the quick and the dead

sinasagi pa rin ng ala-ala mo ang kapayapaan ng aking pag-iisa.umuusbong tuloy ang munting tapang ng aking mga pangarap na ipaglaban ka.maghahamon ng duwelo ang mumunti kong mga pangamba.aalingawngaw ang agam-agam sa puso ko subalit kampanang bubuka ang aking bibig para mataginting na sabihin sa iyo na kung hahayaan mo ako,ibig ko sanang ibigin ka.ngunit ang kapangahasan kong ito’y susuklian mo lang ng malamig mong tugon at tingin na dudurog sa lapida ng libingan ng aking pagtatangka.sa gayon,malilimot ang pait ng lahat,maliban sa uusbong na bulaklak ng pag-asa.kung kailan,iyon ang tanging hindi tiyak.sa muling pag-iisa,langit ang kapayapaan.hanggang sagiin muli ng ala-ala mo at paulit-ulit na masaktan…

44 responses to “the quick and the dead

  1. Hmn, a love that sprout, but will never grow…

    Anu pa bang mas masakit dito?.. hmmn…

    Pero tulad pa rin ng sabi ko sa iba: lahat ng nagmamahal… hinding hindi matatalo…🙂

    Duwelo man, o sugal…

    • napakatagal ng banaag ng bukang liwayway sa taong nakatitig pa lang sa papalubog na araw.

      i wish i could wear the mask and pretend to see things the way you see it.

      and never bet your heart if its more than the prize at stake.and maybe then you’re right.hindi ka matatalo.

      salamat for the link.salamat for being here.

      • Hinding hindi mo makikita ang silahis ng umaga sa kanluran..🙂 subukan mong tumalikod… wala sa kahapon ang bukas mo..😀

        Nasa puso mo lang ang mga maskara.. gamitin mo ng wasto..😀

      • isa kang compass ng kaluluwa,yvarro.pero minsan,’di rin naman masamang magmuni sa papalubog na araw lalupa’t napansin mo na ang hapdi na sunog sa iyong balat.magiging mas maingat sa bukas,at hindi na susuong kung nakakapaso ang init.

        salamat sa pagtuturo ng lalagyan ng maskara.nawawaglit ko kasi minsan sa aking kalituhan.

  2. Ex naman ngayon? Hehe. O crush? Sige kwemto mo kung bakit duking, tas gusto ko makata din yung paliwanag ha!

    • na churva na ang eclavu ng kung anik anik na churvaness.

      nakup…napasobra yata ang dosage ko ng makata capsule…hahaha!!!

      salamat ulit sa pagbisita yiN.

  3. Ang lalim nito ha, di ko halos ma-gets. O di ko lang mabasa nang maayos dahil natatakpan ng snaps.🙂
    Kahit na anong alaala ay nagbabalik talaga sa isipan.

  4. sad e2ng c duking!
    everything wil b ok🙂

    lab d drwing agen!:)

  5. minsan o madalas kelangan natin maramdaman yung pain para mas malaman natin na nagmahal tayo. pero darating din naman yung panahon na mawawala na din yun ng tuluyan kasi me darating para sa yo na hindi ka na iiwan. one who will love you back and one who will stay that way.

    nice work, duking.🙂

    • wow,thats a good advice to hear.salamat,ha!

      people just go,thats something that we can’t decide.but when you least expected,you feel a little sad.still,theres a spark of hope left to start over,perhaps to love again.and that makes me say…i would just doodle for a while to kill time.

      hehehe!

  6. hala. first time ko dito. ang ganda ng GIF images mo🙂

  7. wawa naman yung drawing, nawalan ng puso. mabubuhay pa kaya siya? dapat nagpaturo siya kay fpj kung pano maunahan sa pagbaril ang kalaban.🙂

    kaya yan. go go go.🙂

  8. weeehh >.. basta magaling kang magdrowing..😀 hahaha!!! yun ang puso mo na wala nang makakakuha mula sa iyo..😀

  9. Sapul!

    Drawing palang panalo na!

  10. :c

    I had a hard time with the tagalog text, but I did my best.

    Still, di ko masyado na intindihan. Pero good luck Duking.🙂 Hahah. Be happy.🙂 Everyone deserves it. Yun lang.

    • sorry men,’di ako expressive sa english.not unless magkaroon ako ng pagkakataon na ligawan si queen elizabeth…baka testingin ko rin.hehehe!

      salamat sa pagdalaw!

      • LOL! ayos lang! at least i learned. hehe.😉

        Queen Elizabeth ba? Old women pala trip mo ha? hehe.

      • hindi men,time travelling ang trip ko.liligawan ko si queen elizabeth nung panahong naglalaro pa lang sya ng barbie dolls.(nakup…napasobra yata ang setting ko sa time machine!)

  11. inggit ako sa drawing hehe

    ang lalim ng mga tagalog parang singlalim nung pagibig na tinutukoy ehehehehe

    • wala talagang link back carelesshush…hindi ko tuloy magawang silipin ka sa tinutuluyan mo sa web.

      thank you ulit kahit parang ninjang walang bakas ang bawat dalaw mo.

  12. ang ganda ng msg, ramdam na ramdam ung pagmamahal, ang sakit. At naka relate naman daw ako hehe.

    ganda ng drawing🙂

  13. so far, your one of the few na mai-coconsider na magaling talaga, bawat guhit at salita pinalutang ako…hahaha, pasensya, lumulutang naman kasi talaga si aninipot.

    ngayon ko lang to napuntahan at sure na babalikan.

  14. isa ka ata sa mga makabagong romantisismong pumapanday ng mga salita.

    sabi nila, hangga’t paulit-ulit mong sinasariwa ang mga sakit ay parang paulit-ulit ka na din nilang sinasaktan. kaya mas ok siguro kung manoond na lang tayo ng spongebob squarepants habang may secondhand serenade na backround music.🙂 patambay uli next time!

    nga pala, nagdownload ako nung software na sinasabi mo. ayun! sumakit ulo ko…hehe. marami pa ata akong kakaining butil ng corn chips..

  15. @atty.boy,aninipot,echosera and bert:

    mga sir at ma’am,salamat sa malulugod na papuri.konti na lang,magre resign na ko sa trabaho at walang tigil na guguhit.hahaha!

    makabagong romantisismo-hindi rin ako ‘to.isa lang akong matabil na dila at nangangating daliri na kailangang ikamot sa kinis ng papel kung minsan…

  16. how does love really work out for both people who have two different ends? how do both ends meet? will love bear the burden that it has? or will they simply slip off their grip…sometimes, it has to be fallin out of order to see the real problem, sometimes you had to be hurt in order to find cure..and often times, you must set someone free because you have to…because you are not ready to love them the way they are loving you or because you are not simply ready for the risk that you are about to undertake… a movie line once stated that love endures…but for how long? for as long as it has to, even you are hurtin inside, even you get crazy over it..

    i guess so, when you love you have to be ready to face everything..even yourself…

    • stumbling through your words,i can’t help but think that you know much about love than i do.but then again,hey!the book of love is always changing everytime you flip its pages.

      walang ganito pala yun dahil ganun yun lagi.
      walang ganun pala yun dahil ganito yun lagi.

      ibig kong sabihin.iba-iba s’ya depende sa pag-ibig na nag uusbong sa puso mong nagmamahal.

      nililito lang kita pero,oo…tama ka!

  17. Gagaling din ang sugat mo sa puso. Mahal sa hospital bill kapag nagpakamatay ang isang tao dahil lang sa pagkabigo.

    • tenk yu ha,wildcat.’di na siguro problema yung hospital bill kung nagpakamatay ang tao.iba na kasi ang mamumrublema.hehehe!

      ultimate loser ang nagpapakamatay dahil sa pag-ibig.walang langit para sa ganitong kasawian.

  18. galing ng duelo..sapol puso ko!!

  19. hahaha! natawa ko sa drawing. wala na siyang puso. butas na katawan niya. kawawa naman. tsk tsk.
    btw, di ko magets ang sinabi mo eh. pwede patranslate pwede? ang lalim eh!

    • kalimutan mo na lang eloiski…at parehas nating iligaw ang mga mapangahas na salitang ginamit ko sa kakahuyan ng ating kalituhan.

      tenk yu at nagustuhan mo ang dwelo.hehehe!

  20. You live and die and yet love never decays. Let the flower bloom in your grave in memory of an everlasting love and care. Let the wind whisper and take its fragrant smell to the heart of the unknowing.

    And when she remembers you try not to hold back the words and break the tomb. You have died not breathing a word and you may live again if you will. If in case she still doesn’t care… another death wouldn’t be that painful. At least you had the temerity and you may rest in peace eternally.

  21. sobrang galing ng mga term na ginamit mo parang sumapi sayo yung mga bataan ni Bonifacio…

    last night nanood ako Ninja Assassin don sa movie pwedeng ilipat ng pwesto ang puso sa kanan pagnasugatan sa kaliwa hehehe…

  22. broken-hearted ka ba?

  23. @pseudonym:

    tenk yu sa pagbisita…love your phrases.nahahati kasi yung kakayahan kong magpahayag kapag english ang gamit ko.naco-concious ako…hehehe!

    @anne0829:

    mapalad lang siguro ako dahil nung naglaro kami ng ‘spirit of the glass’,ang natawag naming ispiritu ay ispiritu ng ‘isang katipunerong mangingibig’naks!

    @jongskie721:

    ‘yan at iba pang katanungan ang sasagutin pagkatapos lamang ng ilang patalastas….’

  24. hello, there.

    haha, okey ‘to, duking! ang tapang mo pag laban sa labas, walang liksi at madaling dumugo pag laban na sa loob… haha! ‘yon ba ang message? madali ka lang igupo at anupa’y dagling babagsak? ke-drama!!!

    hoho nga, mukhang tribute ito sa action films na nagkukunwaring pumapag-ibig, haha… ibang interpretation naman ‘yon. 🙂

    btw, kamusta ka na? 😀

  25. di ba eto rin ang lagay ng pinas ang mabilis yung mayaman at ang patay yung mahirap!!!!!!!!!!!!!!mabilis sa pagkamkam at patay dahil sa gutom!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!hehehehehe but thats the truth!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s