Paper Cranes

”Class, gusto kong ipakilala sa inyo ang bago ninyong kamag-aral…si Jillian…magpakilala ka sa kanila, Jillian…”

“I’m Jillian Sandoval and I’m 10 years old…” Lumingon siya sa akin at ngumiti.

Love at first sight. First Love. Puppy love. Rolled into one.

Hindi mahalaga ang kalendaryo kapag bata ka. Malalaman mo na lang na birthday mo na pala dahil binabati ka na naman ng kapamilya mo na mas nakakaalam na ng kalendaryo. Basta ako, alam ko na dumating si Jillian ‘nung malapit nang mag Christmas, noong nasa Grade 4 ako, at pumasok siya sa mismong eskwelahan at klase ko noong unang araw ng Grade 5 ko.

Ang totoo, doon din ako umuuwi sa inuuwian ni Jillian. Sabi sa akin ni Itay, galing sa Amerika si Jillian. May sakit daw kasi ito at dinala roon bago mag-isang taong gulang. Dahil wala nang tatao sa bahay ng amo ni Itay kung kaya’t doon na muna kami tumira. Hanggang sa bumalik nga ang pamilya nina Jillian doon sa malaking bahay bago mag-Pasko.

Solong anak si Jillian. Kung titingnang mabuti, maputla siya at payat, pero siya na yata ang pinaka-magandang babae na nakilala ko. Panay ang tukso sa akin noon ni Ate. Hindi ko alam kung bakit. Marahil dahil sa kakaibang pag-aasikaso ko lagi kay Jillian, sa madalas naming paglalaro, o siguro, talaga lang nasasabik akong may kalaro noon na kasing edad ko. Paano kasi, third year high school na noon si Ate. Ang layo ng agwat namin para maglaro pa ng mga gusto kong laro.

Isa pa sigurong napansin ni Ate ay ang maaga kong pag-uwi lagi. Dati kasi, kung saan-saan kami nagpupunta ng mga kamag-aral ko. Dumadayo kami sa bukid para manghuli ng tutubi o kaya ay mamitas ng bayabas. Mula nang dumating si Jillian, nasasabik ako laging makita siya, bukod pa sa lagi niya akong binibigyan ng oatmeal cookies na paborito nilang lutuin ng mommy n’ya.

***

Unang araw ng klase. Uwian. Magkasama kami ni Jillian sa waiting shed sa tapat ng eskwelahan habang hinihintay namin si Itay. Bumuhos ang ulan. Nagulat ako nang tumakbo si Jillian na tuwang tuwa. Sinigawan ko siya na bumalik at huwag magpakabasa. Hindi siya nakinig. Sumugod na rin ako. Basang-basa kaming pareho nang masalubong namin ang sasakyan nila na minamaneho ni Itay. Ganoon na lang ang galit sa akin ni Itay. Ako raw ang pasimuno kung kaya’t nagpakabasa si Jillian. Oo nga’t madalas ko iyong gawin dati kapag naiinip ako sa pagsundo niya, ngunit sa pagkakataong ito, wala akong kasalanan.

Galit na galit sa amin ang mga magulang ni Jillian. Nakatingin sa akin si Sir William habang panay ang mura nito nang malutong sa aming mag-ama dahil sa nangyari. Hindi nangatwiran o umimik si Itay sa talagang nangyari. Sa tagal ng paninilbihan ni Itay sa pamilya nina Jillian, noon lamang siya napagsalitaan ng masakit. Nagpaalam si Itay na tatapusin na niya ang paninilbihan kina Sir William. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng inis kay Jillian dahil sa nangyari. Isang buwan ang hiningi ni Itay para kami makahanap ng titirhan. Ngayon ko naisip na pride marahil ni Itay ang nagbunsod sa kanya para bitiwan ang matagal na paglilingkod kina Jillian.

Hindi na ako nagtaka nang sumunod na araw kung bakit wala si Jillian sa klase. Maging ang mga sumunod na araw. Hanggang sa tinawag ako ng Mommy ni Jillian noong huling araw sa unang linggo ng klase. Gusto raw akong makita ni Jillian. Bantulot akong sumunod. Ayoko sana, kaso, wala akong magawa.

***

Nakangiti siya sa akin. Alam kong may sakit siya dahil lalo pa siyang naging maputla at nangayayat. Tinanong niya ako ng mga nangyari sa eskwelahan. Bahagya lang akong nagkwento. Pagdaka’y pilit siyang bumangon at iniabot sa akin ang isang tinuping papel na tila isang ibon.

“Paper cranes…” sabi niya.

“Anu’ng gagawin ko rito?” may halong pagtatakang tanong ko.

“Gagawa tayo ng one thousand na paper cranes.”

“Wan tawsan? 100..200…” nag skip counting ako. “…ang dami nun, ang daming papel…para saan ba?”

“Para gumaling ako…para makapaglaro na tayo ulit saka gusto ko nang pumasok sa school…”

“Eh di magdasal ka na lang, ganun ang ginagawa dati ni Inay kapag may nagkakasakit sa amin ni Ate…”

“Iba yung one thousand paper cranes…”

“Paano ba kasi…hindi naman ako marunong…”

“Ganito lang…” Nagsimula siyang magtupi ng papel. Pinagmasdan ko’ng mabuti. Kung talagang gagaling si Jillian, handa ko sigurong kayanin ang magtupi nito, naisip ko. Saka ko napansin ang bracelet na nangingintab sa bisig niya at ang palawit na pusong naroroon.

“Sabi mo sa akin dati, ayaw mo ng mga pang-mayamang mga gamit?” tanong ko sa kanya habang sinusuri ang bracelet.

“Totoo naman. Ito…palatandaan ito na mabait ako…”

“Huh?”

“Oo…may sakit ako dati pa. Sabi ni Daddy, kailangan ko raw ng bagong kidney kaso wala namang gustong magbigay…saka ayoko, lalo na kung alam ko na bibilhin nila galing sa ibang tao…gusto ko, kusa.”

“O, e saan nga ‘to?”

“Para sa puso ko…”

“May sakit ka rin sa puso?”

“Hindi…kung walang gustong magbigay sa akin, tapos mamamatay ako, ‘yung puso ko na lang ang ibibigay ko sa nangangailangan.”

“Pwede ba yon?”

“Gusto mo ba?”

“Syempre hindi…saka hindi ko naman kailangan eh.”

“Teka,..para saan nga ulit yung wan tawsan na paper cranes?” pag-iiba ko sa usapan. Nalungkot akong malaman ang sakit ni Jillian. Mas lalo akong nalungkot na ipamimigay lang niya sa iba ang puso niya.

“Sabi sa alamat ng mga Japanese, pagbibigyan daw ang isang kahilingan ng sinumang makagagawa ng one thousand paper cranes.”

“Ang dami naman kaya napaka-imposible.”

“Kung mahal mo ako, tutulungan mo akong kumpletuhin yung one thousand.” Nakangiti siya habang iniaabot muli sa akin ang tinupi niyang paper crane.

Nagulat ako sa sinabi niya. “Kung mahal mo ako…” Sa takot. Sa mga bagay na hindi ko pa naiintindihan kahit nararamdaman ko. Hindi na ako nagpaalam. Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumakbo akong pauwi sa amin hawak ang dalawang pirasong paper cranes.

***

July 16, 1990. Isang buwan matapos ang insidente, tuluyan kaming nagkahiwalay ni Jillian. Umuwi na kami nina Itay sa Porac, samantalang sina Jillian, nauna nang umalis papuntang Baguio. Sabi ni Jillian sa akin, mas mabuti raw sa kanya ang sariwang hangin doon, ayon sa daddy niya. Tinanong niya ako kung ilan na ang nagawa kong paper cranes. Hindi ako kumibo. Ang totoo, wala akong nagawa kahit isa. Nanlumo ako na kailangan naming umalis. Nanlumo ako na kailangan ding umalis nina Jillian. Gusto ko sanang sabihin kay Sir William na gusto ko’ng hintayin ang pagbabalik ni Jillian pero hindi ko nagawa, saka sabi ni Itay, narinig ko silang nag uusap ni Ate, na ibebenta na rin ng pamilya nina Jillian ang bahay, at babalik na sa Amerika kapag wala na si Jillian. May taning na raw ang buhay nito dahil sa malalang komplikasyon sa kidney. Pakiramdam ko, una pa akong namatay kay Jillian.

Halos hapon na nang dumating kami kina lola sa Porac. Saka lumindol nang malakas. Natakot ako, kaming lahat. Ilang beses pang yumanig. After shocks. Saka ang balita kinagabihan. Napinsala nang husto ang Baguio. May gumuhong hotel. May mga natabunang bahay. Land slide sa mga daan. Ilang araw pa bago nakabalita si Itay sa nangyari kina Jillian. Wala silang sinabi sa akin ni Ate. Basta nakita ko silang umiiyak pareho.

Kinuha ko ang dalawang paper cranes mula sa pagkakaipit sa notebook ko. Isa-isa kong pinilas ang pahina ng notebook ko para gawing paper cranes pero mas nakita ko ang dahilan kung bakit ko iyon pinipilas. Galit ako. Sa ulan. Sa lindol. Sa sarili ko.

***

Mula nang araw na iyon, nangako ako sa sarili ko. Isang paper crane isang araw. Tapos, kung totoo talaga iyon, baka maaaring hilingin ko sa Crane Legend na ibalik ako sa araw na nakilala ko si Jillian. Isang paper crane bago ako matulog. O dalawa o tatlo kung di ako dinadalaw ng antok. Halos naka 450 paper cranes na yata ako nang biglang sumabog ang Mt. Pinatubo humigit kumulang isang taon mula nang umalis kami kina Jillian. Talaga yatang tadhana ang naghihiwalay sa amin maski sa pag-asa ng kabataan ko noong naniniwala sa magic ng paper cranes. O siguro, mas naniniwala ako sa magic ng pag-ibig namin ni Jillian kaysa sa magic ng paper cranes. Kaso nga lang, tinabunan ng abo ang paper cranes. Nangangalahati pa lang ako halos para itaboy na naman palayo sa natitira kong pag-asa.

***

Mula sa Porac, nakakuha ng relocation sina Lola sa Cavite. Bagong simula. Hindi na ‘ko siguro aabutan dito ng Pinatubo. Unang gabi ko ng paglipat namin, paper crane agad ang inatupag ko. Gusto kong maniwala katulad ng paniniwala ni Jillian. Hanggang sa dumating ang pasukan, First year, first day, first class. Wala kami halos ginawa kundi linisin ang abo ng Pinatubo na umabot dito. Napansin kong hinihika ang katabi kong babae kaya inabutan ko siya ng panyo ko. Ngumiti siya sa akin. Ngayon na lang yata ulit ako napatitig nang matagal sa mukha ng ibang babae. Saka ko hinahanap ang pamilyar na ngiti ni Jillian. Wala. Nakaka-ilang paper cranes pa lang ako.

Recess. Nagulat ako nang isauli niya ang panyo ko kasabay ang pag-aabot ng tatlong piraso ng oatmeal cookies na nakabalot sa tissue. Naalala ko si Jillian at ang oatmeal cookies nila ng mommy niya na naging paborito ko. Tumanggi ako. Sabi niya, wala naman daw siyang sakit. Tumanggi pa rin ako. Nakita ko na nalungkot siya sa ginawa ko. Unang araw pa naman ng klase. Sinipat ko siya nang palihim. Nakita ko siyang nagtutupi ng papel. Kabisado ko ang bawat galaw. Alam kong paper crane ang tinutupi niya!

***

Weird, oo alam ko. Sobra’ng weird. Pero alam mo yung mas sobra pang weird doon? Lian ang pangalan niya. Gusto kong isipin na siya si Jillian. Kaso hindi. Umiwas ako sa kanya bagamat halos araw-araw kaming magkasama sa iisang klase at iisang eskwelahan. At dalawa pang sumunod na taon. Hindi ko binanggit kahit kanino ang tungkol sa oatmeal, ang paper cranes o mismong ang alaala ko kay Jillian. Hanggang dumating ang JS prom. Sa tatlong taon, may mga gabi akong pumalya sa paggawa ng paper cranes. Saka ko binilang ang naka-talang lista mula sa dingding ng kwarto ko. Nine hundred ninety nine, kulang-kulang 3 years… Isang crane pa…naisip ko,ano kaya kung sa gitna ng mismong sayawan, yung kamay na hawak-hawak ko ay ang kamay na mismo ni Jillian. Isang crane pa…

Kaso dumating na ang mga kabarkada ko. Mamaya na siguro yung crane kahit habang nasa school. Tinupi ko ang papel saka isinilid sa bulsa ko.

“Oist, sabi ni Ma’am, daanan daw natin si Lian.”

“Naku hindi,” tanggi ko kay Jenna .

“Ano bang meron kay Lian at talaga namang pansin ko na parang lagi mong iniiwasan?”

“Wala naman.”

“Hoy, huwag ka ngang mayabang…maganda naman si Lian ah.”

“Me sinabi ba akong panget siya?”

“Sus! Alam mo, sa totoo lang, kundi lang kami nakakakopya sa’yo saka nakikinabang sa talent mo sa paggawa ng projects, di ka rin namin papansinin!”

“Haha! Ang sabihin niyo, hindi lang talaga kayo makakopya kay Lian dahil sa karamutan sa inyo ng babaeng yun!”

“Abnormal! Kung kokopya kami sa kanya, baka wala ka na sa Top 10! E di pag nagkaganun, ang panget mo na, wala ka pang brains na masasabi! Hahahaha!”

“Lika na Jenna, tandaan mo na may 4th grading pa…nakuuu!” pasakal kong yaya kay Jenna na naging isa sa mga kabarkada ko.

Sa totoo lang, kinakabahan ako na pumunta sa bahay nina Lian maski pa kasama ko si Jenna at iba pa naming kaeskwela. Basta yung weird na first time kaming nagkakilala ang naiisip ko. Sa tapat ng trangkahan nila kami tumigil. Pigil hininga ako. Ngayon, lalo akong humanga kay Lian. Mahirap lang sila. Siguro, mas mahirap pa sa amin. Kitang-kita sa tindig at itsura ng bahay nila. Humanga ako dahil si Lian ang pinakamatalino sa amin. Humanga ako kasi kahit na naging iwas ako sa kanya, may mga pagkakataong siya pa ang lumalapit sa akin. Saka ko naisip ulit si Jillian. Kung gaano kalayo yung buhay naming dalawa pero ginawan niya ng paraan na magkalapit kami sa napakaikling panahon na magkasama kami noon. Saka yung sabi niya na “Kung mahal mo ako…” dahil alam kong mahal din niya ako.

Naputol ang pag-iisip ko nang lumabas ang nanay ni Lian at patuluyin kami. Ayaw daw kasi’ng umattend ng JS prom ni Lian dahil hindi raw bumagay ang nahiram na damit. Pumasok si Jenna sa kwarto ni Lian para kausapin ang kaibigan. Naiwan kami ng Nanay ni Lian sa sala.

“Ikaw yung supladong madalas i-kwento ni Lian ano?”

“H-Hindi naman po…” pautal kong pagsisinungaling.

“Kuhhh…mga bata kayo… hindi naman ninyo kailangang magpaligsahang dalawa.”

“Naku…hindi po talaga…” Yun ang totoo, wala sa interes kong makipag-paligsahan.

“Madalas umuwing malungkot yan kasi hindi mo nga raw pinapansin…kako baka sadya lang na hindi ka palabati, eh hindi naman daw…inakala ko pa ngang bakla ka eh…haha!”

Namula ako sa hiya.

“Eh bakit ho ba ayaw umattend ni Lian?” pagbabago ko ng usapan.

“Ang mali ko kasi, yung nahiram kong gown eh bahagyang mababa yung tabas para itago yung pilat ng opera niya sa dibdib.”

“B-Bakit ho…m-may opera si Lian sa puso?” Nanginginig ako sa pagkakatayo ko.

“Ay, oo…sa awa ng Diyos, apat na taon na yata…may sakit kasi sa puso yang batang yan at talagang alam namin na anumang oras eh…” Nakita kong bahagyang may namuong luha sa mata ng nanay ni Lian. Bahagya itong sumandig sa akin.

“Alam mo bang kasagsagan ng lindol…sa takot ng batang yan eh inatake sa puso at halos mamatay…mabuti na lang…” Tuluyan na itong napaiyak.

“Si Jillian…” Mahina kong nausal.

“B-Bakit mo alam?” Pagtatakang tanong ng nanay ni Lian na bahagyang nagulat sa pangalang binanggit ko.

“A-Ang sabi ko ho, ako na ho ang bahala kay Lian…ngayong gabi.” Habang buhay. Hanggang sa kabilang buhay. Yun ang eksaktong nasa isip ko.

Saka ko nakitang lumabas si Lian mula sa kwarto nito. Nakatutop ang kamay sa bandang itaas ng dibdib. Bahagyang nagulat nung makita ako at ang nagpapahid ng luhang magulang.

Namumuo ang luha sa mata ko habang dali-dali kong dinukot ang papel at nanginginig ang kamay kong dahan-dahang tinupi ang pang one-thousand na paper crane.

Tuluyang pumatak ang luha sa mata ko kasabay nang pagkakatapos ng huling tupi.

“Huwag mong sabihing hihingi ka sa akin ng sorry…” Bahagyang may pagtataka, bahagyang may sungaw na ngiting tanong ni Lian sa akin habang pilit sinisipat ang mata kong may luha.

Hindi ako kumibo. Hinawakan ko ang palad niya at iniabot ang huling paper crane.

Noon pa lang unang araw na magkita kami, alam kong alam na niya…

Ang tanging laruan at libangang magpapaalala sa amin kung gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig…

***

Opisyal na Lahok para sa kategorya ng Maikling Kwento para sa Saranggola Blog Awards 3. Nais ko ring pasalamatan si Miss Kaye sa malaking bahagi ng editoryal para sa lahok na ito.

About these ads

101 responses to “Paper Cranes

  1. Fate.
    May naalala ako sa kwentong ito.
    Goodluck muli sa SBA!

  2. Dyoskopo!!!ang ganda nito!
    kinilabutan talaga ako ng todo at medyo muntik na akong mapaluha…
    haist..ang ganda ganda!!!..

    goodluck duking!!!

  3. omg!!! isang magandang likha na naman mula sa iyo!!! laglag ang entry ko dito heheheh. Galing! Congrats :D

    • Hindi naman, Bino. tingin ko, mas panalo lagi ang panitikan dahil sa pagpupursigi nating mag-ambag ng mga kwento. Saka bilang pag suporta sa layunin nila Sir Bernard.

      Thank you sa laging pinupukol mong papuri, sir bino!

  4. ay lab et! Sir Duking…. waaaahhhhhhh.. naiyak ako…. :D naalala ko tuloy yan 1000 paper crane na yan…

  5. napakagandang likha nito sir duking. gusto ko pang ulitin na basahin. Panalo sir.. ikaw na…

    nakakalungkot ang unang pangyayari pero nakasisiya sa hulihan. ang galing..

    makapangyarihan talaga ang pag ibig. :)

    magandang araw sayo sir duks :)

    • salamat, sir banjo. may mga panaka nakang pagkakataon na mula sa kung saan, pinipilit kong makapagsulat ng kwentong may masasayang ending.

      kailangan lang talagang maniwala. yun siguro ang nagbibigay ng kapangyarihan sa pag-ibig. magandang araw din!

  6. totoong karanasan sa buhay?
    napakagandang kwento!

  7. ang gandaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!

  8. wooooow!!!! ang galing galing. pwede ka ng gumawa ng maiiksing kwento para sa libro. naks. :)

    nakakaaliw lang yung thought na pwedeng makuha ng isang tao na nakakuha ng puso ng ibang tao yung ilang mga gawi niya o ugali. aliw.

    ang sarap sarap basahin. panalo. congrats! tsaka goodluck. :)

    • thank you, manang. mas gusto kong gumawa ng maikling kwento para sa blog. pag nagsulat ako ng libro, ailangan mo na siyang bilhin. kapag sa blog ako nag sulat, kailangan mo lang mag log-in. :D

  9. ang ganda manong duks, hmm, sana makagawa ako ng ganito balang araw, hehe

    hmm, mukhang kailangan ko ding gumawa ng 1000 paper cranes, :-D

    goodluck!

    • aubz, kailangan mo lang maniwala. at katulad ng kwento, ahit hadlangan ka ng ulan,lindol at bulkan…huwag mong igi-give up ang mga bagay na gusto mong gawin.

      thanks aubz.

  10. grave! ang ganda po…!

  11. naku mabuti na lang maikiling kuwento ito… kundi aatras na ata ako..hohoho. totoo ba yang kasabihan ng paper cranes, gagawa rin ako kahit 2000 basta makita ko ulit si childhood crush. ahehehe

    mabuhay and good luck sa iyong lahok!

  12. kumbaga sa pagkain, eto ‘yung putaheng hindi maalat at hindi rin naman matabang. tamang timpla lang. gusto ko ‘yung kung paanong unti-unting natuklasan ng protagonista ‘yung kakayahan niyang umibig at umibig nang wagas sa kaniyang kababata.

    ngayon pa lang, binabati na kita ser duks! at dahil diyan, sa maikling kwentong pambata na lang ako sasama. hehe.

    • salamat,lio. kumbaga, yung koment mo ay isang maikling blogpost review na ikakatuwa ng sinumang manunulat lalo kapag galing sa mahusay na manunulat din na gaya mo.

      goodluck. matutuwa si sir bernard na muli tayong makikigulo sa patimpalak niya ng saranggola!

  13. Ngyun lng ata ako nagbasa ng long story na walng skip kht isang salita.. kaya ayan naiyak tuloy ako :)
    Makapagdamdaminh storya kuya duks! Gudluck

  14. galing naman ng kwento. na touch akooo… :) keep it coming pa. :) na miss ko mga kwento at posts mo. :)

  15. lupet sir, panalong panalo.
    Idol na kita! :D

    • hank you po, yves. jump brother ka sa ibang blogs sa blogrolls ko at mamamangha ka pang lalo kung gaano magsulat yung iba rito sa blog. panalong panalo!

  16. Wahhh panalo nman to, duking. Pede sa mga indie films. Sabi nga nila Love moves in mysterious ways at pinatunayan to nila Jillian at Lian :)

    Happy Sunday, duking :)

  17. uy nakapost na pala. antagal ko nang hinihintay ito…
    at gaya nga ng sabi mo, tutulungan kita ulit dun sa isang hinihiling mo pa. judging by their reaction, palagay ko makukuha mo yun. haha!

    Wala pong anuman. :-)

    • thank you po ulit miss kaye para dun sa next request ko. hanggang sa uulitin saka marami akong basic na natutunan sa editing dahil sa mga nakita kong pagbabago sa ginawa mo mula sa drafts.

  18. wow!!!! ang ganda ng story!!! wow!!! as in wow!!!! im glad i finished it…wow!!!! yun lang…nakaka wow lang talaga! hehe…

  19. Nabasa ko din yung “Ang Dalawang Tulay ng Balat-Kahoy” mo sa Saranggola blog… Ito saka iyon, parehas na mahusay ang pagkakalatag ng mga kuwento! Di simpleng gumawa ng mga tauhang “worth remembering” ba… Na-try mo na sumali ng Palanca awards? :)

    • Salamat sa pagbabasa. Nakaka-inspire getting positive comments from many people na by chance, napapadpad sa blog ko. At this point, wala po akong planong sumali sa gaya ng level na pam-Palanca.

      again,salamat.

  20. deng. pang SBA na pang valentines pa. iba ka talaga boss. may puso at may buhay. tadhana nga naman jilian!

  21. Najiyak aketch. Hangsweet ng storya. Sana may ganyan ho no? Kung totoo man yan, malas ko parin. Wala naman akong nakasweetan na kaibigang lalake nung bata pa ko. hahaha.

    • nangyayari araw araw ang magic, monik. hindi nga lang natin napapansin dahil naka focus tayo sa routine at expectation.

      teka?,bata ka pa rin naman ngayon ah? haha!

      • Edi ako na ang bata. Hindi ata sir Duks, magttwentee na po ako sa October25,2011 (oh diba naisingit pa hahah) Wait wait sir Duking, mahanap nga yang sinasabi mong magic. :”’> Gusto ko ang sinabi nyo. Sabi nga po nung kakilala ko ( doctorfaustviii.tumblr.com/), may mga bagay na di mo napapansin. :))

      • advance happy birthday monik!

  22. ang galing mo talaga bilib na talaga ako sayo araw2x ko ng aabangan mga obra mo…

    You’re on blog roll daily list!
    thanks!

    http://psychables.blogspot.com

  23. ser ang ganda, pramis :)

  24. ai nako, mag-aaral talaga ko gumawa ng paper cranes na yan. hehehe.

  25. Congrats in advance Duking! Winning piece :)

  26. Naks, naman, talagang todo na ito! :)

    Good luck sa entry mong ito, Duking. Mula sa kinaroroonan ng batang si Sadako Sasaki, tiyak kong tumunghay siya sa blog mo nang nakangiti dahil naging bahagi ng iyong kuwento ang kaniyang thousand paper cranes at dahil binigyan mo ito ng ibang dimensyon.

    Maraming taon na simula nang matuto akong gumawa ng paper cranes, at ngayon ay patuloy akong gumagawa. Minsan, kukunan ko ng litrato ang mga paper cranes ko ;)

    • chamba lang po, miss N at nagkataon din na talagang sobrang hanga ako kung paano tinataguyod ni sir bernard yung saranggola blog awards every year kaya naman tinodo ka na, hahaha!

      inspirasyon ng kwento yung kwento ni sadako. aabangan ko rin na makita yung 1000 papercranes pictures mo sa blog.

  27. panalo ang entry!!! dami ng sumali sa SBA galing! gudluck na sa atin lahat!

  28. OMG! duks, grabeh, ang ganda ng post mo! kahit sobrang haba binasa ko talaga, kasi gustu kong alamin kung anu yung susunod sa istorya as in! kung anu na ng yari kay jillian! grabeh! napangiti ako nung huli na, for sure hindi na talaga sya magiging suplado kay Lian.. :)

    totoo ba talaga yung paper cranes? hahaha

    nice post duks! Good Luck! :)

  29. Congrats sa mga pinoy bloggers na katulad nyo.

  30. ang ganda ng kwento………..sobra….
    haiyst ang tgal ko nang hndi nkakapunta dito…….:)

  31. super astig to the highest level to boss duking! saludo talaga ako sa kalidad ng mga sinusulat mo!

    goodluck!

  32. Ang galing ng storya Sir duking. panalo! ^__^

  33. Epic ang pagkakagawa …

    pang telenovela..

    ikaw na duking..

    its you already…. heheehe..

    hindi na kita igugudlak sa entry mong ito..

    hindi na kailangan.

    panalo :)

    • salamat sir bigotilyo, overwhelming po talaga ang natanggap kong positibong komento para sa kwentong ito. nakakapagpataba ng puso at nakakadagdag ng inspirasyon para maniwala at magpatuloy.

  34. ang ganda ng kwento,nakakatouch

  35. Congrats!, duking. :D

  36. weee! Congrats sayo ^^

  37. Pingback: Bugtong | [Same Shit, Different Day]

  38. Sir Duks congrats! Balita ko ito daw ang nanalo. Walang Duda! Apir!

  39. Tang ina! Sorry, napamura ako! Ang ganda nito! Walang halong pambobola o kung anu pa man. Kinilabutan ako! Putang ina ulit! Ang ganda e. Sakto pa ang mga pangyayari. Astig! Congrats Sir Duking!!!

    • buti na lang di ka sumali,tol.malamang na sumekampleys lang ako hahaha! hiramin ko muna ang karangalang maging natatanging lahok para sa maikling kwento sa SBA this year!

  40. singhot singhot… ang ganda ng story duking! congrats !

  41. congrats duking..galing galing!

  42. nakakainis.. naiiyak ako sa kuwento… ang babaw pa naman ng luha ko… :’(

  43. congratulations. very deserving na manalo ang istorya.

  44. Pingback: Pebrero.. na naman.. | Ako. Ian Tamad.

  45. maraming salamat sa storyang to. matagal narin di ako nakadama ng ganito. makapangyarihan nga talaga ang pag.ibig. Maramaing salamat ulit.

  46. na pukaw mo sir galing mo

  47. awwww…. sana nanalo ka. Nabuyo ako ng husto sa pagbabasa. napansin ko lang matagal na mga post mo.

  48. ang ganda. naiiyak ako sa kwento. ang ganda, astig :)

  49. Binasa kong muli ito, sir. Ang sarap ng daloy ng istorya. Ang sarap umibig. Kapag tunay ang nararamdaman natin sa isang tao, kahit napakalayo man ng dalawang nagmamahalan, hindi mababago ito ng kahit ano. bagyo man, lindol o anumang sakuna ang humarang, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhanang muli silang pagtagpuin.

  50. Bakit ganun? noong 2011 pa ito. Pero bakit wala yung pangalan ko sa mga nagkomento? Daya! (palusot nang mga biglang lilitaw, tapos biglang mawawala) hehehe. galing galing mo talaga Haring Du! Ikaw na, It’s the you! You already. Tumayo balahibo ko na may kasamang pananakit ng pantog dahil sa kilig. Ayus! :D

  51. Lufet ng imahinasyon mo dre, keep it up ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s