everybody’s changing…(pero hindi ako)

walang magbabago.

maliligaw pa rin ako sa loob ng sinehan.hindi ko makakabisado kung saan kita iniwan.’di pa rin ako papayag na mas maganda ang sunset kesa sa nuclear explosion tuwing pinanood natin ang paglubog ng araw.pagdidiinan ko pa rin ang benefits ng sigarilyo kahit alam kong wala.uuwi pa rin akong gasgas ang braso at sugatan ang tuhod dahil hindi ako nag-iingat.tatawanan ko pa rin ang lasa ng niluto mong paksiw.gugulatin pa rin kita pagkatapos mong manood ng paborito mong horror movies.sisipot pa rin ako sa date natin kahit wala akong pera.stick pa rin ng kinain kong barbeque ang iaabot ko sa’yong bookmarker kung hihingi ka.’k’ pa rin ang isasagot ko sa komplikado mong mga tanong sa text.mali late pa rin ako kada magpapasundo ka.hinding hindi pa rin ako sasama sayong magsimba kahit na birthday mo…at higit sa lahat…magsisinungaling pa rin ako kung yun ang dahilan para makaiwas sa ating mga pagtatalo.

kaya tama yan.isulat mo ang nararamdaman mo sa likod ng notebook ko.

kahit alam kong pupunuin mo yan ng…

‘I HATE YOU!!!’

63 responses to “everybody’s changing…(pero hindi ako)

  1. base,,, tsk..😦 napaka nostalgic ng mga words na ginamit mo..

  2. naiinis akong may mga taong hindi marunong magpahalaga..😦 ganun lang siguro..πŸ™‚ lalo na yung mga taong hindi nagpapahalaga ng pinagsamahan..😐

  3. at siyempre.. maganda pa din yung drowing mo… higit sa na amaze… naiinggit na ako… ahahaha!!!πŸ˜€

    • ‘this is my gift…this is my curse’

      sabi ni spiderman.

      at katulad ng lahat,meron din paniguradong meron ka na wala ako.di ko lang alam pero marahil kakainggitan ko rin kapag nalaman ko.hehehe!

  4. haha.. stubborn ka palang bf duking eh.. hehe..
    tama lang yon. just be yourself. kung gusto mo talaga magbago for a person, nasa yo yon. walang pilitan.

    • on the lighter note,meron din akong konting alam sa pagpapahalaga ng mga temang may kinalaman sa puso.hindi ko nga lang maipakita kung minsan.

      naks!nangatwiran pa eh no?

      • ay sa presinto ka magpaliwanag, duking.. hehe..

        pero dun pala sa paninigarilyo, hmm, try mo lang bawasan if di mo kaya iwasan. healthy living is still the best…payong ka-blog lang ha..πŸ™‚

      • thank you miss addicted…ang totoo,i’d been trying to stop for years…kaso nga lang…

        *hindi na nangatwiran*

        (umalis sa harap ng pc at nag sindi ng sigarilyo)

      • di ko pala nabasa to.
        when you grow older mas maiintindihan mo why you should stop now. yung Daddy ko kasi grabe manigarilyo nung kabataan nya. yung mga side effects ngayon nya nararamdaman… pde naman siguro paunti unti lang…

    • thank you sa lahat ng paalala.sincerely,i want to give it up but i just dont hurry to put it down.lalo pa’t sa gabing malalamok…hehehe!

      ingat ka lagi!

  5. haha ayos at least binaaan mo na siya…πŸ˜†

  6. ang ganda naman ng mga gif artwork mo! astig!
    napadaan lang po, medyo striking kasi ang gravatar mo pag nakikita ko sa comment section ng iba (ang cool kase) kaya napasunod ako dito sa mismong blog mo!

    cheers!

  7. haha, kelan kaya ako makaget-over sa pagka-amaze sa sulat at drawing mo?

    simpleng sapul ka kung tumira duking.

  8. I was browsing through your page a while ago, astigin ang concept. Gusto ko ang mga drawing saka black and white! Ahlaveeet! Haha.

    Aniweys, game, pagtanggol mo saken ang benefits ng pagyoyosi. Hehe. Medyo masalimuot kase ang karanasan ko sa mga nagyoyosi na hindi ko kilala. Lalo na sa pampublikong sasakyan. Or vice versa. Kung ano man, basta hindi harmonious ang relationship namen. Hehe.

    At pareho tayong hindi nagsisimba. Or tama ba pagkakaintindi ko? Ayoko magsimba. Hindi ako naniniwalang dapat tayo magsimba linggo linggo. Pero baka iba ang relihiyon ko kesa sayo.

    Hello hello.πŸ™‚

    • Marunong kang gumuhit Vajee?

      Wehhh, tigilan mo yan.

      • vajarl,salamat at naibigan mo ang payak na konsepto.’di ko alam kung hanggang saan aabutin ang mga ideya ko pero sana hindi agad masaid.hehehe.

        responsible smoker ako(naks!).i don’t do it in public places unless designated smoking area.in fact,kinakain ko na rin yung upos pagtapos para walang bakas ng kalat.(biro lang)

        tiniwalag ko ang simbahan.inunahan ko na bago ako itiwalag.i just dont get along with religion very well.

      • Wag ka magulo Lolo. Sipain kita sa tadyang. Hahaha.

      • And this is the point where I think we will build a strong friendship. Haha. We feel the same way about religion.

        Anyways, muntik na ko maniwala na kinakain mo yung upos. Joke lang den. Pero mahalaga na maging responsable sa mga bisyo naten. Kaya kung totoo yang sinabi mo, pagpatuloy mo yan.πŸ™‚

    • salamat vajarl.i won’t say no to friendship lalupa’t sa taong aminado ring ‘nagtiwalag’.

      erehe at filibustero tayo sa simbahan…pero lingkod pa rin naman tayo ng liwanag at katotohanan.pwede na rin yun sigurong tiket para sa kaligtasan.

      • di rin ako pala simba kahit nung nasa Pinas pa ko. hindi kasi maganda yng naging impression ko sa simbahan nung kabataan ko (naks, parang superlola na ko.. hehe).. madaming naglilingkod sa simbahan na mga hypocrites akala mo mga banal. ayoko lang magkasala pa lalo kaya mas pinili kong makipag-usap na lang kay Bro araw-araw sa sarili kong paraan. it works well til now. my day starts and ends with a prayer. pero once in a while nagsisimba din ako. the last time ata nung new year. ako lang mag-isa. i just felt i had to personally thank Him for all the blessings i got from the past year. i remember napaiyak pa nga ako while praying.

        hindi mo kelangan magsimba lagi para ipakitang mabuti kang anak ng Diyos. mas pinili kong gumawa lagi ng mabuti sa kapwa…

      • i can’t remember the last time i’d been to church.sa walang hanggang karunungan ng dakilang manlilikha,kulang ang paliwanag ko para pangatwiranan ang hindi ko pagiging religious.the good thing is,i would only answer to him if the time comes why.

        ingat lagi at magandang araw.

  9. “…magsisinungaling pa rin ako kung yun ang dahilan para makaiwas sa ating mga pagtatalo…”

    di ko alam kung makakatulong sa isang relasyon ang gawin yan. at di ko rin sinasabi na di ko gawain yan…(nung araw lang yown!)πŸ˜€

    • huwag mo kong tularan.mas masarap basahin ang ‘i love you’ kesa sa ‘i hate you’.

      at bilang depensa,ine-exxagerate ko ang pagsisinungaling ko para malaman nyang nagsisinungaling nga lamang ako at ayoko lang makipag talo.

      e.g kulasa:bakit ka late?
      kulafu:ah,dumating kasi yung mga Men In Black sa bahay…niligpit yung flying saucer na bumagsak sa likod-bahay!

      i do it in style.nyahaha!

  10. gusto ko ang sinabi mo dito. ewan ko kung bakit. wala lang parang ang cute cute! hakhak!
    lalo na sa salitang I HATE YOU! ang ganda pakinggan. seryoso. kakaibang banat!

    • whahaha…

      hindi ko alam kung anung nagustuhan mo sa ‘ayheychu!’

      ah,siguro nagpupuno ka rin ng ganitong salita sa likod ng nokbuk mo.hehehe!

  11. Sometimes, we forget that it is the irritating things about someone that made us fall in love with them. We then use our relationship to change them. I think that’s wrong. I also think, however, that it’s wrong to NOT learn how to compromise.πŸ™‚ Give and take naman ang love eh. So if she wants you to stop smoking, maybe you can at least lessen it or something like that.

    Bow.πŸ˜‰

    At least ito, simpleng Tagalog lang. hahaha.πŸ˜‰

  12. mas totoo mas masarap makipaglaro

  13. aww. teka.

    medyo may naalala lang ako. adik rin ako sa pagsusulat ng notes sa mga notebook ng ‘ibang tao.’ hehe.

    simple pero tumatatak.

  14. bkit nman ayw mong magsimba??

    disappointed aq s drwing u!
    yan ha. pinag bigyan kta! hehehπŸ™‚
    ahh bsta iloveit p rin! behhπŸ™‚

    • yehey na disappoint kita kaso hindi pa rin pala.tell me kapag na disappoint kita sa mga future post ko.i’m good in disappointing people.your day will come.nyahaha!!!

      ayoko magsimba kase…

      *inantok* …kaya di na natuloy ang paliwanag…

  15. ang galing lagi ng art..amaze lagi ako…=)

    words are for me? hmm..hindi?… okay.., dahil tinamaan ako ng magaling.=/

  16. awww… pero sabi nga, there is a very thin line that separates love from hate…so sa likod ng i hate you na yan e merong malaking i love you.πŸ™‚

    • bubublatlatin ko ulit yung notebook miss kaye…titignan ko kung meron nga.tingin ko wala kase parang kinapos yung tinta dun pa lang sa pagsusulat ng i hate you…

      aguy!

    • ay s mommy kaye..πŸ˜€ may tama..πŸ˜€ ahehehe..πŸ˜€ kumbaga… hindi mo naman masasabing hate mo ang isang tao.. kung hindi mo siya mahal di ba? ..:-D ahehehe..πŸ˜€ para maka gawa ng anino: kailangan ng liwanag..πŸ˜€ ahehehe..πŸ˜›

      • nice one,yvarro.oras na para hanapin ko yung liwanag.whahaha!

      • tama ang maskara…para makagawa ng anino, kelangan ng liwanag…

        pero teka, para makagawa ng maskara, anong kelangan? at para makagawa ng mga gumagalaw na drowing anong gagawin?πŸ˜‰

      • Upang makagawa ng maskara:
        Kailangan mo ay Isang Wangis na mukha,
        Salamin at Tubig, at Pinunit punit na papel…

  17. wehehehe..πŸ™‚ meron ditong NBYC (National Blogger’s Ymoe Congress)…πŸ™‚ ahahaha!!!πŸ˜€ go duking!!! cool ng site moh!!!

    • @yvarro at sa lahat ng nakarating dito at nag iwan ng munti nilang kuro…

      kulang ang tenk yu kumpara sa sayang nararamdaman ko sa pagbibigay importansya ninyo sa munti kong libangan…

      naks!parang nanalo sa sabong!

  18. wala na si Yvarro, nagbakasyon. Vary po. Ang isa sa mga bagong maskara.

  19. just like the title…everybody’s changing…

  20. what a cool blog… panahon ng tumingin sa “LIWANAG SA DILIM”…..

  21. hindi ko pa nababasa yung posts mo, pero naamaze na agad ako. :glad: ang cute ng animations.

  22. Pumahimpapawid ang aking imahinasyon sa bawat sitwasyon… Isang malaking ngiti ang iyong ipininta sa aking pisngi. Hindi ko mawari ngunit sadyang umaayon ako sa takbo ng relasyong nabanggit… kahit na “I hate you!”

    I hate you Duke! Kasi naman… ginising ng iyong akda at katha ang mahimbing na pagkakatulog ng aking mga daliring may sariling emosyon. Nais kong gumuhit muli.

    Salamat sa iyong pagdungaw sa aking bundok.πŸ˜€

    • hehehe…

      nagambala ko pala ang nahihimbing na bahagi ng iyong pusong may pagtibok sa pag-do drowing.

      gumuhit kang muli.hindi ka magsisisi sa matutuklasan mo.

  23. sarap maligaw dito..sapol iyong mga sinasabi mo ha..i can relate to this..minsan, hindi tayo nakikita ng taong mahal natin minsan kahit anu gawen natin they dont see our worth..gusto ko nung mga drawing at animations..wow..sugoi!!!

  24. aba, para lang hiskul lablayp.. ehehe

  25. stick pa rin ng kinain kong barbeque ang iaabot ko sa’yong bookmarker kung hihingi ka. << haha, adek lang. sige penge rin nyan. nyahaha.

    β€œ..sisipot pa rin ako kahit wala akong pera”.. << ayiee, kaya ka sisipot kasi wala kang pera… :))

  26. haha, super like ko ‘to, duking! kakatuwa… πŸ™‚

    ang lakas pati ng tama – tamang lab me for what i am, haha! pero, cool…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s