sa likod ng notebook…

kung isa kang curious na pusa,malamang na kung totoo yung kasabihan na curiosity kills the cat…patay ka na.pero in contrary,kung totoo naman yung kasabihan na siyam ang buhay ng pusa,buhay ka pa rin pala.pero dahil hindi ka rin naman pusa at may involve na mathematics kung magsusubtract pa tayo ng life minus curiosity,ikaw na lang ang umunawa sa mga una kong pinagsasabi.

bibigyan na lang kita ng idea kung papaanu ko ‘tong ginagawa at baka sakaling matutunan mo rin at balang araw eh magtayo ka ng animation studio,pwede akong director.naks!(kukunin mo ako dahil janitor ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko.)

1.nagsimula silang lahat sa notebook,scratch paper,supot ng pandesal,palara ng sigarilyo at nagtataeng ballpen.

2.ang idea ay galing sa kung anu lang ang kasalukuyang ma-isip.kung madamdamin minsan,swerte.kung mababaw naman,ganun lang talaga.

3.gagawin ang unang ‘draft’ sa espesyal na notebook.doodle notebook ang tawag ko dito.andito ang story board,definition ng gusto kong mangyari sa blak en wayt na karakter.yun ang magbibigay ng animation sa karakter at dahil .gif ang target na image,kailangang loop usually ang kakalabasan.pangdaya ng mata ng uutuing tagamasid.

4.lilipat sa computer gamit ang espesyal na pen tablet input device na binili ko sa cdr-king (1,300+pesos-best buy ‘to para sa mahilig mag doodle sa pc monitor)gamit ang traditional animation ng Pencil™(maaari mo syang i-download sa site).freeware at open GL ang naturang software pero madaling pag-aralan ang learning curve kahit sa first time user especially sa gaya kong walang alam sa animation technique na may involve na programming code para sa physics at A.I.(artipisyal intelidyens)

5.frame by frame ko silang ginuguhit,unless kung maliit lang ang movement,kina-copy paste ko lang saka konting edit.usually,mas maliit na movement,mas madaling gawin.

6.finally,kung tapos na ang lahat,maari ko nang dagdagan ng konting kwento at presto-may bago na akong blog entry!

7.yan ang munting proseso ng pag gawa ko ng blog entry.napilitan akong isiwalat para sa mga nagtatanong.

8.at ang pinaka-importante,kailangang mag tenk yu syempre sa sino mang mag-a-appreciate ng ginawang doodles.

46 responses to “sa likod ng notebook…

  1. ang galing galing talagah!! :-) mag iinvest ako para sa pen tablet na yan.. :-) hehe!! :-) meron din aman akong maskara na may puso sa pag guguhit.. :-) hehehe… :-) nice talagah.. :-) tama nga ang sabi ng kanta: a picture paints a thousand words.. :-) hehehe…

    your doodles rocks dude!! hahaha!!! fan mo koh!!! :-)

  2. thank you…and for the shared passion sa pag guhit,i wish na hindi mo s’ya bibitawan.napuputol ang talim ng lapis kapag hinayaan mong malaglag sa paanan ng daigdig…hehehe!!!

    keep stroking the pen!

  3. Ang galing ni idol…. talentado talaga! mapapdalas ang tambay ko dito sa bahay mo nyan :)

  4. parang gusto kong mareceive na gift yung pen tablet, kaso hindi naman ako marunong magdrawing, haha. :)

  5. pareng Duking! sa wakas ay binulgar mo na din ang maharot na misteryo sa likod ng mga doodles mo… mahusay!!

    when love and skill work together, expect a master piece…

  6. @narsmanang,for the cheap price,dont wait na regaluhan ka ni santa klaus.besides,this is would be a good start to learn if you really love to doodles.tipid pa sa papel at lapis kase you can always redo and undo kapag sa monitor ka nag doodle.

    @bert and ernie,este bonistation pala:thank you sa inyo.ingat lagi!

  7. magaling magaling magaling. *clap clap clap*
    hehehe. emo ka ba? hehehehe. joke.

    keep it up… marunong ka ring magflash? at mag3d?

  8. cool. galing naman. appreciated ang kakaibang talento sa pagguhit. pero pwedeng bang mahingi ang mahiwagang sapatos? haha.

  9. ang galing ,..wala ako masabi..

    salamat sa pag-share.., di kase lahat nagsishare.., kahit di ko pa rin gagawin (or di pa ngayon=) ang mga steps sa taas.., ahhihihi, at least my idea ako.., di naman pala ganun kahirap..,

    galing talaga… amaze ako lagi.

  10. @charm…oo,emo ako.paabot nga ng lubid at valium.hahaha!

    @batangmangyan…pagnakita ko yung kapares,bibigay ko sayo.hehehe!

    @lee mi…since di ko naman proffesion ang simpleng hobby na ‘to,’di ko nililihim ang trade secrets.not unless syempre na PIXAR™ ang nagtatanong.gayahin pa nila animation ko.nyahahaa!!!

  11. maraming salamat! isa kang henyo! isa kang makata! isa kang birtual na artista at higit sa lahat isa kang pinoy!

  12. whaaaa…salamat sa papuri,ayokong mag panggap na humble,pero ang totoo,hindi ako kasing husay ng iniisip ng lahat pero oo…lagi kong pinagmamalaki ang aking pagka-pinoy sa lahat.

    salamat,salamat.ang mga papuri nyo ay apoy na nagpapasidhi sa akin na magpatuloy na gumawa ng mga ganitong bagay!

  13. Wow… ang galing! Nakaka ilang frame ka sa isang animation mo, yung konting action lang po, yung parang tatayo, uupo tapos na po? hahaha

    kaka aliw! ^^ Astig! Newei salamat po sa pagdaan sa blog ko, add kita sa link ko ha?

    • yung simple movement tulad ng pag upo at pagtayo,4 or 5 frames will do.2 frames pwede din as long as mabilis yung frame rate mo,napa process na ng mata ng audience yung nangyari in between.hehehe!

      feeling expert na ko.whahaha!!!

      sige,add din kita.naliligaw ako kapag walang link eh.

      salamat!

      • haha tawa ko “tatayo uupo tapos na po” hahaaha taragis! at sinagot naman ni duking!^^ tol wag mo seryosohin si teentoinks! isang malaking toinks yan haha.

        *tatayo, uupo, tapos na po!” wahahaha

      • Dukingness wag mo pansinin si bonistation ha, I’m dead serious sa tanong ko, salamat sa sagot. “tatayo, uupo.. tapos na po!”

        A very important message: @bonistation: TSE!!

  14. Kukunin kitang alligator este animator. :P

  15. ang galing..
    u rock!

  16. yang si duking, nagaaral pa lang kami mahilig ng gumuhit, mas malupit na ngayon kasi gumagalaw na… ipagpatuloy mo lang yang magandang nasimulan mo… para sa Pilipinas!

  17. ang galing ang ganda ng mga pictures na gif… idol na kita ngaun.. h3h3h3h3… pde paki add mo ako sa blogroll mo… :D

  18. flattopsatcurlytops

    kuya duking, pakipalitan naman po yung url ko dyan sa blogroll mo. si tsokolateatkendi ako. nadelete ko kasi yung dating kong blogsite (http://justplayitbyear.wordpress.com/).. :'( nasa new site ko ang reason.. thanks!

  19. hhmm, so appreciated duking!!

    God Bless!

  20. flattopsatcurlytops

    actually, dahil sa mga doodle mo, nagka-idea ako sa isang blog post ko.. hehehehe nakakainggit kasi yung mga drawings mo.. hahahahaha

  21. Dyta Harleems

    hmmh.. nice blog..
    i like it..

    exchange links pls :D
    =====================================================
    visit my Blog http://forumomdotcom.wordpress.com :D

    http://forumom.com/free

  22. ahh ang lupet lupet mu, IT ako pero
    nahihiya akong sabihin un
    kasi wala akong alam
    hahaha! kahanga hanga ka po *salute*

  23. ang ‘magaling’ e hindi yung sarili lang nila yung magaling. gusto rin ng ‘magaling’ na gumaling din yung iba.

    >_O

  24. duking sa totoo lang gustong gusto ko tong blog mo… :) galing talaga.. kakainggit naman ang skill mong yan.. ang mga gumagalaw na yan ay blog post na.. hehe. konting explanation na lang.. sige try ko rin yan… although slow learner ako sa animation at kung anu anu pang mga gumagalaw na bagay.. tsk tsk tsk.. kakainggit talaga hehe..

  25. hehe. ayos ang paggawa mo pareng duks.
    bagaman nagdodrawing din ako, pero hindi ako gumagamit ng tablet na yan. solmux lang ang alam kong tableta.haha

    ita-try ko yang pencil na yan promis. wala na bang masmura pang tablet?haha

  26. ang husay mo naman po ^^
    pag-iipunan ko ang tablet na yan at susubukan ko din, sana maka-tsamba :)

    salamat sa tips ^___^

  27. pano kung mAy tanong si yanah kay duking pero… may pagka private? :D
    ung tipong ang mga tanong eh anong kulay ng brip ang sinusuot ni duking at ilang side a side ba ang nagaganap bago iparanas sa dakilang brip ang pagligo gamit ang detergent soap? :d

  28. saludo ako!!! grabe1 ang tyaga u ha….anyway…ako newbie lang kaya eto peeping for inspiration…
    keep it up! malayo pa mararating ng talent mo!
    God bless!

  29. doon po sa amin

    hi. you had me at hello. sa lay-out pa lang ng site mo, na-bano na ako. pati sa drawings at kung paano mo pinalitan ang titles ng commands, gaya ng malaki ba ang inbox mo? pwede palang gawing kaintindi-intindi ang invitation to subscribe. saludo ako.

    siyempre, huwag mo na akong tanungin kung ano ang reaction ko sa animation. kung iyong mga IT nga at marurunong, napapa-wow. e, ako pa na kasalukuyan kong problema kung paano ididikit ang pics sa loob ng blog ko, he,he…

    btw, ini-recomm ni metaporista itong blog mo sa akin. at ipapaalam ko lang na di ako na-disappoint. ang ganda nga.

    keep up the good work and continue to inspire others, gaya ko, na ayus-ayusin ang itsura ng site nila… biro lang po.

    lagi ko itong sisilipin at mangongopya ako ng mga tricks para magmukha rin akong creative. :}

    • daming salamat sa pagdaan.

      learning curve lang ang pag e-edit.pwede mo namang baguhin yun according sa taste mo.sayang walang link.gusto ko rin sanang dalawin ang site mo.

      salamat nga pala sa pagdaan.

  30. doon po sa amin

    hello ulit. ang ganda nga pala ng word na pagdaan. ngayon ko lang uli narinig ‘yon…

    hwag mo naman akong sabihan about learning curve. sa statistics ko unang nakasalubong ang word na ‘yan at hindi maganda ang dating dahil may koneksyon sa numbers. :s [peace pala kay salbehe na major in stats?]

    medyo nag-improve na nang konti ang itsura ng site ko pero di ko pa naiintinding maglagay ng avatars. salamat pala sa avatar na ikinabit mo dito para sa akin – cute. pero, naman, ba’t may sungay? kung alam mo mang evil ako, di ‘yon dapat ipinagsasabi… :d

    ang una kong natutuhan sa site mo ay dapat maiksi pero kaakit-akit ang nilalaman at pinagsa-sabi. ergo, iniksian ko na ang titles and entries ko.

    anak ng tinapay na malamig naman kasi, ang una kong posts ay may mga titles na Pag-iigib ng Tubig at saka Bakbakan: Mga Pelikulang Patok sa Baryo. mga gano’n… no wonder, walang nagbabasa ng mga posts ko, he,he…

    ang husay mo talagang mag-drowing, nakakainis… peace din sa ‘yo.

  31. Nakaka inspire! Sana matuto din ako nyan! Nabasa ko na rin mga blogs mo! Magaling talaga!

  32. super nice blogs!!!! amazing!!!!!!!!!! :)

  33. idol, maaari bang magpatulong?
    nais ko sanang gumawa ng About page ng Babae Pala si Satanas. hingi sana ako sayo ng random set of questions na maaaring tungkol sa blogsite, sa akin o kahit saan. isasabit ko na ang promosyon ng Oh My Doodles. wag ka mag-alala kung wala kang gana, maaari ka namang tumanggi, hahaha. kung ayos lang naman sayo yun. hahaha

    • isang malaking karangalan na makilala ka ng karamihan dahil sa pagbibigay mo sa akin ng pagkakataon na halungkatin ang tungkol sa ‘about you’ ng buhay mo, essa. hindi ko alam kung anung dahilan kung bakit mo yan naisipan pero dahil mapagpatol ako sa suicidal na gaya mo,i’ll be happy to assist you…heto ang gusto ko sanang about me ng lahat:
      1. real name complete with middle name and family tree illustration/chart.
      2.address sa bahay na madalas uwian para sa mga stalker na gusto kang gawan ng masama.
      3. amount ng pera mo sa bangko para naman may motibo yung taong gusto kang gawan ng masama.
      4. sex life complete with details kung sino ang una mong naka experience blah blah blah.
      5.at higit sa lahat,sasabihin mo ba ang ‘fuck you,jesus!’ kung yun lang ang tanging paraan para mapunta ka sa heaven?

      ok,ginugulo lang kita…email mo ako sa aldous_79@yahoo.com and maybe i could make up something kung paano mo ilalahad ang pagkatao mo sa blogsphere.
      3.

  34. galing ah.
    well kahit di ko talaga masyadong maintindihan. slow lang ho talaga ako pasensya na.
    pero ang galing! :)

  35. Yun naman pala yun! Ang galing mo! I’m a fan of doodling pero I’m not fond of doing one. Kasi It takes time nga. Pero naaamaze ako sa iyo! Ikaw na! :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s