swinging my feelings…

hindi mo siguro iniisip na kaya kong maglibang ng wala ka.nakalimutan mong ang buhay ay parang swing…pwedeng may nagtutulak pero maaari ring painugin ng sariling pagpupursigi.

pero sige,aaminin ko na rin na mas masaya ako sa ups and down ng magkabilang dulo ng buhay nating parang seesaw.

s’ya nga pala…huling bisita ko na ito sa playground ng ating ala-ala.salamat sa pakikipaglaro sa akin minsan isang tag-araw!

20 responses to “swinging my feelings…

  1. Kapag nag-iisang naglalaro sa seesaw, itatapon din ang mga nagsisigawang alaala pero kung may nagtutulak alam mong maitapon man, may naka-alalay na pupulot ng isang magandang nakaraan.

    • salamat sa kuro j. kul!hindi rin kasamaan ang pag-iisa paminsan minsan at pagkasanay dito.

      pero masaya ako na naririto kayong madalas at nagbibigay saysay sa mga munti kong mga akda.

      • Ginagawa ko rin naman ang pag-iisa, kadalasan.

        Tanging ang mundo ng aking isip ang nagpapaikot sa aking araw.

        Dinadala ako nito saan ko man gustuhin.

        Walang anuman.

  2. minsan ganon talaga men…
    may mga makakalaro tayo sa playground ng buhay at nakakalimutan natin na paglipas ng gabi e magsisiuwian din sila.
    …pero may kinabukasan pa naman.

    ang tanong lang ay kung sino ang babalik at maglalaro uli sa playground.

    • mahirap nga talagang pumili ng kalaro…kaya dapat ang kasiyahan ay matagpuan sa mismong laro at hindi sa kung sino ang ating kalaro…hehe!

      salamat bert…

  3. kapag malamig na ang init ng tag-araw hayaan mo pa ring sumulyap sa nagdaan.., ngunit magpatuloy sa paglalamyerda=),.
    mas marami pa ang darating na mga alaala.. at sa susunod na panahon, mas marami ka ng kasama…(._-).

  4. summer romance? hehe. eventually, lahat ng nangyari ay magiging alaala na lang, na pwede mong iyakan o tawanan. pero sa bandang huli, makakalimutan mo na kung ano yung nararamdaman mo nung specific na panahon na yun. kumbaga sa kanta, i remember the boy but i don’t remember the feeling anymore. hehe.

  5. swing din ang isa sa pinag mamadalian ko puntahan kung pupunta sa playground.

  6. hello duking!

    wahhhh gawa mo ba iyong graphics or yung pic sa taas? galing!

    hmmm una, gusto ko ang mag-swing pang emo at pampasaya lang hehehe.

    hindi ko na ko-komentan yung iba pang message. basta more pore na lang.
    mabuhay!

  7. *more power yung more pore (wahhh kinapos sa w hehehe)

  8. Wow naman! napapabilib ako ha. Bukod sa maganda yung artwork, galing din ng analogy/write ups mo.πŸ™‚

    BTW, thanks for visiting my blog.πŸ™‚

  9. @dly,ang totoo bro ayoko sa mga swing na yan.kase allergic yung tenga ko sa hi-pitch na tunog.usually malangitngit yang mga yan dahil kulang sa langis yung mga swiveling point ng mechanical nya!ik-ik-ik.tulog na ko naririnig ko pa.

    @hitokirihoshi,japanese name ba yan or scientific name ng hito?joke lang…tenk yu sa pagdaan at papuri.namimilog ang mata ko sa overwhelming comments at appreciation na natanggap ko.

    @AC,unang tingin ko sa thumbnail ng pics mo,kala ko si pia guanio.salamat din sa pagbisita.

    • Ahahahhaa.. Pia Guanio…πŸ˜†

      Speaking of her, kakakita ko lang sa kanya kagabi sa Podium kasama si Bossing. Ang payat nya sobra, ako tabachoy.πŸ˜›

  10. parang ako to ah…haha

  11. waw. ang cute ng blog mo! astig! pano ginagawa yan?!πŸ˜„ nakaka-amaaaaaaze!!!πŸ˜€ wahaha!

  12. wow! astig talaga! ang ganda ng mga salita! at syempre ang ternong animated picture~

  13. ang galing mo sa animations. kapantay ng galing mo sa pagsusulat. ka-emohan to the highest level. lahat naman tayo dumaraan sa mga ganyan. naglalaro ka, nakikipaglaro at iniiwan ng kalaro. hehehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s