Monthly Archives: September 2011

Ang Kahon ng Laruan ni Felipe

Si Felipe ay may kahon ng mga laruan. Ang bawat pirasong naroon ay kanyang iniibig at pinag-mamalaki. Naniniwala siya na ang lahat ng iyon ay regalo sa kanya ng kanyang Ama na nasa malayong lugar. Mula sa nag-gagandahang kayumangging mga manika hanggang sa matatapang na mga laruang-kawal, may mga laruan pa siyang yari sa kahoy, mga laruang hayop at mga isda, mga holen na nangag-kikintaban at sadyang napakamahal at kahanga-hanga. Nangako siyang babantayan ang kahon mula sa sinumang bata na aagaw nito o kukuha ng isa man sa laman niyon.

Isang araw ay nakilala niya si Ponyong, isang bata na buhat pa sa kabilang kanto. Walang dala si Ponyong maliban sa hawak-hawak nitong komiks na tungkol sa super-hero na taga-pagligtas, laruang espada at baril-barilan subalit nangako ito na lalong magiging maganda at matitibay ang mga laruan sa kahon kung hahayaan lamang ni Felipe na idagdag ang nasabing komiks sa kahon ng mga laruan at ibahagi ang kasiyahan sa lahat ng mayroon sa loob ng kahon. Iyon ang panlalansing ginawa ni Ponyong na nagkaroon agad ng interes sa kahon ng laruan ni Felipe.

Dahil sa kagustuhan ni Felipe na lalong mapabuti ang mga laruan, bagamat may bahagyang pagtutol ay agad din itong pumayag. Natural marahil sa kanya ang pagiging hindi maramot.

Napasakamay ni Ponyong ang kahon ng laruan. Ginamit maigi ni Ponyong ang komiks na may kwento ng super-herong taga pagligtas upang libangin si Felipe at tina-taga pa ni Panyong ng laruang espada ang kamay ni Felipe kada nanaisin nitong bawiin o paki-alaman ang sarili nitong mga laruan. Hah! Sinamantala ni Ponyong ang pagiging kimi at kabaitan ni Felipe!

Matagal ding nag-isip si Felipe kung paanong muling mababawi ang kahon ng laruan saka siya naglakas-loob na inagaw itong muli kay Ponyong ng minsang nalingat ito dahil na rin sa pakikipag-away sa ibang kalaro. Subalit matalino si Ponyong. Habang tuwang-tuwa si Felipe na nakuha na niyang muli ang kahon ng laruan, palihim na ibinenta ni Ponyong ang kahon at ang lahat ng laman nito sa tiyuhin ni Felipeng si Samuel sa murang halaga. Bagamat nagulat si Felipe, natuwa na rin siyang malaman na malaya na niyang mapaglalaruan muli ang lahat ng nasa kahon
dangan nga lamang at ang kanyang Tiyo Samuel na ang nagsasabi kung kailan siya dapat tumigil o kung anulang ang maaaring gamitin.

Ah, naisip niyang mabuti na rin iyon at may taga-pagtanggol na siya at ang kanyang mga laruan.

At hindi nga siya nagkamali ng minsang inagaw ng kanyang kapit-bahay na si Japok ang kahon. Agad siyang sinaklolohan ng kanyang Tiyo Samuel. Kasunod noon, isinauli sa kanya ng kanyang Tiyo Samuel ang kahon ng laruan.

Lalong napalapit ang loob ni Felipe sa kanyang Tiyo Samuel ng binigyan siya nito ng mga laruan na sadyang si Tiyo Samuel lamang ang may-roon mula sa kotse-kotsehan, tumutugtog at umiilaw na mga laruan at kung anu-ano pang nakalilibang na bagay bagama’t karamihan sa mga iyon ay pinag-lumaan lamang na laruan at gamit ng kanyang Tiyo Samuel.

Sa pagkalibang ni Felipe, hindi na siya tumutol ng hingin ni Tiyo Samuel ang mga laruang yari sa kahoy, mga laruang hayup at mga isda, at mga holen na nangag-kikintaban at sadyang napakamahal at kahanga-hanga. Paminsan-minsan ding pumipili si Tiyo Samuel ng tau-tauhan at manika na kanyang hinihiram para naman sa kanyang mga anak.

Ang tanging naiwan sa kahon ay ang mga pinag-lumaang laruan ni Tiyo Samuel na mas kinahumalingan ni Felipe at ang Komiks na naiwan ni Ponyong. Napabayaang nasa ilalim at hindi na halos naaasikasung gamitin ni Felipe ang mga kayumanggi niyang mga manika at matatapang na laruang kawal na dati nang nasa loob ng kahon. Hindi rin napansin ni Felipe na sa pagkahilig niya sa Komiks ni Ponyong , wala itong naging dulot kundi lalong paramihin ang nagsisiksikang laruan sa ilalim ng kahon.

Hanggang sa napunit ang kahon na kahit anung tahi ni Felipe ay tila nagagalit na ang mga laruan.

Patuloy itong nawawasak hanggang sa unti-unti nang nagtutulakan, naggi-gitgitan at nagla-laglagan ang mga ito sa kung saan-saan. Nalungkot siyang pagmasdan habang sinasamantala ito ng ibang mga bata. Dampot-dito, dampot-doon  ang ginawa ng mga iyon sa bawat laruang nahuhulog mula sa ilalim at ibabaw ng punit-punit at nag uumapaw na kahon ng laruan ni Felipe.

Dahil sa paniniwalang kaya pang isalba ang unti unting pagkawasak ng kahon, isang pagkakamali ang nagawa ni Felipe…pagkakamaling ‘di niya aaminin kailanman…

Batas militar ang kailangan sa lumalalang punit sa kahon gawa ng nag-aalsang mga laruan! Itinalaga niya ang mapanakot na de-bateryang police car sa ibabaw ng punpon ng mga laruan. Walang sawa itong nag wang-wang at lumikha ng takot sa iba pang laruan na sawang-sawa nang laging nasa ilalim ng kahon.

Subalit patuloy pa rin ang pagkasira ng kahon, lalong nag-alsa ang mga laruan. Mapayapa nilang natanggal ang bateryang nagbigay lakas at paninindak sa Police Car. Toy Power. At nasundan pa ng Toy Power 2. May nag-aalsang sunda-sundaluhan, subalit nasusupil din naman. Punit punit na talaga ang kahon. Naglalabo-labo na ang laruan. Numi-nipis na ang sahig na sumasalo sa mga laruang nagsisiksikan sa ilalim…

Nalungkot si Felipe. Isa-isa nang nahuhulog ang laruan. Nawawasak pag bagsak sa lupa. Yung iba, kusa nang tumatalon papalabas ng kahon. Yung iba naman,itinutulak ng mga laruan ni Tiyo Samuel at dikta ng Superhero Komiks ni Ponyong.

Hanggang sa tuluyan nang napunit ang kahon. Nag-iiyak ng husto si Felipe. Hinayang na hinayang sa nagkalat na mga laruan. Hindi dumating si Tiyo Samuel para sana tulungan siyang sagipin ang nawasak na kahon. Ngayon, kahit napapalibutan si Felipe ng wasak-wasak na laruan, maingat niyang dinampot ang komiks ni Ponyong. Isang araw, aayusin ng Superhero ang lahat ng nasira…Isang araw…

***********************************************************************

Opisyal na Lahok para sa kategorya ng Kwentong Pambata para sa Saranggola Blog Awards 3.

kornik

Isang araw,habang bagot na bagot ako at walang ginagawa,naisipan ko na lang na pagurin ang bibig ko sa kangunguya sapagkat wala rin akong makausap ng matino.Pumunta ako sa malapit na tindahan upang bumili ng kornik. Eksakto,may dalawang piso akong nakapa sa aking bulsa.Dali-dali kong tinawid ang tindahan sa kabilang kalsada sa tapat ng bahay namin.Bumili ako ng dalawang supot ng kornik.Piso-isa,mga 25 piraso siguro ang laman ng isang supot.Bago pa ako tumawid pabalik,binuksan ko ang isa at tinaktak ang laman sa bibig ko.Tumawid ako habang nginunguya ang mga kornik.

Bubuksan ko na ang gate para pumasok ng may narinig akong sitsit sa likuran ko.

Psssst!Hoy!

Boses ng bata.Hindi ko pinansin.Tuloy ako sa pagbubukas ng gate.

Pssssst!Pengeng kornik!!!

Sino ba ang matakaw at pangahas na ‘to na gusto pa ng kornik?Nilingon ko ang tumatawag.Isang bata na pamilyar ang mukha pero ‘di ko kilala.

‘Lika,lumapit ka dito.’Utos ko sa kanya habang binubuksan na ang huling supot ng kornik na hawak ko.

‘Ilahad mo ang kamay mo at bibigyan kita’

‘Akin na lang yan lahat?’

‘Hindi pwede.Ilahad mo lang ang kamay mo!’Nakaramdam ako ng inis dahil sa kapangahasan niyang hingin ang natitirang kornik.

Lumapit at nilahad ng bata ang marumi niyang kamay sa harap ko.Unti-unti at maingat na tinaktak ko ang supot ng kornik sa kamay niya.Pa isa-isang pirasong nahulog ang butil ng kornik.

‘Tama na yan!’Binawi ko ang pagta-taktak ng kornik.

‘Sampung butil?’Tanong niya sa akin habang nakalahad pa rin ang kamay na may lamang sampung butil ng kornik.

‘Oo,hati tayo.’Tugon ko sabay talikod para tuluyang buksan ang trangkahan ng gate.Malinaw kong narinig nang nginuya niya ang kornik.’Di na ko lumingon.

Pssssst,hoy!

Boses naman ng matanda.Pucha,mukhang eto yung nabasa ko sa horoscope ko kanina sa peryodiko.Capricorn-susukatin ngayong araw ang iyong pagtitimpi.Maging maingat sa ikikilos at sasabihin sapagkat bawat gagawin ay may magiging bunga.Nilingon ko ang tumatawag.Nakaramdam ako ng takot sapagkat hindi ko kilala ang matandang mukhang ermitanyong tumawag sa akin.

‘Ano po?’Magalang kong tanong habang ‘di pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.

Unti-unting lumapit ang matanda.”Huwag kang lalapit!Huwag kang lalapit!!!”Sigaw ng utak ko.

‘Bibigyan kita ng sampung kahilingan dahil sa sampung butil ng kornik na ibinigay mo sa akin!’May kung anong kapangyarihan ang boses ng matanda na parang umaali-alingawngaw katulad ng napapanood ko sa mga pelikulang may mga ganitong eksena.Ganun pa man,may kung anong kapangyarihan ang boses nya na nagbalik ng hinahon sa takot na una kong naramdaman.

‘Talaga po?Kayo rin yung bata kanina na binigyan ko ng kornik?

May kung anong liwanag ang bumabalot sa matanda at talagang may echo
ang boses nya!

‘Oo,subalit kailangang lahat ng iyong hihilingin ay walang masamang idudulot sa iyong kapwa at lahat ng ito ay tutuparin ko ng sabay sabay kung mapapatunayan kong busilak ang puso mo ayon sa iyong mga kahilingan.’

‘Opo,mabuti po akong tao at kay tagal ko na ring hinihintay ang ganitong pagkakataon!’Tugon ko na may halong excitement sapagkat kombinsido akong totoo ang lahat ng nangyayari ngayon sa harapan ko.

‘Subalit hihilingin mo ang lahat sa loob ng isang minuto.Pagkatapos ng isang minuto,kailangan ay nakumpleto mo na ang sampung kahilingan mo at lahat ng iyon ay aking tutuparin kung iyon ay mabuti lahat ang intensiyon at walang halong kasakiman!’Dagdag ng kanyang makapangyarihang boses.

‘Papano po kung kulang?’

‘Hindi pwede…hindi matutupad.Sampung kahilingan sa isang minuto.Isang kahilingang masama ang intensiyon,hindi matutupad ang alin man sa sampu.Kung kulang sa sampu ay hindi rin matutupad!’

‘Pero napakabilis po yata ng isang minuto para sa sampung kahilingan?’

‘Kung sadyang dalisay ang puso mo,punong-puno ito ng mabubuting bagay na pwede mong hilingin!Simula na nang oras!Humiling ka na!’Makapangyarihang tinig nang pag uutos ang tono ng kanyang boses.Pinikit ko ang aking mga mata upang hugutin ang sampung kahilingan.

‘Pagalingin po ninyo ang lahat ng batang may sakit!’Unang kahilingan ko.

‘Bigyan nyo po ng sariling lupa ang mga magsasakang walang sariling lupa at paunlarin ang buhay ng mga manggagawang pinahihirapan ng mga kapitalista!’Pangalawa kong hiling.

‘Tumigil na sana ang lahat ng digmaan sa lahat ng dako ng mundo!’Pangatlo kong hiling.

‘Maging malaya ang mga nasa piitan dahil sa mga maling bintang!’Ika-apat na hiling ko.

‘Gawin ninyong matapat ang lahat ng pinuno sa buong mundo at gampanan nila ang kanilang tungkulin ng walang sariling interes!’Ika-limang hiling ko.

‘Wala ka pang hinihingi na para sa sarili mo…may tatlumpung segundo ka pa at limang natitirang kahilingan!’Singit ng ermitanyo sa makapangyarihang tinig.Nanatili akong nakapikit.

‘Gawin nyo akong mayaman na mayaman para marami akong matulungan!’Ika-anim.

‘Gusto kong magkaroon ng kapangyarihan na makalipad para makarating sa mga lugar na di ko pa napupuntahan!’ika-pito kong hiling.

‘Gusto ko ng talento sa pagsasayaw dahil hindi ako marunong magsayaw!’Ika-walo.

‘Nais kong makasama simula ngayon habang buhay ang babaeng pinakamamahal ko kahit hindi pa kami nagkikita!’Ika-siyam ko yung hiling.

‘Oo,kilala ko sya.Siya si…teka!Apat na segundo na lang ang nalalabi at isang kahilingan na lang…’Tugon at paalala ng  makapangyarihang tinig ng matandang ermitanyo.

Nakapikit pa rin ako.Kulang apat na segundo at isang kahilingan o hindi matutupad ang alin man sa mga nauna kong hiniling.Kailangang pakinggan ko ang laman ng puso ko at iyon ang aking hihilingin…

ISUKA MO YUNG HININGI MONG KORNIK!!!

Dinilat ko ang mga mata ko.Wala na ang matanda at wala ni isa sa sampung kahilingan ko ang nagkatotoo.

Shit!Kaya mahirap mamigay ng higit sa tatlong butil ng kornik sa isip-isip ko habang papasok ng gate.

Badtrip!

Hango sa Lumang Tipan, este, sa sinauna kong blog, nakasulat sa bato.

…and the world spins madly on…

kiss-ass no.1 : ‘duking, isa ka talagang henyo!’
duking: ‘hindi ako genious…’
kiss-ass no.1 : ‘…errr…mali spelling mo ng ‘genius’…’
duking: ‘sabi sa’yo eh…’

***

kiss-ass no.3: ‘duks, may oras ka ba para sa walang kwentang tanong?’
duking: ‘oo naman, basta walang kwentang tanong, lagi akong may walang kwentang sagot!’
kiss-ass no.3: ‘ahaha,sige sige…anu ba nauna, manok o itlog?’
duking: ‘langyah…seryoso?’
kiss-ass no.3: ‘oo, dali ano ang nauna?’
duking: ‘itlog ang nauna!’
kiss-ass no.3: ‘bat mo naman nasabi na itlog ang nauna?’
duking: ‘matagal na kaseng debate yan, in fact, lahat ng sira-ulo yan ang gustong malaman…’
kiss-ass no.3: ‘haha…so paano ngang nauna ang itlog?’
duking: ‘yun nga, pinag-karera yung itlog at manok kung sino ang unang makakasampa sa pugad…’
kiss-ass no.3: ‘eh di paniguradong mauuna yung manok…naman!’
duking: ‘oo nga kaso, nabigla ang lahat sa ‘di inaasahang resulta…’
kiss-ass no. 3: ‘baket?’
duking: ‘yung itlog kase ang nauna…’
kiss-ass no.3: ‘paano naman nangyari yon?’
duking: ‘di ko rin alam, basta ang sabi nung announcer…’egg the winner is…’
kiss-ass no. 3: ‘ahaha! joke ba yan?’
duking: ‘hinde…huwag kang tumawa!’

***

kiss-ass no.3 : wala ka bang pics sa FB?
duking: meron, yung green na sapatos na chuck
kiss-ass no.3: ibang picture?
duking: wala, nandun sa isa kong account.
kiss-ass no.3: add ko yung isa mong account.
duking: sige, eto yung e-mail, fekfek_hooooray@yahoo.com
kiss-ass no.3: (after five minutes) wala naman eh
duking: ‘ay sorry, mali pala…kulang ng ‘o’ yung hooooray!’
kiss-ass no.3: sige check ko…
kiss-ass no.3: (after five minutes ulit) ‘niloloko mo naman ako eh!’
duking: ‘hindi ah, sinabi ko ba sayo kung ilang ‘o’ yung kulang?
kiss-ass no.3: ‘ilan?’
duking: ahaha…ahahaha….ahahahahaha!
kiss-ass no.3: ‘gago!’

***

Mahina ako sa Math. Lalong lalo na sa Math na may kasamang alphabet at mga Latin sysmbols. Tumawid ako sa alambre nung college, kumain ng apoy at pansamantalang-nagbalik loob sa Kristiyanismo para pumasa lang ng Math. Kahit ngayon na ikinu-kwento ko lang ang tungkol sa Math, hindi ko maiwasang hindi samaan ng pakiramdam.

Mahina ako sa Math. Kung papaboran ako ng God of the Gamblers at ipakita niya sa panaginip ko ang lalabas sa lotto sa pamamagitan ng mathematical equation, malamang na dumerecho na lang ako sa pinakamalapit na sabungan at tumaya sa dehadong manok o di kaya ay pasyalan ang pinaka malapit na peryahan at makipagsiksikan sa Color Game.

Mahina ako sa Math. Yan ang dahilan kung bakit sa dami ng friends na naka-add sa Facebook ko, hindi ko sigurado kung ilan ba roon ang blogging friends ko, mga naging classmate, kasamahan sa trabaho at kamag-anak at imaginary friends. Basta ang alam ko lang, apat sa mga nandun ay mga naging ex ko at lahat sila, hindi ako kinakausap. Ahaha!

Mahina ako sa Math. At dahil mahina ako sa Math, hindi ako marunong mag-balance. Minsan, kumukuha ako ng sobra kaysa sa katumbas na kaya kong ibigay. Minsan naman, nasosobrahan ako sa pagbibigay na wala na halos natitira para sa akin. Pinipilit kong solusyunan ang problema gamit ang maling formula. Nakakasagot ako paminsan-minsan ng tama sa hindi ko naiintindihang tanong. Hindi ko alam ang computation ng uncertainty, ng span, at ng accuracy.

Mahina ako sa Math. Pero kahit hindi ko maarok minsan ang sagot sa value ng tanong na ‘ Y’ , nagsisinungaling lang ako kapag sinasabi kong hindi ko alam ang value ng ‘X’. Dahil kahit hindi ko alam ang computation ng uncertainty, ng span at ng accuracy, ang dami ko namang natutunan sa History.

***

Sa second year high Math class ko dati:

‘Class, what is a ‘fraction’?’

‘Ma’am…a fraction is a part of yourself that will never be whole again cause its either left broken or taken away by someone that you meet with an affection, or addiction, or just a pure imagination…’

‘What the fuuuuuck?!’

SSDD

Same Shit Different Day.

Wala nang mas aangkop na lugar pa para isulat ang blog post na ito kundi sa loob mismo ng kubeta. Andun yung ambiance at andun na rin yung mismong inspiration. Wala sa ilalim ng bowl, wala sa nakapalibot na tiles, wala sa loob ng septic tank kundi nakaupo mismo sa anidoro.

Ako.

Pero bago mo ako itulak at i-flush , makinig ka muna. Kunwari, may isang malaking potential energy na nakahandang maging kinetic energy anumang oras sa blog na ito. Kumpleto na.Andun na yung mass, andun na yung height at higit sa lahat, yung gravitational acceleration.

Oooops! Sobrang science.

Ganito na lang. Kunwari, may isang malaking bulto ng ebak na nakahandang malaglag anumang oras at gumawa ng higanteng bulwak sa payapang tubig sa kaibuturan ng bowl. Pasensya na, Dude. Sa kinalalagyan ko ngayon, wala na talaga akong maisip na magandang comparison sa gusto kong sabihin.

Quick math.

Meron pa siguro akong humigit kumulang sa walong daang salitang pwede kong gamitin para patunayan na hindi puro potential energy lang ang lalawit-lawit na taeng naglalaro sa isip ko para sa pakonteshit na ito ni Lio. Heto na, sa sobrang lagkit, talagang kumakapit!

Same Shit, Different Day.

Ang araw-araw na punong puno ng rules. Rules para magmukha kang tao, at pag-sinabing tao, hindi basta-basta yung kain-tae-tulog lang na tao. Ang kategorya ng taong tinutukoy ko eh yung may pakinabang. Nag-ta trabaho, tumatawid sa tamang tawiran, sumasaludo sa watawat, umiiyak sa malulungkot na pelikula, nakikisalamuha at bahagi ng buhay ng iba at may katuturan. Sa madaling salita o sms- U. Us. Ungas.

Pero may Big Butt ang ganitong sistema. Kung ang lahat ay may pattern kung paano ka lulugar sa mundong ibabaw, hindi ba’t para na rin tayong nakasalansan na mga tiles sa loob ng kubeta? Nakatanghod na walang imik sa tumataeng may pakana ng desenyo kung sino ang dapat nasa sahig, sino ang nasa ibabaw at kung minamalas, yung mga paningit lang para takpan yung mga sukat na palpak.

Nakadikit tayo sa isang sistema at kapag andun ka, kailangan yung makinis na bahagi ang nakaharap. Nangingintab. Kung ‘di man puting puti, kailangan malinis na malinis. Kahit maligo ng muriatic acid, sige lang, proud. Sama-sama, kapit-kapit. Ang bumitaw, may tae sa puwit!

Case point ang mismong kubeta kung nasaan ako. May nawawalang piraso ng tiles. Bukas-makalawa, papalitan ito. Walang maghahanap kung sino ang nag uwi o anung nangyari dun sa isang piraso. Ganun lang ka-simple ang buhay ng ta… tiles. Muntik ko pang masabing tao, buset!

Takte! Ang dami kong ka-echosang sinasabi. Disqualified na kung disqualified. Basta tandaan mo lang, Dude. Ibibili ko lahat ng lapis sa Book Sale ang gift certificate na mapapanalunan ko dito para i-donate sa Pens Of Hope ni Miss N. Yun eh kung mananalo ‘tong shit ko at hindi ako madi-dis-qualified sa haba ng sinasabi ko. Langyah. Ni hindi pa yata ako nangangalahati. Haha!

Alam ko kung nasaan yung nawawalang tiles. May hawak siyang mega phone at ang sabi n’ya: Fuck, Yeahhhh!!!! (echo…echoeee…echoeeeee….)

…sa lahat ng naghahanap ng paliwanag sa ganito at ganyan pero umaasa naman sa naka pre-set na sarili nilang dahilan na tanging tatanggapin ng kanilang katwiran!

…sa araw-araw na piliting patunayan sa lahat na tama ka pero sa isang pagkakamali mo lang, handa ka nilang ituring na ehemplo ng kabiguan!

….sa hindi nakakaunawa kung bakit kailangan mong maging iba sa sarili mong dahilan pero ituturing kang iba dahil sa nagkakaisa nilang pagu-unawaan!

…sa mga relasyon na nakaka-kalendaryo na sinusukat lagi sa araw, sa linggo sa buwan at mga taon!

…sa mga reklamo ng reklamo sa lovelife, sa sex life at sa kung anu anu pang akala mo eh may responsibilidad sa kanila ang mundong walang karekla-reklamo sa mga gaya nilang puro reklamo!

…sa mga taong akala mo ang hawak na metro ay lampas langit para sabihing kulang ka sa aral, sa tapang, sa pananampalataya, sa pagka makabayan o pati haba ng titi mong maugat-kulang.

At higit sa lahat, fuck yeahhhh! dahil ako ay isang tiles na nagsasalita!!!

Same Shit, Different Day.

Minsan, kailangan mong bigyan ng sariling kahulugan ang definition ni Webster sa maraming bagay na pinagkakaisahan ng karamihan. Kahit na isuko mo ang maraming bagay. Kahit na mag mukha kang inaamag na tinapay sa sulok ng estanteng pinag haharian ng masasarap at bagong lutong tinapay. Ganun talaga ang buhay.

Basta huwag mo lang hahayaang baguhin ng ordinaryong mga pangyayari ang ekstra-ordinaryong mayroon ka sa iyong sarili.

‘Plok!’

Nalaglag din sa wakas.

***

Akdang-lahok sa pagpupugay sa kaarawan ng nagiisang walang kwentang taga-kwenta ng buladaspir at selebrasyon ng ikatlong taong anibersaryo ng blog na pag-aari ng lover boy na may titeng-maugat. Ikaw na, Lio!

Kay Lian at Jkul, dahil may mga magkakaibigang parang hindi magkakaibigan…