black sheep, baby. black sheep!

Kailangan ko ba talaga itong gawin? May pag-aalala kong tanong sa kanya. Mahina,pabulong. Ayokong may makarinig ng aking pangamba.

‘Oo. Sa pagbubukas mo lang ng sarili mo at ng iyong mga pinag-daanan mo malalaman kung saan nga ba ang daan na tinatahahak mo. Kaya mo ‘yan. Napag-usapan na natin ito, ‘di ba?’ Hinawakan niya ang aking mga kamay ng mahigpit.

Wala ako dapat dito. Hindi ako bagay dito. Tinigdan ko siya. May tungo ng pag sang-ayon mula sa kanya. Garalgal ang aking boses. Kinakabahan. Turn ko nang mag-kwento.

Minasdan ko ang dilim sa bibig ng balon. May kung ano sa dilim na nag aanyaya sa akin. Hindi ako takot sa dilim. Hindi ako takot sa pag-iisa. Kapayapaan ang paanyaya ng dilim sa akin.

May kung anung pwersa ang nagtulak sa akin upang sunggaban ang dilim. Nahulog ako sa kanyang kailaliman. Nilamon niya ng buo ang aking katauhan. Binati niya ang tagumpay ng pinag-dududahang tapang ko sa aking sarili.

Ginawa ko ang lahat ng dapat kong gawin habang nasa dilim. Kinapa ko ang lahat ng bagay na hindi kayang abutin ng aking katwiran habang ako’y nasa liwanag. Nilimas ko ang lahat ng sikretong inililihim ng karimlan hanggang sa wala na… hanggang sa wala na…hanggang sa wala nang matira…

Saka ako tumingala. Liwanag. Nakakabulag na liwanag.

At bigla akong sinakal ng dilim. Pinilit kong abutin ng kamay ko ang liwanag. Hinihila ako ng dilim. Lumalayo ang liwanag. Pinipilit kong abutin ang liwanag subalit may lakas ang dilim na animo’y hinihila ako sa kanyang kailaliman…

Itinaas ko ang aking kamay. Taas ng pagsusuko ng aking sarili sa liwanag at paglaban sa dilim.

Binasag ko ang katahimikan. Ang katahimikan ng aking pag-iisa.

‘Tapos na ako sa dilim, i-ahon ninyo ako!’

May kamay na umabot sa aking kamay. Iniahon ako. Sa paglapit ko sa papalaking liwanag, nakita ko ang mukha na nag mamay-ari sa kamay. Ang kanyang mukha, ang kanyang kamay, ang aking kamay, ang aking buhay.Siya sa liwanag. Ako sa dilim.

Kaligtasan!

Nakangiti niya akong hinila hanggang maka-ahon sa kadiliman ng balon. Hindi ko malilimutan ang kanyang sinabi…

‘Welcome sa Malabanan…’

Tahimik ang lahat na napatulala sa aking patotoo. Nag seryoso bigla ng mukha ang kanina lamang ay luhaang nakikinig. Unti-unting lumuwag ang kanyang kamay na kanina lamang ay mahigpit ang pagkakakapit sa aking mga kamay.

45 responses to “black sheep, baby. black sheep!

  1. malabanan!!! hehehehe galing ah!

  2. tae! wahahahaha.

    eh baket filed under “these foolish things remind me of you”? intrigera. hahaha.

  3. bagay na bagay to sa mga makasalanan na gustong magbalik loob.
    balon-sadlak sa kadiliman/nilalamon ng jablo
    liwanag-pagsuko ng sarili kay god.

    nag-aaanalyze ako. yay
    rehab?

    hi kuya duking

  4. Parang ako din na-lost sa balong malalim sa lalim ng pinaghugutan nito, duking. Kung ano man yang pinagdadaanan mo, cge iembrace mo na ang liwanag mahirap pg laging nasa dilim.

    Nagbabalik po sa bahay mo 🙂

  5. Sa hirap ng buhay, kahit ang trabaho na kailanman ay hindi niya inakalang mapapasukan niya ay kanya ng pinatos. Kabahuan at kadumihan ay kanyang kinalimutan, malamang para madagdagan ang pisi sa wallet niyang walang laman. Kinuwento niya ang kanyang binyag.. Binyag sa una niyang karanasan sa trabahong paglusong sa mga naipong tae.. ‘Welcome to Malabanan’ ay katumbas ng ‘Pasok ka na sa Samahan namin’ dahil nalampasan mo ang unang pagsubok.

    Kahit siguro ako ang may hawak ng kamay dun habang nagkwekwento siya ay mapapabitaw ako at maghuhugas agad ng kamay lalo na kung ang petsa ng kwento niya ay mga 2 hours ago lang. hehehe. Comedy hahaha. tsk.

    • hahaha! sinabi mo pa,tol met!

      hindi biro ang trabahong yan. at talagang nilulusong nila ang septic tank para sa mga solids na pwedeng magbara sa suction pump ng kanilang truck. kaya sa kapakanan nila…bawal kumain ng mga plastik. hindi yun natutunaw. hahaha!

  6. ang lalim ng balon sir katulad na kalalaliman ng inyong sinabi. hindi kaya binalikan mo ang iyong nakaraan at kinilala ang sarili? pilit mong hinanap ang mali, ang iyong magkakamali, at ang iyong pagkakamali. ayan, nakita mo na.. handa ka na…

    bahala ka na umintindi sir. ang husay… 🙂

  7. kuya duking, masaya ako dahil napagtanto mo sa iyong sarili ang pagiging bukas. Pagtanggap sa mga bagay na iniiwasan, lahat ng iyong napagdaanan ay isang indikasyon na lumalawak lalo ang iyong pag-unawa sa mga bagay-bagay. Wala ako sa posisyon upang magsabi ng kung ano sa iyo dahil tulad mo unti-unti ko ding hinahanap ang liwanag…

    ano bang pinagsasabi ko? ah basta! welcome…
    (*isang mahigpit na yakap sau kuya:D)

  8. Lul. Mukha mo.

    Ang gusto ko lang sa sinulat mo eh yung part na “Ako sa dilim”. Dahil kadiliman ka! Kampon ka ni Satanas! Diablo! Basurero! Bwahahahahaha.

  9. wehehehe….iyon pala yun! akala ko na “story of conversion” ng bida. pero id like to look it that way kesa isipin ko kung saan siya nalublob. 🙂 il stick to the near-death experience and the tunnel of light story of conversion mo kasi i can relate to that. minsan inilalayo ko pa ang isip ko sa ending na gusto mo kasi sa seriousness and melodrama ng simula tapos dun mo rin dadalhin. kakainis pero worth reading! 🙂

    • hahaha… nasanay na yata akong gawing katatawanan lahat ng bagay or pinipilit kong lagyan ng kakatawang ending yung kwento. salamat sa pagbisita at pagbabasa, art.

      i know na kaya mo ring sumulat ng mas matitino kesa sa sinusulat ko so sana one of this days simulan mo ring magsulat ng blog. medyo ma trabaho rin mag maintain pero worth the effort dahil nakakalibang din.

  10. teka lng wag ka muna magulo di pako tapos manglimas ng mga anik anik dito sa kailaliman / kadiliman ska di pa ako ready makita ang Malabanan.

    sana makita mo ang liwanag kahit walang mga kamay na hahawak sayo ng mahigpit at kahit lumuwag man ang pagkakahawak nito sa iyong mga kamay isipin mo na lng baka nangalay lng sya sa pagkakahawak sayo o kaya naman baka turn mo naman na ikaw naman ang humawak sa kanya ng mahigpit =)

    pagpasensyahan mo na ang mga pinagsasabi ko d2 masandstorm kc sa mga oras na ito. xD

  11. Nakita ko siyang tumalon, nagpalamon sa dilim.
    At walang tanong-tanong, ako’y sumunod..

    pababa, pababa, palalim.
    Hangga’t kasing-laki na lamang ng piso ang liwanag na kaya kong tanawin.

    Naririnig ko siyang humahawak, humahaplos, pilit na sumusunggab sa hangin, o sa dilim, hindi ko alam.
    Kaya’y sinimulan kong hawakan..

    Ang lamig.
    Ang lamig masyado ng dilim sa aking panghawak.

    HIndi ko alam san niya nahuhugot ang lakas ng loob, pero patuloy siya sa pagkapa sa lahat ng maaari niyang makuha, matutunan, mula sa dilim ang maaari niyang dalhin sa liwanag.

    kaso bobo ako. di ko kaya yun. ang matuto mula sa dilim? paano kung ang dilim ng aking paningi’y mas madilim pa sa parte niya ng dilim

    sa balong ito?

    at naramdaman ko siyang nakikipag-agawan ng liwanag sa dilim. sa di malamang dahilan, umahon siya, at may narinig akong

    “WELCOME TO MALABANAN”.

    Kung sino man ang nagsabi sa kanya noon ay binigay naman ang atensyon saken. Nakita ko ang hugis na tumakip sa butas ng liwanag.

    pilit akong inaaninag, tinatansya kung buhay pa ba ako o hindi.

    “MALABANAN ITO. KASO MUKHANG DI KA AABOT”

    Sigaw sa akin.

    Malabanan? Oo, hindi ko nga malabanan

    ang dilim…….

    (WOOOHOOOO! :))

  12. linti.. ok na naramdaman ko ang istorya lintik sa malabanan pala mauuwi….

  13. black sheep… sino ba kasi ang black sheep? kasalanan ba ng black sheep ang nangyaring paglusong mo sa kadiliman? o baka naman ikaw ang nagdala sa black sheep sa kadiliman?

    ewan ko na. hindi ko na naintindihan ang kwento. siguro tungkol na naman talaga ito sa kataehan ng mga bagay bagay. 😉

  14. welcome sa malabanan.
    hirap na hirap akong arukin tapos diyan pala magtatapos.
    gross.
    haha. 😀

  15. pilit umaahon sa kadiliman…

    ang galing duking!! kahit puro dilim at liwanag ang naintindihan ko eh ang galing pa din para sa akin! sensya naman at wala akong matinong comment,hihihi

    pasalamat ka at kamay ang pilit umabot sayo at hindi ka nahigop nong parang hose na malaki…sa pag alis mo sana sa dilim eh sa dilim ka pa din babagsak,hihihi

  16. bakit iba naglalaro sa isip ko habang binabasa ko to.. parang true to life story mo kuya duking? ahihihi 😛

  17. Imburnal? ‘Yan ang naitanong ko sa aking abang sarili Ginoo. Hindi ko mawari kung bakit doon ako dinadala ng iyong mga winika.
    Sa dilim kung saan nakaimbak ang kasaysayan ng ilan, sa dilim kung saan nanahan ang kapayapaan pagkatapos na tanggapin na wala ng liwanag. Sa dilim kung saan nagsimulang maglumikot ang isip at dalhin sa mas malalim pang kadiliman.

    Ahahhahahahahhahaa. Ahahahhahaha. Iahon niyo ako dito, napapawika ako ng malalim.

    Hindi pa naman ako sanay.

    🙂

    Ang tapang ng sikmura ng mga Malabanan o Sisid Gang, saludo ako. 🙂

  18. feeling ko naiwan ako sa kailaliman ng post mo. Ang lalim. Ang lalim. Ang lalim… naiimagine ko sarili ko sa sinasabi mo. pero parang naguguluhan ako. May kongkretong litrato ang imagination ko habang sinasabi mo lahat.. pero parang di ko pa rin maintindihan…

    hahaha.. pero ang ganda… ang ganda… na-go-go with the flow ako sa pagbabasa.. ansarap basahin…

  19. minsan di natin maiiwasan kahit nakaahon na tayo sa pisting yawang kadiliman na yan, kahit sabihin natin hinding-hindi na nating hahayaan ang sariling mahulog uli sa balong iyon may mga pagkakataong’magigising tayo nandon ulit tayo… minsan kasi tawag ng pangangailangan, minsan naman dahil sa kaduwagan… minsan dahil sa sobrang pagmamahal… maraming dahilan kaya marami ding paraan para umahon. sana lang yung mga humanoids sa paligid natin ay kusang loob na tulungan tayo makita ang liwanag at sana hindi sila magdamot na bgyan tayo ng pagkakataon na ayusin ang lahat

  20. nice post! ang daming pumapasok na scenes at objects sa utak ko habang nagbabasa. :))

  21. Hahahaha akala ko isang madilim na bangungot, napaisip tuloy ako XD
    Salamat sa word na Malabanan nagliwanag ang aking kaisipan hahahaha

  22. whaahah welcom MALABANAN POZONEGRO awwwts! amp! natawa talaga ako haahahah.

    ang galing! ang galing ng pagkakasulat!! hayst eto na naman ako at lunod sa kagalingan mo taragis!

  23. ito ang video ng comment ko sayo…

  24. Maliliwanagan pala ako sa salitang Malabanan.
    Kuya Duking, musta? 🙂

    May mga taong tutulong sa ‘tin pero palagay ko hindi nila tayo parating hahawakan, kelangan kasi tulungan din natin ang sarili natin. Palagay ko lang naman.

  25. pinagsisisihan ko na ang lahat ng aking kasalanan! hehe.

Mag-iwan ng tugon sa p0ks Pindutin ito para bawiin ang tugon.