Tag Archives: doodle

OH,MY DOODLES now in 3D!

Duking,

Natutuwa ako lagi sa mga doodles mo at mga kwento sa bawat entry. Matagal na akong sumusubaybay sa maraming mga blog pero bentang-benta lagi sa akin ang lahat ng entry mo. Ayoko sanang mag kumpara pero sa tingin ko, ang panget-panget-panget ng blog nung anu nga ba yun? Yung may Vuljeegum yata na title….basta panget. Pangalan pa lang ng blog, panget na. Yung kay Kuhlasa panget din pero buti nga isasara na niya. Gusto ko rin sana yung Kayumangging Betlog na site kaso yung huling entry niya, ayaw naman niya makipag kaibigan kaya naisip kong ikaw na lang ang sulatan. Lahat naman halos gusto ko maliban lang talaga dun sa Vuljeegum.

Nga pala, kaya ako sumulat eh kase baka naman pwedeng i-request na sana 3D na rin yung mga doodles mo para naman makasabay na rin yung animation mo sa mga nauuso ngayon. Aabangan ko ha? Sana sagutin mo ‘tong sulat na ‘to. Tingin ko naman eh hindi ka suplado kagaya nung may-ari ng ‘Alingasngas ng Bulutong’.

PS. Ang panget-panget-panget talaga nung blog na Vuljeegum.

PS ulit. Promise. Panget talaga.

-Hanggang sa muli,

SPAM MAIL


Dear Spam Mail,

Salamat naman at naibigan mo ang doodles ko at mga kwento. Patunay lang siguro yan na matalino ka at may ‘eye’ para sa magagandang akda dito sa blogsphere. Malamang na ang tinutukoy mong site na sabi mo eh panget-panget-panget ay walang iba kundi ang panget na site na ‘Vajeegum‘. Yung sinasabi mo namang magsasara yata eh yung kay Kuhracha. Medyo ganun nga kase matagal-tagal na rin yatang hindi yun nagagamit…este na a-update. Yung Kayumangging Damdamin ni J. Kulisap, maganda naman talaga yun. Mabait pati yun at pala kaibigan. Katunayan, nabalitaan ko na namimigay yun ng cellphone. Katulad din lang iyon nung si Tarbs ng ‘Alingawngaw ng Taribong‘. Balita ko pa nga, tumatanggap yun ng pro bono. Este, willing mag- abono sa inuman.

Dahil sadyang madali akong mauto at naisipan ko rin mag explore sa 3D from the usual 2D, ayan. For a limited time only.

All the best, at bisitahin mo rin ang iba pang blogs sa side bar ko in comic sans lettering format na kagaya ng hilig ko,

Duking

( sadyang inilihim ang pangalan ng sumulat para sa kapakanan ng sarili nitong kaligtasan mula sa makamandag na kulam ni vajee. )