Violets Floating in a Vast Blue Ocean

Photo Credit From Jan's Art@ Flickr.Com

Sabi nila, ang pag-ibig mula sa kawalan ay umuusbong sa puso ng tao na gaya ng isang magandang bulaklak. Ako, naniniwala akong isa itong tulang namumukod tangi sa isang libro ng mga piling tula na kapag nabasa mo na lahat, bina-balik-balikan mo.

Hindi naman siya yung tipo ng taong bigla na lang gagawa ng kakaibang gawi kaysa sa kanyang nakasanayan. Hindi rin siya yung tipo ng taong ilalagay ang sarili sa kawalang kasiguraduhan ng hindi pinag-iisipan ang kahihinatnan. Hindi siya yung tipo ng taong magsisinungaling ng walang mabigat na dahilan.

Hindi siya yung tipo ng tao na kagaya niya ngayon.

‘Sir, bibili ho ba kayo?’

Saka lang siya nanumbalik sa katinuan.

‘Ah, eh…ah…Oo sana, eh…’

‘Para saan ‘ho ba?…sa girlfriend niyo…sa asawa…sa patay?’

‘Sa patay…ah, sa girlfriend ko….Oo, sa girlfriend ko!’

‘Namatay ‘ho yung girlfriend niyo?’ Nakakunot ang noo ng babae subalit nakangiti itong nakatingin sa kanya.

‘Ah, hindi…r-red roses…a-anniversary namin…hehe!’ Napakamot siya ng ulo.

‘Ah, dapat isang dosena…250 na lang tutal anniversary niyo pala!’

‘Thank you!’

Ganun nagsimula ang lahat. Bumaba siya sa sinasakyang jeep ng biglaan. Humakbang papalapit sa tindahang kailanman ay hindi niya napapasok. Bumili bulaklak para sa kasintahang ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isip niyang handugan sa anumang okasyon. Love at first sight. Bahala ka na kung ayaw mong maniwala.

‘Three red roses,Please!’ Makailang beses na niya itong inulit-ulit bilhin sa iba’t ibang araw. Saka niya ito dahan dahan at palihim na ididispatsa sa iba’t ibang paraan. Ihulog sa bintana ng jeep. Iwanan sa waiting shed sa kanilang kanto. Ipang-uto sa tinderang kapit-bahay nila para makautang ng sigarilyo ng minsang kapusin siya ng pambili dahil sa bulaklak.

‘Anu nga pala pangalan mo? Lagi akong bumibili pero hindi ko man lang naitanong ang pangalan mo, eh’

‘Lira’

‘Li..la…’ Alam niyang nautal siya. Kung bakit pa kasi niya inulit.

‘Utal ka ba,?Haha!’

‘Lila…gusto ko kako yung mga kulay lilang bulaklak…’ Sabay turo sa mga kulay violet na ibat ibang bulaklak at orkidyas.

‘Palusot?’

‘Lira…yung parang sa bahay kubo…’ Nakangiti siya. Laking pasasalamat na hindi siya nautal ulit.

‘Anung parang sa bahay kubo?’ Nakangiti nitong tanong sa kanya habang pilit pinagtatama ang kanilang tingin.

‘Ah…eh…’ Pakiramdam niya, sinusubo siya ng bilis ng isip niya sa kahihiyan.

‘Ano?’

‘Sa paligid-ligid…ay puno ng…Li-ra’ Mahina niyang bigkas na tinonohan ng kanta.

Narinig niya itong tumawa. Tumawa na rin siya.

This is the start of something good, don’t you agree? Hindi rin. Dahil kapag pala nakatayo ka na sa tuktok ng bangin na abot-tanaw mo na ang lahat ng magagandang bagay sa iyong harapan, may bahagi ng isip mong nagsasabing ‘Ingat…baka ka mahulog. Humakbang ka paatras.’

At bubuo ng routine na nakakainip ang iyong karuwagan. Karuwagan na pagbabayaran mo ng oras na lilipas.

‘Kung Almira ang buong name mo, bakit naman Lira ang naging palayaw mo. Mira na lang sana..nakakautal kaya yung Lira..’

‘Mira na kasi si Ate. Mirasol ang buo niyang pangalan,eh.’

‘Kung ako ang tatay ni’yo, tatawagin kitang Lila at siya naman ay si Asul.’

‘At ayaw kitang mapangasawa kung sakali dahil tunog Crayola ang pangalan mo at apelyido. Hihihi!’ Sabay turo sa polo niyang uniporme na may burda ng kanyang initial name. C. Loyola.

‘Chris…Chris Loyola…’ Sabay abot niya ng kamay.

Sa kanilang pagdadaop-palad, may fireworks na nagputukan sa langit na nag-iwan ng kislap sa kanilang mga mata. And they live happily ever after. Kagaguhan. Mahaba pa ang kwento. Nangangalahati ka pa lang.

* * * * *

Kung sasabihin mong namamatay ang isang pag-ibig dahil napabayaan ang apoy nitong talunin ng malamig na hangin ng kawalang oras, distansiya, at kung anu-anu pang shit, ihanda mo ang iyong pisngi at sasampalin kita ng titing maugat™ ni Lio. Hindi ako naniniwala. Namamatay ang isang pag-ibig dahil may nagsinding bago. Yung tipong may natagpuan ka ng bagong paglalagakan mo ng mga susunod na umaga ng iyong buhay. Yung tipong handa ka nang itaya sa iba yung buo mong pagkatao na punong-puno ng lakas at kahinaan. Susugal ka sa walang kasiguraduhan at isusuko mo ang lahat ng meron ka ngayon. At hindi iyon laging madali. At kahit pa naging mahirap kung paano mo iyon tinalikuran, huwag kang umasa na lagi iyong papunta sa direksiyon ng bagong simula na gusto mo.

‘Lira! Lira…break na kami ng…’

‘Wala si Lira, umuwi siya sa Mindoro last week pa, Iho!’ Isang may edad na babae ang nadatnan niya.

‘Ho? B-bakit daw!’

‘Ikaw si Chris?’

‘Oho…’

‘Eto, pinabibigay sa’yo ni Lira…’ Inabot nito sa kanya ang isang imbitasyon sa kasal. Nanginginig ang kamay niyang inabot ang imbitasyon. ‘Garcia-Espina Nuptial’

‘Nung nakaraang araw pa kita hinihintay para diyan eh…bukas na yan ng umaga!’

Tinalon niya ang pagbuklat ng imbitasyon para sa oras at simbahan. Marami pang sinasabi ang Aleng nag-abot sa kanya ng imbitasyon pero namanhid siya at nabingi. Saka nagmamadaling tumalikod. Sabay hagis ng imbitasyon sa punpon ng mga bulaklak ng patay na tila nakahanay para sa sariling lamay na nakatakda para sa kanyang puso.

* * * * *

Kung naniniwala ka sa destiny, OK lang. Pero huwag ka lang basta maniwala. Intervention ang kailangan. Maraming maraming intervention. Katumbas ng maraming maraming intervention ang maraming maraming gusto mong mangyari. Ganun ang destiny para sa akin. Hindi lumilipad ang chicken joy sa bibig ng taong tamad. Kailangan mo ng pera,pumila, at sumingit sa pila kung kinakailangan kung gusto mo ng magandang cut. Otherwise…

‘Klem-Bang!’

25 minutes too late. Kung umabot lang sana siya dun sa portion kung saan tinatanong ng pari na ‘Sinong ungas na torpe ang babagal-bagal na maglalakas loob na tumutol sa kasalang ito?’ Kaso, hinde.

Nakita niyang lumabas ang bagong kasal. Ang labo ng mata niya dahil sa namumuong luha pero malinaw sa mata niya ang kaligayahan sa ngiti ng babaeng nakasuot ng damit pang-kasal. Love at first sight. Yun lang ang totoo sa kwentong hindi naging happy ending. Tumalikod siya .

‘Chris!’ Boses ni Lira.

‘Cris, sandali!’

Hindi na siya lumingon. 11:30 AM. Huminto ang mundong nagsimulang umikot ng araw na dumako ang tingin niya sa napakagandang bulaklak na umusbong sa hardin ng kanyang puso. Ngayon niya naisip kung bakit may gwantes sa kamay ang mga hardinero. Dahil sa tinik. Dahil sa dagta. Dahil sa uod. Dahil kahit wala, iba pa rin ang nakaisip man lang mag gwantes.

* * * * *

Kahit gaano kabigat ang puso mo, iikot pa rin ang mundo. Kasama ng oras at mga tao sa paligid mo. Sasabay kang parang isang patay o babangon ka bilang isang buhay. Ang pag-asa, nakangiti yang dumarating kasama ng umaga pero ang umasa, kasama siyang nasasayang sa hudyat ng maghapong natapos na naman. Bukas, pipili ka na naman, pag-asa o umasa.

Para kay Chris, tumagal ang tuluyang pagtalikod niya kay Lira ng apat na taon. Ginugol niya ang panahong iyon sa pangingibang bansa. Hanggang sa umuwi siya kasama ng kasintahan upang magpakasal sa sariling bayan.

Sa isang kisap-mata, sa isang pagbaling ng tingin, sa isang pagtaas ng ulo mula sa pagkakayuko, nagbabago ang buhay ng isang tao mula sa pagiging-bihag hanggang sa paglaya. Sa isang kumpas ng kamay, sa isang matamis na ngiti, sa isang pagtatama ng tingin, nagbabago ang buhay ng tao mula sa pagiging malaya tungo sa pagiging bihag…ng oras at pag-ibig.

Nasa harapan siya ng flowershop. Para bumili ng bulaklak na magiging hudyat ng tuluyan niyang pagsulong sa panibagong kabanata ng kanyang buhay. Para tuluyang magpaaalam sa masayang ala-alang minsan niyang pinaka-ingat ingatan.

‘Chris?’

‘Lira?’

Tumakbo ito patungo sa kanya para siya’y yakapin subalit mabilis siyang umatras. Hindi niya nais subukin pang muli ang natitira niyang lakas para sa pag-ibig. At katulad noon sa simbahan, tumakbo siya.

‘Chris!’

‘Blag!’

Kalabog ng katawan. Preno ng sasakyan. Matitinis na hiyawan. Bumalik siya upang lingunin ang kanyang likuran.

‘Liraaaa!’

‘C-Chris!’ Agaw-buhay. Duguan. Pinipilit nitong ngumiti.

‘Masaya ako nang nakita kita sa araw ng kasal ni…ni Ate. Natuwa ako noon dahil hindi ko inakalang pupunta ka…’

‘Pero hindi ba…ikaw…ang  nakita kong…ikinasal!?’

‘Si Ate Mirasol…kakambal ko siya…’

‘Lira…hindi ko alam…’

‘Hinintay kita…hinintay kita kase gusto kong may magbibigay sa akin bulaklak ng madalas….I-Ikaw lang kasi yung nakilala kong ganoon. Ikaw…lang…’

‘Shhhh…Huwag kang magsalita….’

‘Andito ka na ulit…hindi nasayang ang paghihintay ko….’

Dumating ang ambulansiya. Hindi niya binitiwan ang kamay ni Lira. Kung may naaalala siya sa eksenang iyon sa pagamutan, iyon ay ang tuloy-tuloy na tunog ng aparatong ikinabit sa dibdib ni Lira.

‘Time of Death…7:15 PM.’

At tuluyang huminto ang lahat sa kanya.

Para saan nga ba ang relos na pambisig? Bakit may orasan sa opisina? Sa istasyon ng tren at mga bus. Ang sa cellphone, ang sa kompyuter? Para saan nga ba?

Sa nakatakda mong interview. Sa meeting. Sa appointment mo sa doktor. Schedule ng pag-inom mo ng gamot. Pasukan. Uwian. Gimik. Pag gising. Pagtulog.  Sa schedule mong date. Lahat halos, oras na hawak mo sa iyong kamay. Maaari mong pagpaliban at i-usog. Pero ang simula ng hudyat kung kailan darating sa’yo ang kahulugan ng buhay at ang katapusan nito, hindi natin kailanman hawak.

Sa isang kisap-mata, sa isang pagbaling ng tingin, sa isang pagtaas ng ulo mula sa pagkakayuko, nagbabago ang buhay ng isang tao mula sa pagiging-bihag hanggang sa paglaya. Sa isang kumpas ng kamay, sa isang matamis na ngiti, sa isang pagtatama ng tingin, nagbabago ang buhay ng tao mula sa pagiging malaya tungo sa pagiging bihag…ng oras at pag-ibig.

60 responses to “Violets Floating in a Vast Blue Ocean

  1. Mahusay ang mensahe. Epektibo. Magaling ang nagsulat. Dapat lamang na basahin. Hinihikayat kong magsulat ka siya ng marami- Obama

    Kung naniniwala ka sa oras at pag-ibig, isa itong babasahin na talaga namang akma- Oprah

    Syet- Jkulisap

    Para saan ang relong pambisig? Itanong mo kay Roi. :)

  2. Pakitanggal yong “ka”, hindi na kailangan yon.

  3. ANlungkot.
    sa pagkurap ng mata, dagling lilisan ang pagkakataon, mamatay ang umuusbong na emosyon.. sayang..
    and it will forever leave you wondering.. “what if…”
    ah ewan..

  4. ang alam ko, may salitang destiny sa email ko. pero kung tatanungin ako kung naging isa ba ako sa mga intervention, ipasasagot ko yan sayo. :-)

    may mga gusto akong sabihing interpretasyon nitong kwento mo, kasabay ang ilang katanungan, pero wag na lang. nakamove on na rin naman ako. haha!

    • intervention tayo once in a while sa buhay ng mga tao sa paligid natin. i’ll say you’d been a good intervention sa akin miss kaye. yet marami pang intervention ang naganap.

  5. sayang…inuna kasi ang emosyon bago magtanong tanong o alamin man lang lahat ng nangyayari, sayang :(

    • salamat po sa comment, ang daming mga nangyayaring ganito sa buhay siguro. hindi lang dito sa attemp ko ng love story ni chris at lira. maraming marami pang sayang.

  6. nakakalungkot, sayang ang lab at pers sayt.

    • still, kung ikaw si chris, sa gawi ng flower shop, or kapag ipinikit mo ang mata mo, naroon si lira ng una mo siyang makita.

      hindi yun mawawala, tingin ko.

  7. sa tagal na panahon na dinalaw ni chris si lira, di nya nadiskober na kambal pala ni lira si mira. nag-usap ba sila the whole time? antanga lang.

    nag-effort si chris na pumunta sa kasal tapos para lang talikuran ang binalak nyang harapin? antanga lang.

    pero maganda yun mensahe ng kwento, duks. sa pag-ibig, sapat na ang isang tanga. bawal ang parehong tanga. bwahahaha.

    • P.S.

      Bakit di ka nagdoodle?

      • ang daming cut ng kwento kase hindi ako marunong mag cut.

        nangyari na ba sa’yo yung nagmahal ka lang na hindi mo na binigyang halaga yung ibang side story kung sino sino yung mga ibang tao sa paligid ligid niya? kung oo, ang tanga lang.

        hindi niya inabutan yung part na pwedeng gumawa ng eksena, di ba nga? lalapit ka? babati ka ng congratulation. kung ako, hinde.

        ang saya ko naman na binasa mo at meron ka pang mensaheng hinugot.

        mas matagal mag doodle kesa mag sulat. at oras ang wala ako. tinatamad ako. hahaha!

      • nangyari na ba saken yung nagmahal ako na hindi ko na binigyang halaga yung ibang side story kung sino sino yung mga ibang tao sa paligid ligid niya? — hindi pa. dahil pag mahal ko isang tao, kasulok-sulukan ng kanyang pagkatao, pinipilit kong alamin at tanggapin. *bow*

        kung ako ang bida sa kwento, di ko papansinin si chris. walang kadiska-diskarte sa katawan. gusto ko yung mayabang, matikas, maangas… yung magpapatameme saken. yung ako maghahabol. pffft. ekis ka, chris, ekis! lol

        anong wala kang oras? boooo! di ba’t may suot kang nice wrist watch, ikaw mismo may sabi… para hawak mo ang oras mo. kaya simula ngayon, di ko tatanggapin ang dahilan mong wala kang oras. mas paniniwalaan ko kung sasabihin mong tinatamad ka. haha.

        tinapos ko talaga basahin. tungkol sa katangahan sa pag-ibig eh. pero maganda un lesson di ba: Bawal parehong tanga sa pag-ibig. Nakamamatay.

  8. kinilabutan ako. ewan ko kung baket.

    may naalala akong kanta…

    Who can say where the road goes,
    Where the day flows, only time?
    And who can say if your love grows,
    As your hearth chose, only time?

  9. ito namang si Cris tatanga tanga hindi nagbabasa ng invitation ng maayos eh kung nabasa nya sanang Mirasol eh naayos sana buhay nya at pumunta man sya sa kasal tinatawag naman sya ni Lira di man lang lumingon kala mo naman kagwapuhan eh di sana ay may mga anak na sila biruin mo apat na taon shaks na yan may taglay na katangahan namang tlga yang Cris na yan tapos sa huli tinatawag na naman di naman lumingon ayan namatay tuloy si Lira :-(
    wag kang tatawa Duking! oo apektado ako!!!

    xDD

    • ang daming cut sa kwento na hindi na binigyan ng detalye. di bale, kapag nilipat na ‘to sa big screen, sisiguraduhin kong masusunod yung draft ng orihinal na manuskripto. hahaha!

      in the end, malamang na pinag sisisihan din ni chris ang nangyari. dahil sigurado ako dun.

  10. hahaha! doon ako papanig sa interpretation ni sphere… paulit-ulit na pagiging tanga? (at saka, may editorializing pa – yong di naman kagwapuhan, haha…) anlabo nya, shaks!

    peace, duking! :)

    • honga. kung titignan, ang daming loose end ng kwento. ang tanga ko mag edit. 7 pages ang original niyang draft sa word. hindi ko maimagine kung may babasa ng ganun kahaba sa blog.

      though it strikes me habang sinusulat ko ito, sa parehong paraan na sa kahinaan, umiibig tayong bigla na gaya lang ng love at first sight. (in case na naniniwala ka rin na nangyayari ito) . we miss a lot of details. fools fall in love. ganun kabilis yung emosyon minsan. uunahan ka niya sa senses mo ng reasoning. at yun na. naiiwan tayong parang lagas na dahon na hindi alam kung saan lalagpak.sadness. happiness. destiny. walang nakakaalam.

      • “umiibig tayong bigla na gaya lang ng love at first sight. (in case na naniniwala ka rin na nangyayari ito) . we miss a lot of details. fools fall in love. ganun kabilis yung emosyon minsan. uunahan ka niya sa senses mo ng reasoning. at yun na. naiiwan tayong parang lagas na dahon na hindi alam kung saan lalagpak.sadness. happiness. destiny. walang nakakaalam.”

        pwede ko bang hiramin ang mga linyang ito? papaenlarge ko at ididikit sa kisame ng aking kwarto. SHET! Super relate ako dito..pramis!

      • kung kelangan mo lang ng editor, aba’y ipadala na yan saken at ieedit ko. trabaho ko naman yan dito! ;-)

      • hiniram ko po yung linyang gusto ko… may link naman po :)

      • @kaye: thanks sa offer miss kaye. tingin ko, mapapasubo ka isang araw pero alam ko rin naman na mas more on sa english post kita pwedeng matapik para sa tulong.

        @madz: salamat for featuring my lines. nakakataba ng puso ang mapahalagahan ang bawat salita.

  11. ang ganda ng kwento bagamat may mga parts na medyo nabitin ako, hindi naman nawala ang kalidad. kudos! :)

  12. Maling akala nga naman. tsk. Masama talaga idudulot noon. ;)

  13. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!. Idol! Ikaw at ikaw lang ang blog ang babasahin ko kahit umabot pa sa dosenang kanto ang haba!!!! Gandaaaaaaaa! Nagni-ning-ning ang mata ko sa sulat mo… waaaaah! Teary eyed lang sa ganda.. bilib! Idol talaga kita

    • nakanaks. palakpak tenga ako dahil alam ko na na merong isang taong nakahandang magbasa ng kahit anung itapon kong kwentong mahaba sa bahaging ito ng web.

      maraming salamat,kamil.

  14. napakaraming panghihinayang at mga “sana” sa kwento…

    maging aral na lang siguro ito kay Chris (o para sa lahat) na wag pangunahan ng takot , pag-isipang mabuti ang mga desisyon, matutong makinig at magtanong hindi yung sarili lamang ang pinakikinggan. (nakakarelate???)

    kagabi ko pa gustong magcomment dito, pinag-iisipan ko talaga ilalagay ko .in the end yung nasa taas din pala sasabihin ko…LOL

    • nakita ko na yung blogpost mo. nakakalungkot lang pero isang track lang sa album ng buhay yung bahaging yun. the rest, maaaring masaya na kung hahayaan mo.

  15. mahaba ng ang kwentong ito at parang napanood ko na sa radyo. pero dahil gawang duking, maganda ang pagkakadinig ko sa blogpost na ito.

    mabuhay… ang lesson na nakuha ko dito ay huwag bumili ng bulaklak na rose. orchids na lang. chuz!

    mabuti naman at hindi uso sa akin ang love at first sight. mga at third sight pa, puwede.

    • common na love story nga siguro. pwedeng pang tv, pwedeng pang radyo. hehehe!

      so sa tinagal-tagal, hindi mo pa nararanasang umibig instantly, yung tipong papasok sa kategorya ng love at first sight?

  16. dahil wala akong masabi sa ganda nito boss, pa-like na lang. :D

  17. eengot engot naman si chris! kabwist lang! pero malamang eh hindi talaga sila para sa isa’t isa…kasi naniniwala ako na kung kayo talaga eh panahon ang gagawa ng paraan para don…utak tamad lang no..walang ayfurt!

    may kakilala akong taga Batangas naman..Espina..nakapag asawa ng Garcia! pero sure ako na hindi nila lab story ito dahil walang kakambal yung babae..ahahahaha!

    Tama siguro..nawawala lang ang pagmamahal sa isang tao pag nakahanap na ng taong aakalain mong mahal mo. hehehe

    Ako eh nagbabalik Duking!

  18. OK. naiyak ako. :(

    still, communication is the key, kung may orasan, meron na ding cellphone. :)

    sayang. sayang talaga. nalungkot talaga ako.

    apektado much, hehe. :)

  19. kasi naman eh, kasi naman.. hehe.. yan lang masasabi ko..

    dumadalaw lang sa aking kaibigan. hope all is well with you, duking :)

  20. Aminin na natin, na mas nauuna talaga ang emosyon sa kahit anong pag-iisip, hindi kasi natin hawak yun, ung tindi ng bugso ng damdamin kumbaga para ka lang napaapak sa accelator ng sasakyan.
    tanggapin na lang ni chris na madami syang sinayang na oras.
    tanggapin na lang din ni chris na nawala anng pag-ibig na sana kung lumingon sya, nakinig, nagtanong hindi sana mawawala si lira.

    sayang.

  21. pagkatapos kung basahin, tumigil ang oras.. hindi pala! wala nang baterya ang orasan na nasa harapan ko…hehehe

    minsan ang panghihinayang ang nagkokonsumo din ng oras, instead of being drown to regret.. lakad ulit.. may iba pang paraan para magamit ang oras na hindi mabigat sa dibdib..:)

  22. ayy!!! nakakainis ka… ayokong nakakabasa ng ganitong post … lalo na kung galing sa iyo…

    pero… isa lang ang ibig sabihin niyan… (langya.. pag mahal mo… wag mong bitawan… ipakita mong mahal mo siya… hanggang sa huli…)

  23. Pagkatapos kong basahin ay nanibago ako sa dalawang bagay:

    Una, dahil masyadong seryus mode ang pagkakasulat mo nito at may pagka-madrama, di tulad nung ibang nauna.

    Pangalawa, oo, inaamin ko, hinintay kong gumalaw ang larawan sa itaas dahil akala ko’y tulad ito ng nga ibang nauna, kaya nakasanayan ko na ;)

    Sana’y naging mapagpala ang araw na ito sa iyo, Kaibigang Duking :)

  24. Tae, parang teleserye. But i like the adlibs, Sir Duks :) Goodjob!

  25. waahh, sobrang gusto ko tong blog post mo na 2 manong duking :) astig astig astig,

    permission to copy this: Kahit gaano kabigat ang puso mo, iikot pa rin ang mundo. Kasama ng oras at mga tao sa paligid mo. Sasabay kang parang isang patay o babangon ka bilang isang buhay. Ang pag-asa, nakangiti yang dumarating kasama ng umaga pero ang umasa, kasama siyang nasasayang sa hudyat ng maghapong natapos na naman. Bukas, pipili ka na naman, pag-asa o umasa. – ilalagay ko po sa journal ko, hehe

    tsaka ung iba pang malaquotations d2, :P

    salamat po! ^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s