Ang RH Bill at ang Red Horse Beer sa Pananaw ng Isang Lasing (Hik!)

Ang issue ng RH Bill at ang Red Horse Beer, kung tutuusin ay walang pinagkaiba. Tayo, bilang mamamayan ay nalalasing lang sa hapag ng isang pambansang inuman habang pinagtatalunan ang bagay na ito.

Ako, bilang isang opinyonadong taga-tagay ngayon sa mismong kuta ko ang hayaan mo munang magbigay ng saloobin ko ukol dito.

Ang RH Bill, katulad ng RedHorse beer, ay ayaw  ng simbahan. Masama ang RH Bill sa parehong paraan na masama rin ang maging lassenggo sa kanilang pananaw. Ngunit sa responsableng pagpapatupad katulad din ng responsableng pag-iinom, maaaring magkasundo kayo. Heksampol ba ‘kamo? Hik!

(RH Bill)
Maria: Joseph, buntis ako at hindi ikaw ang ama!
Joseph (Pong): Hindi ito maaari, ipalaglag natin ang bata!
Maria: No can do. Si Jimmy Espiritu Santos ang ama nito!
Joseph (Pong): Weh? ‘Di nga. OK, alagaan na lang natin siya at palakihin na isang mabuting mamayan.

(Red Horse Beer)
Maria: Anak, naubos na ang alak na iniinom ng mga sunog-baga dito sa kasal.
Jesus (Tatay ni Pong): OK po, gagawin ko pong alak ‘tong mga tubig sa banga pero sana po drink moderately lang sila ha? Promise po? Be blessed po!
Maria: Oo naman,yes!

See?

Pasok.Accepted.Approved.

Ang RH Bill, ay magpapatibay sa kaaalaman ng mamamayan sa responsableng pagpaplano ng pamilya sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kampanya ng estado sa kaalaman ukol dito. Kasama rito ang kaalaman kinapapalooban ng seks, birth control at kahalagahan ng proteksiyon ng kababaihan sa ligtas na agwat ng pag-aanak. Itataas nito ang maturity ng ating mga kaisipan tungkol sa sex sa pamamamagitan ng mas maagang pagtuturo ng tamang edukasyong ukol dito na magbubukas ng isip ng ating kabataan.

RH Bill at Red Horse Beer = Pang Mature. Not for sale to Minors.

Ang RH Bill, katulad ng RedHorse beer, pagtapos mong laklakin ay mayroon ding ‘bill’. Katulad ng isang mahabang inuman, babayaran natin ito pagtapos. Pagbabayaran natin ito bilang isang bansa. Pagbabayaran ito ng susunod na henerasyon ng bawat Filipino. Sisingilin tayo sa anumang desisyon natin sa inuman ngayon. Kung sa tingin natin na ang issue ng RH Bill at ang pagsusulong nito ay isa lamang pulutan na masarap papakin at isuka sa ating kamangmangan kalasingan, nagkakamali tayo.

Kung sa ngayon pa lang na bilang isang bansa eh, para na tayong lasing na pasuray-suray sa daang tinatahak natin, umi-ihi sa kung saan-saan , nakukuntento sa pagkanta ng ‘My Way’ at natutulog sa pansitan habang palaboy-laboy sa kalsada dito at sa kalsada ng ibang bansa ang ating mga anak, may mali na yata. At hindi ito pagkakamali bilang isang indibidwal kundi bilang isang bansa. Hudyat na yun na itigil natin ang pag-inom sa kasalukuyang kultura, paniniwala at gawi ukol sa pag-aanak. Ayaw nating sumbatan tayo na iresponsable ng hinaharap.

At bilang pang wakas sa aking kawalang-hiyaan, hahamunin kitang tanungin mo ang iyong sarili ukol sa RH Bill at RedHorse Beer. May sapat ba tayong lakas at sapat na tapang kasama ng sapat na kaalaman sa ngayon para baliwalain ang isyu at ang bote?

RH Bill at Red Horse Beer.

Alam mo…Ito ang Tama.

OK. Balik sa tagay. Hik.

Ang nabanggit na tauhan, pangyayari at pagkakahalintulad sa anumang tao, karakter o kwento mula sa ibang libro ay hindi sinasadya. Gayundin naman, nagkataon lang din ang pag gamit sa pangalan ni Pong at ng kanyang Ama. Be blessed po.

45 responses to “Ang RH Bill at ang Red Horse Beer sa Pananaw ng Isang Lasing (Hik!)

  1. at tulad ng dati, isang mahusay paghahalintulad ang iyong ginawa sa rh bill sa rh beer.

    suportado ko ang rh bill matapos ko’ng mabasa ang nilalaman nito. maaring may sumalungat pero ito ay aking opinyon at kuru-kuro lamang.

    magandang umaga :)

  2. hhaha drink moderately pare!! kelan kaba magpapainom! hik!

  3. Pro RH Bill ako at mas lalong PRO RedHorse Bill. *hik!.

    Elibs talaga ako sa doodles mo sir. at nga pala, naka-(dot)com na din ako. Haha.

  4. Ehehe.. Ang galing ng doodles, nagbaballet pa yata. Lasing na!! LOL.

    Nakapag komento na rin ako sa ilang posts dito sa mundo ng blogs.. ProRH ako.

    Tama. Katulad ng RHBeer, ang RHBill eh meron ding “bill”.. Ang next generation ang magbabayad sa magiging epekto ng final decision. Pero hanggang ngayon, para tayong mga lasing na hindi magkaayos, hindi magkasundo. Kapag walang ginagawa ang government, reklamo tayo. When it offers a solution, reklamo ulet tayo. I’m simply saying, why don’t we give this a try?

    Naiintindihan ko naman ang stand ng mga AntiRH at malaki ang respeto ko sa Simbahang Katoliko at sa mga namumuno dito. And I’d like to think that I’m a good Catholic. Pero hindi naman ibig sabihin na dahil ProRH ako eh masamang tao na ako.. just like, kapag nalasing ka sa inuman (Red Horse) eh masamang tao ka na. Eto ang aking paniniwala. Kaya respetuhan na lang. :)

  5. Isulong na ‘yan.
    Pagkakataong magkaroon ng mas malawak na kaaalaman hindi lamang ang mga bata, mas lalo’t higit ang mag-asawa na siyang nagtataguyod ng pamilya.
    Para sa mga kababaihan din iyan upang mas maaalagaan nila ang kanilang sarili bilang babae ng lipunan, ina ng mga anak at higit sa lahat katuwang ng ama sa pagtataguyod ng pamilya.
    Pagkakataon na marahil para ipakita natin na sa mga ganitong pagkakataon, may iisang layunin ang mga Pilipino.

    Ito ay mensahe ko para sa mga Anti-RH Bill, tingnan muna natin ang kahalagahan/kalakasan ng batas na ito bago natin ipinid ang ating pag-ayaw.
    :)

  6. haha! ang kulit ng drowing, ang kulit ng post, duking! :)

  7. ang basa ng hapon sa RH Bill ay RH Beer…coincidence XD
    ala lang, daan lang po

  8. hehehe! rh bill… ang totoo tama ka… para sa akin… tingin ko dun eh parang red horse beer…

    wala akong paki alam…

    san mig light ako eh….

    nice post!

  9. ang ganda ng pagkakahalintulad mo sir…

    PRO RH BILL

    hik!

  10. bagong salta dito :)

  11. nice ‘tol duks! :D

    Basta ako Pro-Anti. :D

  12. xD

    Isulong na ang RH Bill maging ang Sex Education.
    Matagal na dapat naipasa ito. Panahon na upang manindigan ang pamahalaan.

    Mabuhay si Pong! hahaha.

  13. Ryan Adik Nga Lambay

    May tanong lang ako. Alam ba ng mga paring katoliko kung paano gamitin ang condom? Hindi kasi nila alam kung gaano kahirap magpakain ng pamilya dahil wala sila nun. Hindi nila alam kung gaano naghihirap ang bansa natin dahil sa populasyon dahil naka-upo lang sila sa gintong silya at nagpapalaki ng tiyan. Hindi nila ramdam ang hirap dahil kinakain nila ang mga abuloy ng sambayanang Filipino.

    RH Bill dito. RH Bill doon. Sa totoo lang eh wala naman talaga akong pakialam sa RH bill noong una. Pero ng makita ko ito sa dyaryo, sa telebisyon, ng marinig ko to sa mga radyo, ng nabasa ko to sa mga blogs ng mga kapwa ko manunulat eh medyo naalarma ako.

    Pa.add naman sa blogroll mo. I added you na

  14. nice. ang ganda ng paghahalintulad. ayun, may stand na ako sa issue na yan, manang na manang stand. :)

  15. sa usaping RH bill, naiinis ako kapag parehong extremes yung dalawang side. ang mga saradong katoliko, (and I am a catholic) ay nagagalit sa mga katolikong hindi umaayon sa kanila. at ang mga pro RH bill naman nagagalit din sa mga taong ayaw pumanig sa kanila. pareho silang may katwiran, sana naman ipunin ang mga pananaw nilang maganda at yun ang gawing RH Bill.

    pero bilang isang responsableng mamamayan, dapat instead na magbigay tayo ng pahayag nang di naman natin talaga nababasa ang nakapaloob sa RH bill, mas mabuting basahin natin ito, namnamin tulad ng Red horse beer, makipagtalakayan tulad ng ginagawa nating pagkukuwentuhan tuwing may inuman, at saka natin sabihin kung ano ang ating posisyon. hindi kasi tamang sumakay tayo sa kung ano ang popular. dapat marunong tayong ipagtanggol ang ating panig ayon sa ating pagkakaintindi MATAPOS nating basahin ang nakapaloob sa nakahaing panukala. Hindi kasi tayo mga parrot. may isip tayo at dapat ginagamit natin yun lalo sa mga ganitong klaseng usapin.

  16. pag ganitong issue, hindi ako basta-basta nagbibitaw nalang ng salita kung di ko naman alam ang side ng dalawang partido.. pinilit kung basahin ang RH bill para di ako lumalangoy ng walang patutunguhan, at nagtanong narin sa kakilalang seminarista sa totoong katayuan ng simbahan.

    at eto lang ang nakita ko, wala sa laman ng RH bill ang problema o mismong pinaglalaban ng simbahan, kase pwedeng masolusyonan yan sa isang pag-uusap.. ang problema ang mga lider ng dalawang panig, may kanya-kanyang interest din…

    sa hulihan responsibilidad ng indibidwal ang mamili.

  17. sa lahat po ng nag comments, hindi ko man masagot individually like i used to, natutuwa akong malaman na mas malawak ang pananaw ninyo at mas bukas ang pag iisip sa usapin ng RH bill.

    hindi dito nagtatapos ang usapin ng RH bill. naka binbin pa rin ito sa kapulungan ng mambabatas na ibinoto ng sambayanan. bilang pang wakas na pananaw sa isyu, gusto ko lang sabihin na isang tools ang internet at ang hatid niyang inpormasyon para ibahagi ang isyu. ang nakakalungkot, hindi lahat ng magulang (lalo na yung less privilege ) ang siya pang hindi tanto kung ano nga ba ang kabutihang hatid kung maisasabatas ito.

    again,the outcome will haunt us, individually and as a nation. usapin ito ng paglobo ng populasyon, usapin ito ng seguridad. kung napapakain natin bilang magulang ang mga anak natin naaalagaan at napag-aaral, mabuti. subalit tingin ko, mas gumagawa tayo ng isang bansang mas mabuti kung yung katabing bata ng anak natin ay kumakain din, inaaruga rin at nag aaral. nakikita natin ito araw-araw. sa pagitan ng salamin ng jollibee- dalawang bata.sa pagitan ng kalinga ng isang tahanan, dalawang bata. sa pagitan ng pader ng paaralan, dalawang bata. magsalita tayo para sa mga batang ito. magsalita tayo para sa mga magulang ng mga batang ito. hindi nila alam ang issue. hindi nila alam ang batas na pinag tatalunan. subalit para sa kanila ito. para sa mga bata.

    hindi natin kailangan malaman by the book ang batas na ito. sapat nang alam natin kung ano ang layunin nito. itoy pagpapatibay ng malawak na inpormasyon para sa mamamayan. ito ay pagpapalawak ng edukasyon para sa mga kabataang magiging magulang sa susunod na panahon. ito ay pagbibigay ng access sa pagpipiliang paraan ng pagpa-plano ng pamilya at kinabukasan natin bilang indibidwal at bansa.

    paano nga kaya kung ito pala talaga ang solusyon sa lumalaking populasyon at lumalalang kahirapan?

    kamang-mangan ang ugat ng isyu. lumalaki ang populasyon, dumadami ang mang-mang. sa batas ng estado at relihiyong kumikilala sa karapatan ng mamamayan, boboto ang mang-mang ng politikong magpapatakbo ng bansa at papasok ng simbahan upang makinig sa aral at turo nito.

    mas masaya sana kung hindi man tayo ganun karami, mas marami naman ang may sapat na kakayahang mag-isip para sa mas magandang bukas natin bilang isang bansa.

    huwag nating itanggi na isyu ng RH bill ang nakikita nating salamin at pader sa pagitan ng dalawang bata araw-araw.

    again, salamat sa pagpapaunlak sa napaka-gagandang comments. para itong mainit na kape sa lasing na gaya ko. hehe!

  18. ang galing!! ang ganda!!

    natatandaan ko ng bata pa ako…tuwing gabi..naglalaro kami ng condom na nagkalat sa bahay namin..libre kasi galing sa health center..pinapalobo ng tatay ko…naisip ko lang ngayon….sana naman hindi pa ginagamit ng tatay ko yun bago namin laruin! yak ka ‘tay!!

  19. maipatupad o hindi man ang RH bill nasa tao pa din yan at tama ka sa pagkakahalintulad sa Red Horse Bill este beer pala kaya ang masasabi ko lang jan kung hindi mo kayang bumuhay ng asawa at anak sa loob at labas ng bansa eh pagisipan mo muna Disiplina sa sarili lang ang kailangan, parang wag kang iinom ng madaming beer kung hindi mo kaya ang bill hhehehe
    censya na parekoy mahina ako sa mga ganitong opinyon / aspeto kaya pagdamutan mo na ang nakayanan kong komento hik! tagay ko na ba?

    • tama ka anne. kaso nga lang, hindi lahat kagaya ng karamihan mag-isip. yung iba, tira lang ng tira at walang paki-alam. baka kasi maabot sila ng kaliwanagan ng isip kung magiging batas ang rh bill. sa ganun, alam nila na bawal ang tira ng tira. hahaha!

      tama na ‘to. wala na akong pambayad. takasan na natin ‘to. hahaha!

      • ahahaha cge don ka sa kaliwa dadaan ako naman don sa kanan basta kunwari hindi tayo magkakilala ah teka lang kaya mo pa bang tumayo?

  20. sa akin San Mig ito… mahaba-habang inuman talaga ang isyu.

    basta hiwalay ang estado sa simbahan. puwedeng mag-advice pero hindi puwede panghimasukan.

  21. DUKKKKIIIIIIINNNNNGGGGGGGGGG.

  22. …BUKAS NA ISIPAN lang naman ang kailangan sa mga usaping ganyan…

  23. hindi ko binasa. nagpaparamdam lang. :p

  24. wahhh astig ng saliwakain a!

  25. pro RH Bill ako. nasa tao lang kasi yan, hindi naman pipilitin ng gobyerno ang ayaw. kung ayaw magcondom eh di wag, kung ayaw ng pills d wag din. Ang sa RH BIll lang naman is to be a responsible parents. ang alamin ng mga tao kung ano ang makakabuti sa pagpaplano ng kanilang pamilya AT HINDI PAGPAPLANO KUNG PAANO PUMATAY NG FETUS!
    People need information dissimination. ganon lang kasimple un.

  26. hello! ang galing, may pisara na sa itaas, ahaha.

    pahiram ng yesong iba-iba ang kulay, duking… :)

  27. Maganda Duking ang balitaktakan dito sa bloghay mo. Sangayon ako sa iyong mga sinabi…”kamang-mangan ang ugat ng isyu. lumalaki ang populasyon, dumadami ang mang-mang. …”. Hayskul pa ako nung 70s ay isyu na yan…iba lang ang sangkap o rekado sa ngayon…pero maganda ang punto ng balaking batas palagi.

    Ako naiintindihan ko kaya ayun nung araw…sapat lang ang dami namin sa pamilya upang maitaguyod ito ng maayos…ang sabi nga parang beer…”drink moderately”…o magkarooon ng tamang dami lang ng anak.

    Nung hayskul din kami ay nabigyan kami ng tamang pagtuturo sa pagpapamilya at seks. Sa totoo lang ay natural family planning lang kami nuon. Disiplina ika nga…walang plastikan o gomahan…hehe.

    Ayun sangayon din ako sa sabi ni Ka-Swak sa itaas…simple pero rock.

  28. Di ako maka reply sa thread. Gusto ko pa naman i kungresheleyt si Salbe sa base nya. :|

  29. Lasing ka ba habang isinusulat ito? hehehe jk. Sa dami ng nabasa kong sulat a bout RH Bill ngayon lang ako naka-encounter ng paghahambing sa Red Horse Beer. Sana magkaroon ng Red Horse Bill at gawin itong official na pambansang inumin, at magkaroon ng Reproductive Health Beer, na inumin na dapat inumin ng mga babae bago maglasing at ma-date rape to the tune of “Easy” by Ambing.

  30. Ahahhahah ang kulit lang ng paguusap tsk… pero yun nga “ito ang tama!” nga naman… kunsabagay lahat naman ay may pros and cons kaya kung pagdedebatehan pa eh lahat may punto… pero sana iconsider na lang “kung ano ang mas para sa nakararami”…

  31. Ang galing galing mo kuya, nakangiti ako habang binabasa ko ‘to. Masyado nang malalim ang isyung ‘to, ang masasabi ko lang, wala akong panahong makipag-diskusyon sa mga taong sarado ang isip. PRO-RH Bill ako ^^

  32. at sa red horse pa ha.hehe
    sabagay… kung tutuusin, ang usapang red horse beer e parang pagtatalo ng mga lasing. walang ibig magpatalo. bawat panig gustong patunayang tama sila. pero sabi mo nga, ang anumang desisyon ay makakaapekto sa susunod na henerasyon.
    minsan `yong masama nababago ang epekto sa tao.depende sa perspektibo ng gumagawa nito. masama rin namang mag-anak ng dimo kayang buhayin at bigyan ng edukasyon ah.

    sana naman `yong simbahan, mangaral nalang.para bahala na yong mga tao kung susunod sa aral o hindi at wag nang makialam sa pagharang ng batas. para sa akin kase, hindi sila dapat nakikisawsaw sa usaping pang estado.

    …buti pa.tagay nalang tayo.hehe

  33. punyeta animal

    yeahhhh!!!

  34. ANg galing.Ito ang tama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s