Saranggola Blog Awards Entry sa Kategorya ng Tula

( 1 )

kung may…

kung may butil pa tayo ng pagmamalasakit
at may luhang pandilig ang mata ay bitbit
atin nang itanim ang pag-asa sa ngayon
na kinabukasan,ang tao- s’ya pa rin ang nororoon

kung may binhi pa tayo ng konting pang-unawa
at may lakas ang katawan na lumikha’t gumawa
ang sugat na likha ng ating kasakiman
hugasan at paghilumin din ng ating kakayahan

kung may talbos pa tayo ng konting kahihiyan
at may dagta ng kahit munti pang kabutihan
payabungin at hayaang muli na mag-gubat
takpan ang pang-aabuso na tayo rin ang nagkalat

kung may pipit pang tumutuka sa ating konsensiya
at may pakpak pang buti ang agham at sensiya
paliparin nating muli sa himpapawid ang mga ibon
maging pugad tayo na sa kanila’y mag-aampon

habang hindi pa huli ang lahat…
habang hindi pa huli ang lahat…

sapagka’t ang kalikasan,pag siya’y nagdamot
tayo ang sasalo nang inipon niyang poot
walang pagkukublihan,hindi matatakasan
pinapatay natin ngayo’y multo natin kinabukasan!

(  2  )

uuwi na ako

uuwi na ako,ina…
sa dampa mong ang apat na sulok
ay ala-ala ng aking kamusmusan.

ang himig ng mahinhing tubig sa batis
na walang sawang bumukal sa iyong dibdib
ay kinasasabikan kong muling malasap.

ang mga burol mo at mga pilapil
na nagpatatag sa aking mga binti
ay nais suyuring muli ng aking mga paa.

ang  mga damuhan mo at talahiban
na noo’y humihiwa sa manipis kong palad
ay nagpapa-alala na ng kirot ng pangungulila.

ang gubat mo at mga kakahuyan
na nagliligaw sa aking mapangarap na kabataan
ay ‘di hamak na mas payapa sa sukal ng lungsod.

ang bughaw mong langit at busilak na ulap
na naging lilim at kublihan ng aking mga pangarap
ay gusto kong maging balabal sa lamig ng pag-iisa.

ang orkestra ng huni niyong mga sari-saring ibon
na laging nagpapa-antak noon ng nais kong paglayo
ay s’ya ring musika ngayon na aking binabalikan.

uuwi na ako,ina…
binihisan ako ng siyudad ng saplot na makabago
subalit makikilala mo pa rin ako sa aking kayumangging balat.

uuwi na ako,ina…
may sakit akong nakuha mula sa mga bisyo ng kabihasnan
ngunit naghihintay sa akin ang lunas na nasa iyong hardin.

uuwi na ako,ina…
patawarin mo ang aking kapangahasan at kalapastanganan
inakala kong hindi mahalaga ang mapagpala mong mga kamay.

uuwi na ako,ina…
naririnig na kitang pangalan ko’y tinatawag.
nariyan na ako…
nariyan na ako…

*********************************************************************

(  3  )

salamat,kamote-Q!

minsan ang kamote ay nagkwento sa akin
habang siya’y nakaratay sa dahon ng saging
may saksak ng kawayan na naglagos sa laman
tustado’t nababalot ng asukal ang katawan

‘doon sa may bundok ng ako ay isilang
nang nanay at tatay kong kamote ring hirang
musmos na talbos ko’y nagdawag,nag sanga
sa ugat na kay sigla,laman ay nagbunga’

‘ngunit may digmaan na doon ay nagsiklab
at mga kawal na gutom sa aki’y sumunggab
sa dahon ko’t lamang-ugat,sila’y nagpasasa
bumusog sa dalawang panig ng mga sikmura’

‘subalit nang masupil silang nag aaklas
niyong mayroong higit na malakas na armas
laksang kahirapan ang bumalot sa bayan
at ako pa rin ang nagsilbing kanilang takbuhan’

‘sa talbos ko’y nagpista ang isang pamilya
ang laman ko-sa bunso’y ginawang meryenda
kabuhayan akong tinuring ng mga nagsasalat
sa niluha kong dagta,halaga rin ay nasiwalat’

nalagot ang hininga nang sinubo ko’t kainin
at napag-isip akong sila kaya’y may langit din?
nang kumulo ang tiyan ko’t nagbuga ng hangin
kaluluwa ng kamote ay nagmulto sa akin!

Ang tatlong tula ay ginawa bilang tugon sa patimpalak ng Saranggola Blog Awards patungkol sa paksa na ukol sa kalikasan.Isang napakagandang hamon sa pagpupumilit kong gumawa ng tula dahil nasanay ako sa mga paksang walang panuntunan maliban sa bigla ko lamang naiisipan.Sana’y maibigan ninyo.

at syempre pa…ang sponsor ng Saranggola Blog Awards.Marami pong salamat!

About these ads

71 responses to “Saranggola Blog Awards Entry sa Kategorya ng Tula

  1. hang galing.. :D
    nautwa ako sa kamote.. hmm parang ayaw ko na yata kumain ng kamote.. nakakaawa.

    sensya na sa walang wentang komento.. walang wenta rin ung nagkomento eh wahahahaha

  2. huwaw naman kuya duking huwaw!!!
    :D

    ang kamote.. nakakautot. bow.

    hohohohoho

  3. hi! nakita ko na yung badge ng SBA, yung badge na lang ng sponsor ;)

    • naisingit ko na rin po.

      maraming salamat sa napakagandang pagkakataon na sumulat para sa inyo.

      challenge sa munti kong kakayahan ang pagsulat ng tula na may paksang ukol sa kalikasan.

  4. wala. sasali pa naman sana ako. eh sumali na si kuya duking :))

    biro lang ^^ wala pa kong nagagawa pero tula din ang gagawin ko ever. hoho! ang gaganda nito kuya, pakopya nga. biro ulit ^^

  5. haizzzzz! ang galing nman.. wat do i expect nman db? iloveyou nlang kuya! ehehehhe!!
    baka hnd ako makasali sa kontest ni kuya bernard kc nman ang hirap! ahahahha..

  6. Ang haba haba tinatamad akong basahin kase alam kong di ko nanaman maintindihan.

    Mamayang gabe ko na babasahin. PAG WALA NA TALAGA AKONG MAGAWA. As in yung nakutuhan ko na ang aso namen tapos bored paren ako. Bwahahahahahaha.

    Malantod! Hitad! Haliparot! Kerengkeng!

  7. waaah! comment muna ako sa drawing..ano gamit mo kuya? oil pastel din o water color…waaaaah! ang galing… naiinggit ako promise!

    • wala na…BOW! panalo ka na naman kapitan hook! kaya di na kami sasali…wahahaha

      pero ang galing! malunod ka na sa papuri..wahahahaha

      • water color,tinkerbell.

        sumali ka na.ang husay husay mo ngang gumawa ng tula eh.saka challenge na din.malapit pa naman sa puso mo ang kalikasan at kagubatan di ba?

  8. Maganda ang salansan nong unang tula, ‘yong pangalawa, malayang malaya ang taludtod, ang pangatlo, malikhain.

  9. hala! Boracay na ito!!!!!
    Pasalubong, Haring Doc!!!
    Yahoooo!!!! :D

    • no expectations,pre.

      natuwa lang ako dun sa challenge na gumawa ng tula na may kaakibat na na paksa bukod sa paksang nakasanayan ko.natutuwa naman ako na nakatugon ako.

      salamat!

  10. Alam ko na ngayon ang hindi ko sasalihang kategorya. Biro lang. Nice post.

  11. paborito ko yung 1 and 2
    2 ang kumurot sa puso ko
    kahit walang koneksyon mahal ko kasi si nanay ko.

    panalo na ito kuya duking!

    saludo talaga ako sa iyo. manunula, artista!
    be blessed kuya dukinG!

    • ang lakas mang uto ni pong.hahaha!

      salamat sa cheer pong.uuwi ka na ba?mami miss mo talaga ang maraming magagandang bagay na andito hanggat anjan ka.

      uwi na men…mas kailangan ng inang bayan ang gaya mong matalino at mabait.hehehe!

  12. Pwede bang ” Mahalin na lng muna kita ngayon?” kahit ngayon lng :-)

    • pwede!hahaha!!!

      ooops!teka…hindi pala pwede.whahaha!

      hi anne!

      • ahahaha binawi tlga! :-) cge ok lng sa susunod na mga araw na lng :-) o kaya bukas na lng kita mamahalin ahahhahaha

        hang ganda ng tula at syempre hindi ako sasali parang kasing mga pangpropesyunal na manunula ang makakalaban ko.

        njoy mo na lng ang Boracay!

  13. patay tayo dyan ang magandang tula hinaluan pa ng magandang drawing! wahhh

    good luck duking! more power!

  14. kuya Duks. nakanaks di nalang ako sasali sa tula. sure win na to. bwahhaha. nice entry! gudlucks. hugs. :D

  15. ikaw na! Ikaw na ang inspired! Hanep lang e.

  16. dapat sumali ka sa Palanca kuya duking

    • mukha akong palaka at utak talangka pero hindi kailanman aabot sa husay na nasa level ng palanca.

      pero dahil naniniwala ka sa akin…daig ko pa ang nanalo ng Nobel Peace Prize for Literature.

      salamat pong!

  17. ang kamote, bow!!

    ikaw na ang may tula kuya
    ikaw na ang may rhyme,
    ikaw na ang may magagandang salita
    ikaw na ang maraming awards…

    ikaw ang bespren ko..
    penge akong kamotekyu.. :)

    **at lagi kang panalo sa puso ko kuya..

  18. …dahil kupal ako, duks. hahaha.

    *****
    kuhrach: binabasa ko un tula mo.

  19. Iba ka talaga boss. Nakakatawa at nakakatuwa yung camote-Q. Sure win na yan!

  20. ang putik ahahahaha. mukhang lahat ng awards ay para sayo duking. two thumbs up

  21. ‘yung totoo? nagustuhan ko ‘yung ikalawang tula mo. hindi ko alam kung may kabig lang ako sa malayang taludturan pero malakas ang dating sakin ng mga tulang walang sukat at tugma.

    mukang may sasalihan na naman akong pakonteshit sa buladaspir. pero para safe, hindi na ‘ko sasali sa kategoryang tula. hahaha!

  22. ang ganda! ang ganda tol!

    ang sarap magbasa ng gantong tula, natural na natural
    at ang lupit ng devotion sa nature! nkakainspire!

  23. Woooow! Tatlong entry agad! Galing-galing! Klap! Klap! Klap!

    Good luck sa ‘yo, Duking. At pag nanalo ka, wag mong kalilimutan ang burger ko ha? hehehe

  24. huhuhuh.. sumali na si duking.. di na ko sasali.. heheh
    ganda ng lahat ng entries..mahihirapan mga judges nito.. :)
    napatawa ako sa multo nung kamote. hahah

    gandang araw duking! :)

  25. ang galing kuya duking sigurado na ikaw na naman ang panalo sa patimpalak na ito, napakagandang mga tula… nasad naman ako sa kamote, di na ko bibili ng kamote q, turon nalang para di na tinutusok ang laman.. ehehe :D

  26. Sa wakas after two days natapos ko ren basahin! Anak ng kalechehan, tama ako! Hindi ko naintindihan!

    Mapanlait ka sa mga mapanira ng kalikasan! Pero tama naman. Haha. Pero mahirap kaseng kalaban ang comfort. Sabihin na nating marami saten ang nagmamahal sa kalikasan, pero kapag may birthday party ng kids ilan ba ang nakakaalala na wag gumamit ng plastic spoon and forks? Ilan ba satin ang masipag lubos lubusin ang pag gamit ng dalawang sides ng papel pag nag piprint ng mga kelangan sa office? Nakakatawa kung iisipin naten pero marami naman satin ang may alam ng tama, pero mas kumportable ang hindi tama, kaya marami paren ang nauuwi nalang sa paghahanap ng idadahilan.

    Kaya ayoko ng kamote eh.

  27. bakit walang like dito super like ito hahaha

    nakoooo panalo nanaman ito

    natawa ako dun sa pangatlo

    ano pa ba masasabi ko e di..

    ANG GALING MO TALAGA!

  28. gusto ko yong pinakauna.da bes. haha.tama, pinapatay natin ngayon at yan ang multong nag-aabang sa atin.yay.

    ayos din ang ipininta mo duks, all thumbs up! :-)

  29. gustong-gusto ko ang unang tula. ang ganda. seryoso.
    pero sa totoo lang. maganda silang tatlo.
    nalungkot me much.
    ayaw ko na gumawa ng tula.
    hindi na ako sa category na ‘to.
    walangya! ang lupit mo!!!!

    WAAAAAH!

  30. “uuwi na ako,ina…
    binihisan ako ng siyudad ng saplot na makabago
    subalit makikilala mo pa rin ako sa aking kayumangging balat.”

    – this is so surreal, nakakakilabot ung use ng mga words, very very meaningful ng mga salita, no matter how we are clothe by every sophisticated things, we are still identified, by who we “really” are… (hmn… somehow the mask of this world will never separate us from our being…)

  31. wow. galing! duking goes green! =) i love it. specially the 2nd poem … =)

  32. i like it napaka propesyunal naman ng pagkakagawa! de kalibre taragis!!!

  33. bawat tula,may kanyang katangian.. gaya ng dati, isang obra na naman!!

    may haplos sa puso ang ikalawa, may hamon ang una, may ngiti ng pasasalamat ang ikatlo… palong palo!!

  34. ito ang tula, Igan. galing!

  35. Igan Duking, saan nanggagaling ang iyong mga idiya para masulat mo ang ganito kagagandang mga tula?

    • hehehe…wala naman po.random lang na naiisip.halong kulit lang saka paglalabas ng mga kahit anong maisipan.

      libangan lang po.salamat sa pagdaan.add kita sa blogroll ko,sir pruelpo!

  36. grabe buti dumalaw uli ako sa entry mo. kala ko meron na akong comment dito wala pa pala. heheheh… wala kang katulad duking. excited na ako makita kayong lahat sa blog awards..

  37. walang kupas talaga ang iyong kagalingan kuya duking….hanep sobra…hahahaha

  38. galing galing naman ni kamote!

  39. sir anu po ang kategorya ng tula?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s