totoong buhay, lousy rin akong magpasya at duwag din. :]

    mag-ipon ka para pag nagkita tayo, sagot mo ang barbeque at beer. haha, more than a decade na akong once a year, one bottle lang mag-beer – matipid. kain na lang kaya? 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s