our aches…

natatawa ako dati kapag nayayamot ka at sinasabi mo sa akin na sana’y maramdaman ko rin ang sakit na nararamdaman mo kapag sumasakit ang ngipin mo.ngayong wala ka na,naisip ko na kung sumakit man ang ngipin ko o ng lahat ng tao sa buong mundo,hindi ba’t wala rin namang magbabago sa sakit na nararamdaman mo?

ayokong isipin na salbahe ka.

pero ayokong maranasan mo ang sakit na nararamdaman ko.

ikukubli ko ito sa ngiti-pilit man.

at hindi bali nang maging salbahe ako sa aking kasinungalingan…

29 responses to “our aches…

  1. nakakatuwa naman ang mga doodle mo (wait tama bang matuwa ako? parang medyo malungkot itong doodle mo eh :D)

    • matuwa ka na rin.

      katulad nang katuwaan ko kapag may natutuwa sa mga munting doodle na ito at sa mga buntung hininga ng isip ko…

      thank you!

  2. bakit parang naguguluhan ako?..

    • may maitutulong kaya ako sa kaguluhang kinasangkutan mo?

      teka…baka yung mga napagsusulat ko ang sanhi…ipagpatawad mo na lang.magulo rin kasi ang laman ng isip ko minsan.

      hehehe…nahawa yata kita!

  3. minsan gusto lang talaga natin ng karamay sa sakit na nararamdaman natin kasi takot tayo mag-isa o maging miserable mag isa. sabi nga misery loves company. pero agree ako ke Mitch Albom dun sa book nyang Tuesdays with Morrie.. englishin ko na ha.. that we should learn to detach from our emotions and we can only do that when we allow ourselves to go through them all the way. simply put, namnamin ang pain hanggang ma-overcome mo. hindi naman mawawala yan kung masasaktan din yung taong nag-cause sa yo nun. you simple have to go through it by yourself.

    saka sa kin, mas gusto ko umiyak mag-isa pero tumawang me kasama. pangit naman tingnan kung dalawa o madami kayong naiyak sa iisang dahilan pero mag-isa ka lang tumatawa di ba?

    great post, duking. wag ka na malungkot. sabi nga ni lloydi ke ate vi “hindi sayo umiikot ang mundo nya at di ito matatapos pag wala ka na.” we just have to accept that and move on.

    have a great day…

    • salamat sa napakagandang komento.’di naman talaga ako malungkot.these should be done a long time ago.scratch paper lahat ‘to pinanganak including yung drawing.nahanap ko lang sya at naisipan kong testingin in blog format yung ganito.so far,ok naman.

      and all these are still some scratch ’till tinapunan nyo sya ng tingin.

      so thank you ulit.

  4. Do you make these drawings? O_O

    This is awesome. I’m a new fan.๐Ÿ™‚

    • salamat.oo,gawa ko yang mga yan.

      salamat sa pagbisita.

      • Galing!๐Ÿ˜‰ Pano mo pinapagalaw? Hahaha. I’m such a techie noob. Pero, dude, it’s really cool. I like how you start all your blogs with your awesome doodles. Hahah.๐Ÿ™‚

        I’ll be adding you on my links. Hope you don’t mind.

  5. mas masakit ang nakikita kang nagkukunwaring si superwoman… inaway ko kase lahat noong sumakit ipin ko..=)

    komento sa drawing: bakit parang naka-amoy ng fast fart ni yin yung isa? =D

  6. Honga,

    Tahan na.

    Masakit ba?

    Pero hindi mo alam ang totoong sakit.

    Hayaan na natin, lilipas din yan.

  7. sino ba “siya”?

    very nice drawings which you’d rather call doodles.๐Ÿ™‚ ang galing galing naman๐Ÿ™‚

    • tinawag ko na lang syang doodles kase nagsisimula lahat sila sa mga likod likod ng notebook at mga note pad ko.

      tenk yu miss kaye,tagal mo na palang blogger.ang ganda ng blogsite mo at yung mga kwentong nai-share mo.

      • ah matagal na kong blogging pero friendster, multiply at facebook lang. at dahil lahat ito ay banned sa office, di ko maaccess ang site so nagdecide akong magWP. ayan.๐Ÿ™‚ at dumami lalo ang mga friends…yun lang naman ang masaya bukod sa nakapagsusulat ako ng iba naman sa mga sinusulat ko sa trabaho.๐Ÿ™‚

        sulat lang ng sulat at guhit lang ng guhit…

  8. “Ngayong wala ka na”….mas maganda kung “Ngayong malaya ka na”….

    malungkot ka. time can heal it..but it will only work if and only if you have decided to be cured..

    cheer up..=)

  9. sabi ng nanay ko pinakamasakit na masakit sa katawan niya eh pag sumasakit ngipin niya, yun din siguro opinyon at pakiramdam niya. (talagang ang comment about sa sakit sa ngipin)๐Ÿ™‚

  10. pag mga tungkol sa sakit,pwedeng pwede ka mag comment kase nurse ka naman eh.pagsumasakit ang ngipin ko,sinasabay ko yung mga ‘di ko kayang gawin kapag ‘di sya sumasakit.

    ex: pagmumura sa boss ko ng walang sabi sabi sabay hingi ng sorry.joke lang!

  11. touchie aq!๐Ÿ™‚
    mlalim pro nasapul mo gus2 mong iparating๐Ÿ™‚

    • thank you ulit ha…kung naramdaman mo yung kahulugan ng sinabi ko,at least masaya akong may kaparehas pala ng tibok ang damdamin ko minsan.

      yeeepeeee!!!

  12. Galing naman nung guhit. Kapatid ba yung paksa ng akda?

    Ikaw pala si duking. Ano yun, pinagsamang duke at king?

  13. oo nga no?!

    ang masakit ay nararamdaman mo yung sakit na wala kang magawa. na sana ay ikaw na lang makadama ng sakit na dinadamdam niya. wahhhh

    ei thanks sa pagbisita sa hoshilandia.com! pa-add na rin kung okay lang. hehe

  14. Ang ganda naman ng blog mo๐Ÿ™‚ pati yun mga doodle.. Ang nice๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s